Kamakailan lang nalathalang ang mga Pinoy daw ang isa sa may pinakamababang low IQ sa buong South East Asia.
Sa iskor na 86, dinaig tayo ng mga bansang Singapore (108), Vietnam (94), Malaysia (92), Brunei, Cambodia, Thailand (tig-91), Laos (89), Myanmar at Indonesia (tig-87). Hindi ko nakita kung ilan ang nakuha ng East Timor, pero hindi nangangahulugang mas mababa ang IQ nila kesa 'Pinas.
Kamakailan lang din lumabas ang balitang 91% ng mga Pinoy ang nagtitiwala pa rin kay Duterte.
Nguni't, mabalik tayo sa usapang-IQ.
S'yempre, 'pag sinabing average, hindi lahat ng tao ay may ganoong iskor. May mga taong may IQ na mas mataas sa 86, at meron namang mas mababa pa roon.
Nasisiguro kong isa na ako sa mga iilang Pinoy na may IQ na mas mataas sa 86.
Bakit, 'ka mo? Narito ang aking mga dahilan:
- Hindi ako nakipagsiksikan sa Manila Bay para tignan 'yung fake white sand.
Naglaho ang social distancing para lang magisnan ang tinambak na dolomite sa Manila Bay.
Sabagay, hindi ko rin naman sila masisisi. Bago nga naman matapos ang taon, malamang inanod na ang mga buhangin.
Pero, kahit na. Hindi ko ipagpapalit ang aking kalusugan sa P389.8M.... Teka, ganoon kamahal 'yun?
- Naintindihan ko ang salitang "komunista".
Bakit nga ba ang mga pumupuna sa gobyerno ay binabansagang "komunista"? Tapos, halos halikan naman ang p'wit ng bansang Tsina? Sino ba ang talagang komunista? Gustong lipulin ang mga komunista (kuno) na mga Pinoy pero hinahayaan namang sakupin ang ating bansa ng komunistang Tsina.
O baka colonial mentality lang 'yan? Pera-pera? Kabobohan?
Bawal Judgmental!
- Wala akong ibinoto sa mga senador na nanalo noong nakaraang eleksyon...
Sabi ng FB friend kong DDS, napakabobo nating mga Pinoy kasi ang mga ibinoboto natin ay pawang mga corrupt na politiko.
Sa puntong ito may punto s'ya.
- ... at proud akong amining binoto ko si Leni.
Kasama ka sa statistics kung hindi mo ito na-gets.
At ang number 1 na dahilan kung bakit masasabi kong hindi ako bobo:
- Kahit kelan hindi ko pinaniwalaan sina Jay Sonza at Mocha.