Nagsulputan ang mga bali-balitang may sakit daw and Panggulo, este, Pangulo, at malapit na itong mamatay. Kesyo, kaya raw s'ya nagpunta sa Israel ay upang magpagamot. Meron namang mga litratong na-post kung saan nangingitim ang kanyang mukha. O kaya'y hindi na s'ya napagkikita sa mga public occasions.
Hindi ako sang-ayon sa mga haka-hakang ito, lalo na 'yung sinasabing kaya s'ya nangingitim ay dahil wala pa s'ya sa impiyerno'y sinusunog na ang kanyang kaluluwa.
Pero may mga palatandaan naman kung talagang malapit na s'yang sumakabilang-buhay. Eto ang aking top 5 signs:
5. Pumuputi s'ya; dati na s'yang maitim.
4. Sa wakas ay napagtanto na rin n'yang mayroon pala s'yang pusong babae. (Ahahayyy!)
3. Nanalo si Bongbong sa protesta n'ya.
2. Nangumpisal si Presidente kay Bishop Villegas.
At ang number 1 senyales na malapit na s'yang ma-dedo....
1. Nangako s'yang in 3 to 6 months buhay pa siya. ("Maniwala kayo sa akin....")
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Sunday, September 23, 2018
Saturday, June 10, 2017
Batman (R.I.P., Mr. Adam West)
Tanong: Ano ang sinasabi ni Robin 'pag nakakakita s'ya ng usok?
Sagot: Holy smoke!
Tanong: Eh, 'pag nakakakita s'ya ng baka?
Sagot: Holy cow!
Tanong: Eh, kung makita n'ya si Joker?
Sagot: Holy ka!
Kapapanood lang naming magpamilya ang Wonder Woman. Pagkalabas namin, tanungan kung ano ang mas gusto: Marvel o DC?
Ang sagot ko, DC. Dahil kay Batman. At dahil kay Adam West.
Although, noong bata ako, hindi ko maintindihan ang logic ng mga villains. Kung gusto talagang nilang mapatay si Batman, bakit iniiwanan na lang basta nila ang Caped Crusader habang nasa bingit ito ng kamatayan? Bakit hindi sila mag-iwan man lang ng isang henchman? Kaya tuloy, sa tulong ng kanyang ever reliable utility belt, nakakatakas si Batman.
Ngayon ko lang naintindihan, ngayong matanda na ako, na comedy pala ang palabas na 'yun. Pero, noong bata ako, 'kala ko seryoso s'ya.
Meron ngang isang episode na sinabi ni Batman. "No one is above the law. And no one is below it."
Profound, 'di ba?
At super sexy pa nina Catwoman at Batgirl.
Kaya, sino ang mag-aakalang comedy ito?
Maganda rin ang portrayal ni Adam West bilang Batman. Hindi s'ya cynical. Para sa kanya, may kabutihang natatago sa lahat ng tao.
Hindi rin s'ya vengeful. Kinakalaban n'ya ang mga kriminal upang panatilihing safe ang Gotham City. Ni hindi nga binanggit na gusto n'yang paghigantihan ang pumatay sa kanyang mga magulang.
Kamakailan lang ay namatay na si Adam West. Wala man s'yang ibang pinasikat na palabas, para sa akin ang kanyang Batman ang aking pinaka-paborito. Boring man, gusto ko pa rin s'ya ang lumalaban para sa akin.
At least, alam kong hindi s'ya sasama sa Operation Tokhang.
Sagot: Holy smoke!
Tanong: Eh, 'pag nakakakita s'ya ng baka?
Sagot: Holy cow!
Tanong: Eh, kung makita n'ya si Joker?
Sagot: Holy ka!
Kapapanood lang naming magpamilya ang Wonder Woman. Pagkalabas namin, tanungan kung ano ang mas gusto: Marvel o DC?
Ang sagot ko, DC. Dahil kay Batman. At dahil kay Adam West.
Although, noong bata ako, hindi ko maintindihan ang logic ng mga villains. Kung gusto talagang nilang mapatay si Batman, bakit iniiwanan na lang basta nila ang Caped Crusader habang nasa bingit ito ng kamatayan? Bakit hindi sila mag-iwan man lang ng isang henchman? Kaya tuloy, sa tulong ng kanyang ever reliable utility belt, nakakatakas si Batman.
Ngayon ko lang naintindihan, ngayong matanda na ako, na comedy pala ang palabas na 'yun. Pero, noong bata ako, 'kala ko seryoso s'ya.
Meron ngang isang episode na sinabi ni Batman. "No one is above the law. And no one is below it."
Profound, 'di ba?
At super sexy pa nina Catwoman at Batgirl.
Kaya, sino ang mag-aakalang comedy ito?
Maganda rin ang portrayal ni Adam West bilang Batman. Hindi s'ya cynical. Para sa kanya, may kabutihang natatago sa lahat ng tao.
Hindi rin s'ya vengeful. Kinakalaban n'ya ang mga kriminal upang panatilihing safe ang Gotham City. Ni hindi nga binanggit na gusto n'yang paghigantihan ang pumatay sa kanyang mga magulang.
![]() |
| from ign.com |
At least, alam kong hindi s'ya sasama sa Operation Tokhang.
Saturday, May 21, 2016
Vigilantism
Cebu offers reward for killing criminal - The Philippine Star, May 20, 2016
Ayan na po. May sumunod na sa mga yapak ni Duterte. Sabi ng mayor ng Cebu City magbibigay s'ya ng pabuya sa pagpatay ng kriminal. Pipti tausan pesoses. At 'yun ay kung patay. Kung humihinga pa, payb tausan pesoses lang.
Kaya, kung gusto mong maging taymis ten ang iyong kita, tuluyan mo na. Siguraduhin mong tatanggapin ng morge ang iyong tinira.
May panuntunan naman si Mayor. Dapat daw, ang gagawing pagpatay ay legal, at ang gagamiting baril ay lisens'yado.
Teka-teka, pa'no kung mapagkamalan kang magnanakaw? Wala kang kamuang-muang, bigla ka na lang tetepokin. At makakapagreklamo ka pa ba kung ilegal ang ginawang pagpatay sa 'yo?
In the first place, legal nga ba ang pagpatay sa isang kriminal? 'Di ba, bawal nga ang death penalty dito sa 'Pinas?
Nasa Bill of Rights din natin na walang sinumang dapat bawian ng buhay ng walang due process of law. At ang taong pinaghihinalaang nagkasala ay magkakaroon ng isang paglilitis na walang kinikilingan.
"Walang kinikilingan"? Aba, pipti tausan ang pinag-uusapan natin dito. May ganans'ya ang hukon at berdugo (na iisang tao lamang) sa kasong ito.
Ewan ko nga ba. Sinimulan kasi ng nasa taas. Ang utos, kapag pumalag sa aresto, shoot to kill. Kaya kapag napagkamalan ka, o kaya'y may kaaway ka't sinabing ikaw ay isang kriminal, patay kang bata ka....literally.
Ang dahilan naman nina Mayor at Presidente ay upang protektahan ang mga tao. Para nga naman mawala na ang mga kriminal, yariin agad.
Buti naman hindi ganyan ang aking Diyos. Ang sa Kanya, isang tupa lang ang mapa-ibang landas, hahanapin N'ya ito at ibabalik sa kawan. At hindi lang ito literal.
Mahirap din naman kung maisasakatuparan itong utos ni Mayor at ni Presidente. Kung nagkataon, baka wala na tayong maibotong politiko sa susunod na eleksyon.
Subscribe to:
Posts (Atom)
