Sunday, August 31, 2014

Talento

Nag-attend kami ng anticipated Mass kahapon, kaso, biglang umulan ng malakas.  Kaya, marahil, hindi na-kumpleto ang choir; ang second voice lang ang dumating.

Super distracted si Bunso.  Nainis din ako.  Gusto ko na sanang lapitan s'ya para maki-usap na tumula na lang s'ya.

Naisip ko nga na baka akalain ng mga kapit-bahay na nagtayo ng karaoke bar ang simbahan.

Pero, bakit ko naman s'ya pipigilan?  Buti pa nga ang taong ito, nagseserbisyo sa Diyos -- ibinabahagi n'ya ang kanyang talento.

Okay, hindi n'ya talent ang pagkanta.  Hindi 'yun isa sa dalawang talentong ibinigay sa kanya ng Diyos.  Pero hindi naman s'ya 'yung aliping ibinaon sa lupa ang talentong kanyang natanggap.  Sa halip, dinaragdagan pa n'ya ang mga ito.

Marahil, kung nasa karaoke bar ang taong ito, at kumanta s'ya ng "Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba", papalakpakan s'ya ng mga tao.  Pero sa simbahan, halos lahat ay napapailing.

Pero, palagay ko, sa mga oras na 'yun, pinapalakpakan s'ya ng Diyos.

Saturday, June 21, 2014

Faith

Unang araw ni Bunso sa college noong nakaraang Lunes.  Noong Martes naman ang una n'yang araw umuwi mag-isa.  Commute.

Okay lang naman kasi nag-practice naman kami noong bakasyon.  Apat na paraan upang makauwi s'ya, depende sa oras at sitwasyon.

Kung maaga pa, sa Magallanes s'ya sasakay.

Kung oras na ng labasan sa mga opisina, dun naman s'ya sa Cinema Square.

Kung medyo late na, sabay na lang sa Ate n'ya.

At kung sobra nang late, pasundo na lang s'ya sa akin.

Kaya naman halos mag-panic si Misis nang makatanggap s'ya ng tawag mula kay Bunso:

Bunso:  Nanay, I'm lost.

Nanay:  Ha?  Nasaan ka na?

Bunso:  Ayala.

Wala nga sa na-practice namin 'yun.  Actually, ayaw ni Misis dun kumuha ng sakay papauwi si Bunso.  'Di namin akalain dun s'ya mapapadpad.

Sa madali't sabi, nakauwi din si Bunso, safe and sound.

Sa bahay, habang nagkukuwentuhan, ganito ang naging usapan:

Nanay:  Ano'ng ginawa mo?

Bunso:  Just what you said, magtanong sa security guard.

Nanay:  Hindi ka nag-panic?

Bunso:  Hindi.  Alam ko namang susunduin ako ni Tatay sa SM.

"Patay!" naisip-isip ko.  Ginawa na naman akong driver.

Marahil, 'yan talaga ang papel ko sa buhay.  Kaya nga ako natutong magmaneho para ipag-drive ang aking pamilya.

Pero, on second thought, naisip-isip ko rin.  Sobra ang pagtitiwala ni Bunso sa akin.  Nakakataba rin ng puso.  Isipin mo, kahit hindi ako ang una n'yang tinawagan, if everything fails, "nand'yan si Tatay".

Ang tawag dun "fatith".

Naisip ko tuloy, bakit hindi ganoon ka-strong ang faith ko sa Tatay ko sa Itaas.

"Kayo na masasama ay marunong magbigay ng mga mabuting kaloob sa inyong mga anak. Kung ginagawa ninyo ito, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na Kaniyang ibibigay ang Banal na Espiritu sa kanila na humihingi sa Kaniya?"  - Lucas 11:13

"Out of the mouth of babes", kahit hindi na baby si Bunso.

Talagang dapat nang magtiwala na ng lubusan.

Todo na 'to!

Friday, February 14, 2014

What Is Love?

NOTE: Unang napakinggan ko ito sa radyo, DWLL - The Mellow Touch, noong second year High School ako.  Madalas, pinapasok ito sa intro ng kantang Colour My World ng Chicago o sa interlude ng If I Should Love Again ni Barry Manilow.  Mula noon, inaabang-abangan ko s'ya upang ma-transcribe ko sa papel.  Nabuo ko noong fifth year College na ako.  Ang kaso, nawala ang aking kopya.  Buti na lang at may Internet, kaya, ilang search lang nahanap ko na s'ya.  Galing pala ito sa isang recording ng isang Amerikanong DJ, si Tom Clay.

Happy Valentine's Day sa lahat!



What is love?

Is there really such a thing? Is... is love selfish, just a need fulfilled... someone to fulfill your need?

I think I know what love is. I can see you all now, waiting for the answer... right?

Love... is when, well, it's when you really don't care about yourself as much as you do the other person. In other words, it's not so much for the pleasure she gives to you, it's because you have someone to give pleasure to... someone that, that needs you. Maybe that's love... unselfish love.

It's like... when you're weary, and... and feeling small, right?  When tears are in her eyes, and you would dry them all. 

That's love.