Bumalik na naman si Willie Revillame sa "Wowowee" noong nakaraang linggo. Hindi ko po sinusubaybayan ang palabas na ito; nagkataon lang na ito ang ipinapalabas sa kinakainan kong turo-turo malapit sa opisina.
Alam n'yo na marahil na na-suspinde si Willie sa kanyang palabas dahil isinisingit ng ABS-CBN ang libing ni Pang. Cory Aquino habang ipinapalabas ang "Wowowee". Ewan ko ba naman at kung ano ang pumasok sa isipan ni Willie. Nagreklamo siya, at sabing nagsasaya sila sa istudyo at magpapalabas ng isang bagay na malungkot. Kaya't hiniling n'ya na 'wag nang ipalabas ang libing.
Ngayon, kung mataas ang pagtingin n'yo kay Willie, at ina-idol n'yo siya, siguro naman, bababa na ang paggalang n'yo sa kanya matapos ang pangyayaring 'yon. Kung hindi naman bumaba, at idol na idol n'yo pa rin siya, sana kayo na lang ang inilibing n'ung araw na 'yun.
Eniweys.... Pagkabalik ni Willie, nagpasalamat siya sa mga tao, este, pulitiko pala, na dumalaw sa kanya habang siya ay nasuspinde. Alam naman ni Willie na pagdating ng kampanya, aasahan ng mga pulitikong ito na tutulungan sila ni Willie.
Nagsalita rin si Willie. Sabi n'ya, 'pag itinaas n'ya ang kamay ng isang pulitiko, nasisiguro ng mga manonood na malaki ang pagtitiwala n'ya sa tao, este, pulitiko pala, na 'yun. Kaya, dagdag ni Willie, kung nagtitiwala ang mga tao sa kanya, dapat magtiwala din sila sa kanyang pinagkakatiwalaan.
At, wika n'ya, siya raw ang magiging tulay ng mga mamamayan sa mga pulitikong ito. Manghihingi raw siya ng pera.
O, sige, 'wag na nating isipin na nagpaparinig s'ya sa mga pulitiko, na kung susuportahan n'ya ang mga ito, siguradong maraming boboto sa kanila. Pero, ang manghingi ng pera?
Ewan ko lang, pero, para sa akin, parang sinasabi mo na sa mga politiko na maghanda na sila ng pera at siguradong marami silang ilalabas sakaling mapwesto na sila.
Ngayon, saan naman nila kukunin ang perang 'yun? Kahit si Mikey Arroyo, 'yung naipon n'ya sa kanyang kampanya, inangkin na n'ya. Hindi naman n'ya 'yun ipinamigay.
Maliit din naman ang sweldo ng mga 'yun. Baka kapantay lang ng isang manager sa isang call center. Pero, ang mga politikong ito'y nakakabili ng naglalakihang bahay, 'di lamang sa Forbes Park sa Makati, kun'di pati na rin sa Beach Way Park sa US of A.
At ang mga politikong 'yan ay walang Noontime Show upang kumita ng isang milyong piso isang araw. Kahit na ba sabihin mong katawa-tawa't kainis-inis din tulad ng "Wowowee" ang kanila palabas sa Konggreso, wala namang kumpanya na magpapa-advertise, o magbibigay ng premyo sa kanilang mga sessions. Teka, meron din nga palang magbibigay ng mga premyo, hindi nga lang naka-advertise.
Kaya, saan pa kukuha ng pera ang mga politikong hihingan ni Willie?
Saan pa, eh 'di, sa atin din!
Siguro, sa loob-loob ni Willie, tutal, mangungurakot din naman ang mga politikong ito, makahingi na para hindi naman nila masolo ang nakuha nila. At least, nakapagbahagi sila sa mga mamamayan.
Ewan ko. Kung ganoon ang reasoning, dapat ako rin manghingi. Tutal, galing rin naman sa akin ang kinurakot nila.
Kaso, paano natin mapipigilan ang pangungurakot kung tayo mismo ang gagawa ng dahilan para gawin nila 'yun?
O, baka naman may porsiento rin si Willie sa hihingin n'ya?
Nagtatanong lang po.
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Monday, September 28, 2009
Sunday, September 27, 2009
My Dancing Skill
NOTE: Ito ang ika-limang speech ko sa Toastmasters' Club. Hindi ko nailathala ang ika-apat dahil hindi ko 'yun masyadong napaghandaan (kaya't nasa utak lang lahat), at hango rin ang speech na 'yun mula sa isa kong post dito ('yung "Lengguwahe").
Ang pamagat ng assignment na ito ay "Your Body Speaks". Nangangahulugang kailangang samahan ng body language ang aking talumpati.
Sayang nga lang at hindi n'yo makikita ang aking body language, na kadalasa'y pagsasayaw. Pinaghandaan ko pa naman siya ng todo. Kahit ngayong isinusulat ko ito sa Blogger, naiiisip ko ang aking ginawa at natutuwa pa rin ako.
(entrance background song: "I want nobody, nobody, but you! I want nobody, nobody but you...!")
My dear fellow Toastmasters and friends. Good evening!
That sure was a very enjoyable induction last Saturday. I would like to congratulate everybody for working hard to make the event very successful. We all deserve a round of applause!
While practicing for the presentation, a lot of people thought that I was a natural dancer. That wasn't so many years ago. I , then, had three left feet, which makes me clumsier than someone who had two. I would stumble on my partner, or, worse (action: as if stepping on partner's foot) ...OOPSSS! Sorry.
I didn't learn those “in” dances in my younger days. I cannot dance the Hustle ("Do The Hustle! Doot dit doot di root di rit doo rit...."), El Bimbo ("El Bimbo! Bailamos El Bimbo, Bimbo, Bimbo...."), or even the “Maski Paps” ("Said, Looking fer' job in a city. Said, Working for a man every night and day...."). “Maski Paps” is short for “Maski Papano”, meaning, just move your body and you're already dancing. So, I just concentrated on learning two styles: the Sweet ("Wise men say, looks like rain today...."), and the Very Sweet ("Let her cry for she's a lady....").
(Background: "Last Dance")
I remember when I was in 4th year High School, our school had a dancing party. There was a batchmate whom I had a big crush. All through the night I was so shy going to her and asking her to dance. On the other hand, she would dance to whoever asked her, even those in the lower years.
I realized that the night was getting late. My father is about to arrive and fetch me. A slow music was played and I thought that this could be my last chance to dance with her.
I glanced to her left, then to her right. No guy within ten feet was approaching her. That's good. I slowly went to her. She was looking at the dance floor, where many couples were now dancing. Her gaze did not even go to my direction. She is like a Toastmaster while I'm the Table Topic Master.
I glanced around her. No guy within twenty feet was approaching her. And that's very good. But before I can say, “May I have this dance?” when...SNAP ("So let's dance to the Last Dance....") ...the pace of the music went fast. Oh no! I could not dance to that! I backed off, turned around and walked away. I looked back and saw a swarm of guys walking fast towards her.
However, I believed that I had the genes of a dancer. My grandfather was once a Dance Instructor. Actually, he was the third husband of my grandmother so I cannot claim any blood relation with him. But two of my uncles became DI's. I watched them during family reunions as they danced so gracefully with my aunts. I imagined I could do the same.
They also earned good money. I thought that being a DI was a healthy and profitable second career. If only I can convince my wife...!
A few years back, my boss, who also liked to dance, hired a DI so we can learn ballroom dancing in the office. I learned the cha-cha ("Oh la ruz, Cha-cha-cha, Oh la ruz, Oh la la...."), the Salsa ("Tall and tan and young and lovely, the girl from Ipanema goes walking...."), and, my favorite, the tango ("La Cumparsita" - "Pam pa ra ram, pam pa ram pam pa ram, pam pa ram pa ram, pam pam!" - with matching dip of partner). Luckily, she's not heavy.
I now reflected how I, once having three left feet, am now down to one an a half. I don't think I'm that good enough to dance with a sexy girl competing in Dance Sport. Still, I know that I gained some skill in dancing, and I learned that skill by observing those who danced very well, believing I could dance, visualizing myself dancing, and did dance, correcting any mistake along the way.
Then, I thought, this could be a good technique in learning a new skill, whether it is to dance, to execute a back hand, to speak in public, to lead a group, or to be honest. First, observe, and, if possible, get a mentor. Second, believe that you can attain that skill. Anyway, whether you believe that you can, or believe that you cannot, you're right. Third, visualize yourself already having that skill. Fourth, actually do it. I think it was John Maxwell who said that even if you are on the right track, you'll get run over if you don't move. Fifth, correct any mistake and remember that mistakes are not failures but are learning opportunities. Finally, repeat the process until you have mastered that skill.
And to show to you my dancing skill I would like to invite someone to dance with me right now. Anyway, I've already prepared my five pesos just in case I go on overtime.
Music please... (ending music: "Last Dance")

Tuesday, August 25, 2009
Surveys
May isang gasoline station na may karatula na nagsasabing walo daw sa sampung Pilipino ang naniniwalang ang kanilang gasolina ay nakakapagbigay ng mas mataas na mileage kaysa sa ibang brand.
Matagal-tagal na rin akong nag-graduate mula sa kolehiyo at parang pinag-aralan namin ito sa Logic 101. Turo sa amin, merong mga pananaw na kung iisipin mo ay lohikal nguni't kung iyong susuriin ay flawed naman. Isa na rito ay 'yung bandwagon thinking. Kumbaga, hindi porke't lahat ng tao ay ganu'n ang pag-iisip nangangahulugan na sila ay tama. Pero, lalo na sa advertisements, parang sinasabi na dahil marami ang naniniwala sa isang bagay, tama ang paniniwalang ito.
Gaya na lang itong ipinaglalandakan ng gasolinahang ito. Parang sinasabi nila na dahil maraming Pilipino ang naniniwalang mahusay ang kanilang gasolina, mahusay nga talaga ang kanilang gasolina. "Fact or opinion?", 'ika nga d'un sa exam papers ko noong elementarya.
Nagkaroon ba ng scientific testing ito? Ano-ano ang kanilang controlled, dependent, at independent variables na ginamit? Baka naman ginamit 'yung Honda Jazz with fuel injection para sa kanilang gasolina, at Ford F-1 para naman sa iba. O baka ang walong pinagtanungan nila ay pawang mga kutsero, at 'yung natirang dalawa ay mga drayber ng ex-pats, na walang pakialam kung gaano kagastos sa gasolina ang kanilang sasakyan.
Marahil, ang isa pang halimbawa ng bandwagon thinking ay itong mga ginagawang surveys para sa susunod na eleksyon. Bakit nga ba nagkakaroon ng survey? Ano ang kahulugan ng mga survey na ito?
Halimbawa, si Manny Villar daw ang pipiliin ng karamihan ng mga botante, ayun sa isang survey. Ang ibig sabihin ba nito, si Manny Villar ang karapat-dapat na maging susunod na pangulo natin? Ito ba ang magiging basehan ng ating pagpili sa darating na eleksyon? At ang survey na ito ay may sample size na isang libo't limang daang katao. Ibig bang sabihin na dahil sa ang pinili ng nakakarami sa isang libo't limang daang na'to ay si Manny Villar, siya rin ang dapat pipiliin ng nalalabing mga anim na pung milyong botante?
"Dasalasanansens!", 'ika nga ni Pugo, mahigit tatlumpong taon na ang nakakaraan.
Ang masaklap nito, si Manny Villar ang nangumisyon sa nasabing survey. Maging ang dating pangulong si Erap ay nangumisyon din na gumawa ng parehang survey. 'Yun nga lang, ang lumabas sa ikinumisyon ni Erap ay ang nangunguna raw sa laban ng pagka-presidente ay nagngangalang Joseph Estrada.
Teka, 'di ba siya rin 'yun? Parang kung sino ang nagbayad para gawin ang survey 'yun din ang sinasabi ng survey na nangunguna sa karera sa pagka-pangulo.
At kung minsan, pareho pang kumpanya ang kinumisyon ng magkaibang tao, at magkaiba rin ang resulta.
Malabo 'ata 'yun. Kung sino ang nagbayad, siya ang nananalo? 'Di kaya para tayong niloloko ng mga politikong ito? At ang gumagawa ng mga survey, 'di lamang kasangkot sa panlolokong ito, kumikita pa sila. Para tuloy ang gandang magnegosyo ng pakuha-kuha lang ng survey. Laway lang ang puhunan. Wala namang aakuhing responsibilidad kung ano ang kalalabasan ng ginawa. Parang, "Bayaran mo ako para marinig mo kung ano ang gusto mong marinig." Ang masaklap noon, may karugtong na, "At paniniwalaan ako ng marami!"
Alam ko, may sinulat si Ms. Winnie Monsod tungkol dito sa mga surveys, at anong kahibangan ang paniwalaan natin ang mga ito. Sayang, 'di ko naitago 'yung naisulat n'ya.
Kaso, kahit mailathala muli ni Ms. Monsod ang dati n'yang artikulo, ang mga survey pa rin naman ang paniniwalaan ng mga tao.
Dasalasanansens!!!!

Subscribe to:
Posts (Atom)