Sa dami ng National Public Holidays sa Pilipinas, dalawa lamang ang kaarawang ating ipagdidiriwang: ang Pasko at ang kaarawan ni Andres Bonifacio. O, sige, tatlo, kasama na ang June 12.
Tignan naman natin ang ibang piyesta opisyal:
1. Bataan Day (na dati'y Fall of Bataan) - April 9
2. Kamatayan ni Kristo - Biyernes Santo (at ang bispiras, kung kelan siya ipinagkanulo)
3. Kamatayan ni Ninoy Aquino - August 21
4. Kamatayan ni Jose Rizal - December 30
5. Araw ng Patay - November 1
6. Huling araw ng taon ("kamatayan" ng taon) - December 31
Entonces, lalabas na 2 is to 1 ang ratio ng piyesta opisyal na ipinagdiriwang natin ang kamatayan sa kaarawan. 'Di kaya nagpapahiwatig n'yan kung ano ang pinahahalagahan nating mga Pinoy?
Talking about holidays, bakit nga ba ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni Andres Bonifacio samantalang ang kamatayan naman ang kay Jose Rizal? 'Eto ang aking mga opinyon:
1. Isa itong apology kay Ka Andres dahil hindi siya ang naging pambansang bayani natin.
Wala naman daw opisyal na deklarasyon na meron tayong isang Pambansang Bayani. Well, hindi gan'un ang itinuro sa amin noong nasa Elementarya ako. Ang kwento pa nga, pinili ng mga Kano si Jose Rizal bilang Pambansang Bayani kasi pacifist at reformist siya. Eh, si Ka Andres, masyadong delikado 'yun. Baka sobra siyang maging idol ng mga Filipino at may mag-isip pasukin ang Manila Hotel. Although, wala naman sigurong gagawa noon n'yun. Hindi pa ipinapanganak si Trillanes.
2. Yari ang ibang kinikilala nating bayani kung ating alalahanin ang kamatayan ni Ka Andres.
Alam n'yo na marahil ang kwento. Isang bayani ang nagpunta sa balwarte ng presidente, tapos iniutos ng presidente na ipapatay ang ating bayani. Nakulong ang mga inaakalang kasangkot sa pagpatay, maliban sa presidente. Kamakailan, isa sa kanila ay binigyan ng Presidential Pardon. Tapos....
Teka, ibang bayani pala 'yung pinag-uusapan natin. Pero, may similarity, 'di ba?
Isipin mo nga naman, lagi nating maalaala ang nag-utos na patayin si Ka Andres kung kamatayan niya ang ating ipagdiriwang.
Kaya ayaw ideklarang piyesta opisyal ang August 21 sa Ilocos.
3. Pinoy lang kasi ang pumatay sa kanya.
Isa pang tsismis sa'kin noon, kaya raw hindi si Ka Andres ang napiling pambansang bayani ay dahil kapwa Pilipino ang mga pumatay sa kanya. 'Di tulad ni Ka Pepe, mga banyaga ang gumastos ng bala. Siguro, dahil sa ating colonial mentality, mas bigatin ka kung "forenjer" ang tetepok sa'yo.
Dati, nasa dalawam piso ang litrato ni Ka Andres. Kaso, nawala na 'yun. Kaya nalipat siya sa sampum piso. Ka-equal billing na n'ya si Mabini. Ironic din. 'Yung trusted adviser pa ni Aguinaldo 'yung kasama-sama n'ya. Sabagay, mas mabuti na 'yun. Kesa napunta pa ang larawan ni Ka Andres sa limam piso. Doble sampal na 'yun.
Which leads me back to my original question: Ano ba ang pinahahalagahan nating mga Pinoy? Pagpapatawad, kaya may mga Marcos at Estrada na nakaluklok sa Konggreso't Senado? Mapagkumbaba, kaya lagi nating minamaliit ang ating sarili, na wala na'ng pag-asa ang bayan, at ang ibang bansa na lamang ang magaling? 'Di kaya na dahil sa dami ng pagdiriwang natin na nakaugat sa kamatayan ay mayroon tayong defeatist attitude?
Gustong-gusto ko ang manood ng mga era films ng mga Chinese, Koreans, at Hapon. Lalong-lalo na 'yung kay Akira Kurosawa. Kay gaganda ng mga costume nila, ang kukulay. Kay rami rin nilang istorya, na parang napakayaman ng kanilang kultura. Kaya, siguro, maunlad sila dahil may maipagmamalaki silang nakaraan. Parang isang tao na dahil maganda ang kanyang buhay n'ung bata pa siya, maganda rin ang kanyang self-concept. Kaya madali ang kanyang asenso. 'Di tulad ng isa na may madilim na nakaraan. Laging insecure.
Well, sabi nga ni Stephen Covey, "Be proactive." Ang isang tao'y may kakayahang baguhin ang kanyang kinabukasan, maging ano pa man ang kanyang naging nakaraan. Gan'un din siguro sa isang bansa. Ang mga mamamayan nito'y may kakayahang baguhin ang takbo ng bayan upang ito'y umunlad. Kailangan lamang na magkaisa ang mga ito, at magsumikap tungo sa ikabubuti ng bansa.
Kaya siguro ngayong panahon tayo nabuhay.
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Friday, November 30, 2007
Sunday, November 25, 2007
Walang Duda
Ngayo'y kapistahan ng Kristong Hari, o Christ the King. Espesyal ang araw na ito sapagka't ngayon ang huling araw ng kalendaryo ng Simbahang Katolika, o ang liturgical year. Sa isang Linggo, simula na ang Adbiyento. Ang ibig sabihin, malapit na'ng ipalabas ang "Enteng Kabisote IV".
May prosisyon sa araw na ito, wala nga lang pabitin pagkatapos. 'Di pa ako nagkapag-partisipa dito, pero, ang tradisyon, panay lalaki lang ang kasama sa prosisyon, at ang mga babae ay nasa tabi lamang. Hanggang ngayon pa ba? Pero, maraming parokya, tulad ng kay Edgar, na hindi na raw ang nakakapagdaos ng prosisyon. Masyado raw kasing nagdudulot ng trapiko.
Sa ibang bansa ay napakahalaga't napakasaya ng araw na ito. Minsan, nabasa ko sa d'yaryo na sa Poland, noong nasa pamamahala pa ng mga Komunista, noong hindi pa Juan Pablo si Karol Wojtyla, noong hindi pa pinapauso ng Pinoy ang People Power, isang malaking kaganapan ang prosisyon na ito sa kanila. Parang isang uri ng rebelyon, isang paraan upang ipakita nila kung sino talaga ang naghahari sa kanilang buhay. Sa sobrang halaga ng okasyong ito, parang piyesta-opisyal doon; walang pasok ang mga paarala't opisina.
Sabagay, kahit dito. Linggo kasi.
Sa Merville at Moonwalk, mga dalawang linggo ang nakakaraan, may countdown na sila, paalala sa kapistahan. May litrato ng Kristong Hari sa bawa't kanto at sinasabi kung ilang araw na lang ang nalalabi bago sumapit ang araw na ito.
Tuloy, kapag nakikita ko ang litratong ito naalala ko ang aking tiyuhin. Mga early 70's noon, sabi n'ya na ang katapusan ng mundo ay mangyayari sa taong 2000. Hindi ito dahil sa Y2K; hindi pa uso noon 'yun. Kaya n'ya nasabi yaon, 'yun daw ang ibig sabihin ng dalawang daliring nakataas sa kanang kamay ng Kristong Hari. Hindi raw ang ibig sabihin ay "Peace, man!"
Siyempre, takot na takot ako noon. Ilang taon din akong nabalisa dahil doon.
Tapos, noong 1990, nilusob ng Iraq ang Kuwait, at nilusob naman ni Bush, Sr. si Saddam. Bago ginawa ang paglusob sa Iraq ipinalabas sa TV 'yung dokumentaryo tungkol sa mga hula ni Nostradamus. Tatlo raw ang anti-Christ na lalabas, at nahulaan n'ya kung sino 'yung unang dalawa. Sa katunayan, sinabi ni Nostradamus na ang pangalan n'ung ikalawa ay Histler. Ang ikatlo raw ay manggagaling sa Gitnang Silangan, at s'yang magpapasimula ng World War III at ng katapusan ng mundo.
Ang hindi ko maintindihan, bakit ipinalabas 'yun bago lusubin ang Iraq. Naging sanhi lamang upang mag-panic ang mga tao.
Hindi lang 'yun. Lumabas din ang isyu ng Y2K. Dahil daw lahat ay masyado na'ng nakadepende sa mga computers, hihinto ang mundo 'pag dating ng bagong taon ng 2000.
Meron ding lumabas na magkakaroon ng tatlong araw ng kadiliman. 'Pag nangyari daw 'yun, dapat isara ang mga pinto't bintana. Wala raw papapasukin, kahit gaano kalakas ang pagkatok at paghiling nito. Kahit daw tumingin sa labas ay bawal. At 'yung mga kapamilya't kapuso na naiwan sa labas ay sorry na lang sa kanila.
Kaya nga lalo akong pinagbawalan ng aking asawa na magpunta sa beer house. Baka raw ako abutan ng three days of darkness.
Sa mga araw raw na 'yun, ang tanging mag-iilaw lang ay 'yung mga kandilang nabendisyunan ng pari. Kaya naging mabenta ang mga kandila sa SM, daig pa ang Piyesta ng Patay. Naubos din 'ata 'yung holy water ng aming pari sa Baclaran.
Maraming kwento tungkol sa katapusan ng mundo. Nakakatakot na nga 'yung mga nakasaad sa Bibliya, dinadagdagan pa nila. Ang ipinagtataka ko, 'yun pang mga relihiyoso, 'yung araw-araw kung magdasal ng rosaryo, 'yung mga laging nagsisimba't tumatanggap ng komunyon, sila pa ang parang takot na takot, ang may maraming kagimbal-gimbal na mga kwento. Nananakot lang kaya sila? Kaninong aparisyon kaya nila nakuha ang mga 'yun?
Cool lang ang mga Protestante sa bagay na ito. Naniniwala kasi sila, bago pa man maganap ang mga kaguluhan, maglalaho na sila sa mundo. "Rapture" ang tawag nila dito.
Pero, mas nakakatakot 'yung sinabi ni Kristo, na binasa noong isang Linggo. Sabi N'ya, ang mga magulang, kapatid, kamag-anak, at kaibigan natin ang s'yang magkakanulo sa atin. Isipin mo, ang mga taong dapat na nagmamahal sa atin, na dapat nag-aalaga't nagproprotekta sa atin, ay sila pa ang magpapahamak sa atin. At sila ang ating makakasama sa tatlong araw ng kadiliman.
Kaya nga may dahilan na akong magpunta ulit sa "beer house".
Pero, para sa akin, gaano man nakakatakot ang mga kwento tungkol sa mga huling sandali ng mundo, hindi man ako mapasama sa "rapture", o higit pa sa "The Exorcist" ang makaharap ko, hindi ako mababahala. Pinangako ni Kristo na kung mananatili tayo sa Kanya, ni isang hibla ng ating buhok ay hindi malilipol.
'Yan ang aking pinanghahawakan. Walang duda akong mas mabisa ang pangakong 'yan ni Hesus kesa sa 'sang katutak na kandilang nabendisyunan ng Papa.

Wednesday, October 31, 2007
Trapek! (Driving In Metro Manila, Part 4)
Nagmamaneho ako ngayon sa Kaingin Road, pauwi sa amin sa Betterliving. Tinatahak ko ang kalyeng kakasemento lang ng congressman/mayor/counselor itong nakaraang Abril para sa local elections, at binubutas ngayon ng MWSS.
Naisip ko, mahigit sampung taon nang ako'y unang magmaneho. Naaalala ko pa, noong nasa College ako, ayaw na ayaw ko ang magkaroon ng kotse. "Bakit pa?", tanong ko. Kung may gusto akong puntahan, sasakay lang ako ng bus at makakarating na ako sa aking paroroonan. Maaari pa akong matulog sa daan. At higit sa lahat, may student's discount pa. At dahil wala akong interes sa mga sasakyan, hindi ako nakakakilala ng mga modelo't gawa. Hindi ko ma-differentiate ang Toyota, ang Mitsubishi, at ang Mazda. Hindi ko alam ano ang Corolla at ano ang Corona. Kahit nga Sarao at Francisco, hindi ko rin makita ang pagkaka-iba. Ang nakikilala ko lang ay ang Volkswagen Beetle. Sabagay, sino ang hindi nakakakilala doon?
Ngayong matagal-tagal na akong nagmamaneho, nakikilala ko na rin ang iba't ibang uri ng sasakyan. Para na rin ito sa aking survival.
"Naku, Volvo 'yan! Kailangang makaiwas ako. Sige na, mag-overtake na kayo sa akin para malayo ako d'yan."
"Ay, Kia lang 'yan. Masingitan nga. Ayaw mong magbihay, ha? Sige, gigitgitin kita!"
Masuwerte ako sapagka't tumira kami sa mga bahay na kung saan hindi matrapik papauwi. Tulad ng nasa Baclaran kami, minsa'y inabot ako ng isang oras sa pagmamaneho mula bahay hanggang opisina. Hindi ko na inulit 'yun. Tutal, kinse minutos lang naman kung ako'y maglalakad.
Ganu'n pa man, may mga napansin ako na magsasabi sa akin na magiging mabagal ang daloy ng trapiko sa ang aking daraanan. Heto ang mga clues na iyon:
1. Nagkasya ang limang sasakyan sa tatlong lanes.
Ang normal, 'yung broken lines ay naghahati sa kalye ng mga lanes. Ang ibig sabihin, dapat isang sasakyan lamang sa isang lane. Kapag may mga sasakyan na sa ibabaw ng mga broken lines na ito, asahan mong magiging mabagal ang iyong pag-usad.
Sa totoo lang, hindi masyadong reliable ang clue na ito. Kahit hindi matrapik, makakakita ka pa rin na mga wala sa tamang lane at nasa ibabaw ng broken lines.
2. Pati mga motorsiklo ay nakahinto.
Sa dahilang naokupahan na ng mga sasakyan ang bawa't espasyo ng kalye, hindi na makasingit ang mga motorsiklo. Kaya sa sidewalk na lang sila dumadaan. Ang kaso, nakaharang din ang mga sidewalk vendors. Kaya babalik na lang ulit sila sa kalye.
Isipin mo na lang 'yung mga pedestrians. Saan kaya sila dumadaan?
3. Blinking ang traffic lights.
Ang talagang ibig sabihin ng blinking traffic lights ay "Proceed with caution." Dito sa Metro Manila, ang ibig sabihin ay "Proceed with courage." Kailangang matapang ka upang makatawid ng intersection. Kapag nabigyan ka ng tiyempong makaurong ng one inch, dapat kunin mo 'yun. Kun'di, maghapon ka doon, at lahat ng nasa likod mo ay bubusina sa'yo.
4. May nakatayong MMDA sa tabi.
Nagsawa na 'yun sa kaka-direct ng trapiko. Sinasabi n'ya sa kanyang sarili, "Bahala nga kayo d'yan!"
5. May nagtitinda ng mani sa gitna ng kalye; nasa kariton ang kanyang paninda.
Hindi nakakapagtaka na merong mga nagtitinda sa gitna ng kalye, lalo na sa mga intersections. 'Pag huminto ang mga sasakyan, dali-dali ang mga itong magpupuntahan sa gitna upang ialok ang kanilang paninda, tulad ng dyaryo, yosi, Stork, sampaguita, basahan, at chicharon na may suka.
'Pag umandar na ang mga kotse, madali lang ang mga itong tumabi sa daan, mauuna ang mga nagtitinda ng chicharon, tapos, ang mga nagtitinda ng basahan at sampaguita, at susundan ng mga may dyaryo, yosi, at Stork. Mahuhuling tatabi ang mga namamalimos. Kayang-kaya nila ang tumabi agad. Pero, paano na 'yung mga may kariton? Sa sobrang laki ng kanilang dala, hidni agad sila makakatabi. Makakapaglako lang sila kung sobrang trapik para hindi sila mabangga o masagasaan.
6. Walang sumasalubong na mga sasakyan.
Magtataka ka sapagka't halos hindi umuusad sa iyong direksyon ng kalye, pero walang sasakyan sa kabilang direksyon. Marahil naipit na ang mga iyon dahil nagkaroon na ng grid-lock, o kaya naharang na ang kanilang daan dahil sa....
7. May mga nagka-counter-flow.
Dahil may limang sasakyan na ang nagpupumilit magkasya sa kalyeng may tatlong lanes, at okupado na ng mga sidewalk vendors ang tabi, at dahil maluwag naman ang kabilang direksyon, doon na lang dadaan ang ibang mga drayber. Hindi nila alam, mas lalo silang makakapagpabagal sa daloy ng trapiko. Hindi bale na, basta mauna lang sila. Wala silang pakialam sa mga ibang nagtiya-tiyagang bagtasin ang trapiko sa maayos na paraan.
Kilalang matiyaga ang mga Filipino. Dalawampung taong nagtiis tayo kay Marcos, at ngayo'y pinagtitiisan na naman natin si GMA. Pero, bakit sa pagmamaneho nawawala ang ating pasensya? Kelan lang may namaril at nakapatay dahil sa alitan sa trapiko. Kung atin lang hahabaan ang ating pisi at pasensiya....
Teka, mam'ya ko na lang itutuloy ang aking pag-iisip. Uunahan ko lang itong pedicab na nasa aking harap. Kanina pa ito, ang bagal-bagal kumilos. Busina na ako ng busina ayaw pa ring tumabi. Nakakaasar na siya!

Subscribe to:
Posts (Atom)