Pinaka-productive ako sa araw bago ako magbakasyon ng matagal. Doon, sulit na sulit ang kumpanya sa akin. Ang dami kong nagagawa: mga reports na ilang linggo nang due, mga projects na biglang nagkakaroon ng mga updates, at kung hindi matatapos, walang pakundangang delegation sa mga kawawang maiiwan.
May nagsabi nga, dapat, araw-araw, isipin natin na bukas ang simula ng mahaba nating bakasyon, para lagi tayong productive.
Bakit nga kaya ako ganoon, na kung kelan aalis saka doon nagiging masipag?
Siguro, ginagawa ko 'yun, para hindi ako tawagan sa aking bakasyon upang tanungin sa mga naiwang trabaho.
O kaya naman para may peace of mind ako dahil walang nakabiting trabaho, parang may closure.
O baka naman nahihiya ako dahil, kay tagal-tagal nang walang nangyayari sa aking trabaho, heto't nakukuha ko pang magbakasyon.
Ang mahirap kasi, naiisip ko ang naiwan at nabiting trabaho, dahil wala akong ginawa.
Para bang isang kaibigan, o magulang, o mahal sa buhay na bigla na lang nawala sa mundong ito, tapos, ni hindi ko man lang nasabi na mahal ko sila.
Naalala ko tuloy 'yung paborito kong kanta ng The Carpenters:
Sometimes,
Not often enough,
We reflect upon the good things,
And those thoughts always center around those we love.
And I think about the people
Who mean so much to me,
And for so many years have made me
So very happy.
And I count the times
I have forgotten to say,
"Thank you,"
And just how much I love them.
'Yun siguro ang pinakamalungkot na mangyayari sa buhay ng isang tao: 'yung hindi man lang n'ya nasabi, o napadama, sa mahal n'ya kung ano ang kanyang sinasaloob.
Tapos, kung malubha na ang minamahal, magdarasal s'ya, "Lord, 'wag Mo muna s'yang kunin."
At kung nakaburol na, lakas ng kanyang hagulgol. Sasabihin n'yang "I love you, Dad!" Sisigaw s'ya ng "Sorry, Mom." Itatanong n'ya kung "Bakit mo ako iniwan, Mahal?"
Samantalang, noong nabubuhay pa ito, halos murahin n'ya.
"Nakakainis na ang matandang 'yan. Sana, kunin na s'ya ni Lord."
"Ano ba naman si Dad, tanong ng tanong sa akin kung kumusta ang araw ko. Wala naman kaming common interest, kaya 'di ko siya masyadong kinakausap."
"Si Mom, mas marunong pa sa akin. Eh, makaluma na ang mga pinagsasabi n'ya. Modern na ngayon. Modern!"
"Masyado akong nasasakal sa asawa ko. Ayaw akong payagang makipag-hapi-hapi sa mga kabarkada ko."
Kung minsan, matagal nating nakakasama ang mga mahal natin, at nagmamahal sa atin. Sampu, dalawampu, limampung taon. Gayon pa man, kung mawala na sila, parang napakabilis ng panahon, at kulang pa ang oras na nakapiling sila. Parang bitin, na, sana, marami pa tayong nagawa para sa kanila.
Nakakalungkot.
May nabasa ako, hindi ko na alam kung saan at kung sino ang sumulat. Pero, ang awtor ay may dalawang tanong:
Ang una'y "Kung alam mong bukas mamamatay ang mahal mo, ano ang gagawin mo ngayon para sa kanya?"
Ang ikalawa'y "Bakit hindi mo pa ito ginagawa?"
Nawa'y hindi mangyari sa atin na tayo'y nagsisisi dahil hindi natin napadama sa ating mga minamahal kung gaano natin sila kamahal, at kung gaano ka-importante sila sa ating buhay.
Bulalo Soup for the Pinoy Soul
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Thursday, March 1, 2012
Sunday, February 5, 2012
Biyenan
Ang Gospel reading ngayong Linggo ay galing kay San Marco 1:29-39. Doon ikinuwento ng ebanghelista ang tungkol sa biyenan ni San Pedro, may sakit, at pinagaling ni Kristo. Tapos noon ay pinagsilbihan ng biyenan si Pedro at mga kasama.
Na-imagine ko tuloy 'yung nangyari doon.
(Dumating sa bahay nina Pedro at Andres si Hesus, kasama ang magkapatid na Santiago at Juan.)
Pedro: Tuloy po kayo. Napadalaw kayo?
Hesus: Kagagaling lang namin diyan sa simbahan. Tutal, malapit lang naman dito, sinabi ko sa dalawang ito na tumuloy kami sa bahay n'yo.
Pedro: Sige't maupo lang kayo d'yan sa sala, at kukuha ako ng makakakain.
Hesus: 'Wag ka nang mag-abala pa.
Pedro: Hindi naman abala. Tutal, oras na ng meryenda. Nagugutom din ako. Sandali lang at lalabas din agad ako.
(Lumabas si Pedro, pumunta sa kusina. Tinawag ang asawa n'yang si Esther.)
Pedro: Honey, narito ang Maestro, kasama ang mga anak ni Zebedee. Ipaghanda mo kami ng makakain.
Esther: Ikaw ang maghain ng kakainin n'yo. Busy ako. At 'wag mong kalimutang iligpit at hugasan ang inyong pinagkanan.
Pedro: Bakit naman? Nandito si Hesus, malamang pagod 'yun. Saka, gutom na rin ako. Isa pa, hindi ako marunong magluto.
Esther: Problema mo na 'yan. Hindi ako pwede't marami akong ginagawa.
Pedro: Nand'yan ba si Inang? Baka pwede siya ang magluto, 'yung espesyal n'yang tinapay, na hinaluan ng mais at linga. Sabi ko pa naman kay Hesus, 'yung ang speciality n'ya. Tamang-tama, matitikman N'ya ngayon 'yun.
Eshter: Hindi rin pwede si Inang.
Pedro: Bakit, nasaan s'ya?
Esther: Nasa kanyang kwarto, inaapoy ng lagnat. Eto nga't pupunasan ko para bumaba ang lagnat. Kaya wala akong time para ipagluto ko kayo.
Pedro: Patay! Panu 'yan? Sinabi ko pa naman na ikukuha ko sila ng makakain.
Esther: Sorry na lang kayo. Bakit 'di mo na lang sila dalhin sa SM, at kumain kayo sa Jollibee.
Pedro: Hindi pa itinatayo ang SM, 'no? Saka, Sabado ngayon, bawal magtinda ng kahit ano. Kaya, wala rin kaming mabibili.
(Bumalik si Pedro sa sala. Wala si Hesus, lumabas sandali upang maghugas ng kamay.)
Juan: O, asan 'yung ipinagmamalaki mong tinapay ng iyong biyenan?
Pedro: May sakit si Inang, hindi makapagluto.
Juan: Ganun? Gutom na gutom pa naman ako. Ayaw ko naman umuwi sa amin, at sigurado akong pagagalitan ako ni Tatay. Galit pa sa amin ni Santiago 'yun dahil sa basta na lang daw namin iniwan 'yung tinatagpi naming lambat.
Santiago: Oo nga. 'Pag nakita kami noon, siguradong batok ang aming aabutan.
(Siyang pagbalik ni Hesus sa sala, at lumapit sa kanila.)
Hesus: Ano ang pinagkakaguluhan n'yo d'yan?
Juan: 'Yung biyenan ni Ka Pedro, may sakit. Wala tuloy tayong meryenda ngayon.
Hesus: Problema ba 'yun? (Baling kay Pedro.) Gusto mo ba siyang gumaling Ko?
Pedro: Opo...kung gusto N'yo.
Hesus: O baka gusto mo para lang may makain ka.
Pedro: Hindi po. Kasundo ko naman ang biyenan ko.
Hesus: Dalhin mo Ako sa kanya.
At pinagaling nga ni Hesus ang biyenan ni Pedro.
At hindi totoo na kaya itinanggi ni Pedro si Hesus ng tatlong beses noong Huwebes Santo ay dahil sa insidenteng ito.
Naalala ko si Pepe Pimentel, si Tito Pepe, na laging inaalaska ang kanyang biyenan. Pero, sinabi naman n'ya na joke lang 'yun, at nagkakasundo sila.
Ewan kung totoo 'yung napabalitang dinemanda si Tito Pepe ng kanyang biyenan.
Ako. pareho nang yumao ang aking biyenan. Hindi ko naman masasabing maswerte ako. Hindi man ako naging malapit sa biyenan kong lalaki, kahit papano'y naging mabuti naman ang pakikitungo sa akin ng biyenan kong babae.
Sayang nga at hindi ko sila lalong nakilala. Matagal din kaming pamilya na nakituloy sa kanila, pero hindi ko nagawang lumapit sa kanila.
Sayang din at hindi nakilalang mabuti ng aking mga anak ang kanilang lolo, samantalang bumukod na kami ilang taon lang nabiyuda ang kanilang lola, kung kelan pa naman nagsisimulang magka-isip na ang mga bata. Napalapit sana sila sa kanilang lola.
Ang sa akin naman, kung ako ang nasa katayuan ni Pedro, gugustuhin ko rin na mapagaling ni Hesus ang aking biyenan.
Tutal, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko mapapangasawa ang kanyang anak.

Sunday, January 1, 2012
Can't Buy Me Love
Alam ko na kung bakit ako mahirap; bata pa ako'y nasabi ko sa aking sariling ayaw ko ang yumaman. Hindi pa man lumalabas ang The Secret ni Rhonda Byrne, umiral na agad sa akin ang Law of Attraction. Kaya, 'eto, kalahating century na ako sa mundong ito, mas malaki pa rin ang aking liabilities kesa assets, at, 'di tulad ni Mikey Arroyo, sigurado akong hindi mag-ta-taymes tuwenti ang aking assets sa loob lamang ng anim na taon.
Hindi ko alam kung nasabi ko 'yun dahil talagang ayaw kong yumaman, o isang kaso ito, ayon nga kay Bo Sanchez, ng romanticizing poverty. 'Yun bang inaakalang mas masaya ang buhay ng isang mahirap kesa buhay ng isang mayaman.
Well, hindi ko naman masasabi kung aling buhay ang mas masaya. Hindi ko naman na-experience ang maging mayaman.
Ang gusto ko lang naman sa maraming pera ay 'yung marami kang choices.
Mas gusto ko na may choice ako ngayong unang araw ng bagong taon kung ako'y pupunta sa SM Sucat, SM Alabang, o MOA, kesa wala akong choice kun'di mamasada ng taksi at dalhin ang mga pasahero sa SM Sucat, SM Alabang, o MOA.
Mas gusto ko na may choice ako kung kakain ako ng puto bumbong, bibingka, o banana cue, kesa wala akong choice kun'di ipagliban ko ang meryenda at hintayin na lang ang hapunan.
Mas gusto ko na may choice ako kung manonood ako ng "Enteng Ka Ng Ina Mo", "My House Husband - Ikaw Na", o "The Asiong Salonga Story", kesa wala akong choice kun'di panoorin ang "Segunda Mano" dahil 'yun agad ang mayroong pirated DVD.
Masaklap din kung ang aking Noche Buena ay kanin at asin lamang, kung ang aking anak ay nangangailangang dalhin sa ospital dahil tinamaan ng ligaw na bala, o kung ano pang pangangailangan ng pera sa buong taon at wala akong panggastos.
Hindi ko ikakaila: nagnais din ako na magkaroon ng maraming pera. Kaya marami rin akong sinunod na mga pamahiin, pero may tweaks, para mas maraming pera ang sa aki'y dumating.
Gaya dati, hindi ako nagsuot ng damit na may polka dots dahil baka mga barya lang ang aking makuha. Naghanap ako ng damit na may mga hugis rectangle. Ang problema, wala akong nakita, kaya pinag-gugupit ko na lang ang aking damit. Effective naman; n'ung taong 'yun, laging butas ang aking bulsa.
Nagsuot din ako ng kulay green, dahil simbolo daw 'yun ng kasaganaan, at para kumita rin ako ng dollars. Kaso, ang kinita ko ay panay limang piso. At nang ginawang barya ang limang piso, wala na ring umakyat na pera sa akin.
Hindi na rin ako naghanda at kumain ng tig-pi-pitong mansanas, dalandaan, chico, ubas, kiat-kiat, bayabas, at Sunkist. Ang inihanda't kinain ko ay iba't ibang klase ng pears. Sa pangalan na pangalan na lang, feeling ko'y yayaman na ako.
Pinag-bubuksan ko rin lahat ng aming mga bintana't pintuan noong magpalit ng taon, para maraming grasya ang pumasok sa amin. Sa halip na narumihan ang aming loob dahil sa sobrang usok mula sa mga paputok, luminis pa ang aming bahay; ninakaw ang lahat ng aming kagamitan.
Wa' epek ang mga 'yun. Kaya, kung minsan, gusto ko na ring tumaya sa Lotto. Malay mo, baka suwertehin.
Kaso, naisip ko rin, ano naman ang gagawin ko sa limpak-limpak na salaping mapapanalunan ko sa Grand Lotto?
Alam ko na, patatayuan ko ng bakod ang aming bahay. Mataas na bakod. Mas mataas pa sa aking bungalow. Para hindi makita ng mga tao ang aming looban. At hindi ko rin sila makikita.
Ipapa-bullet proof ang aking Model 1992 Mitsubishi Lancer, para kahit tutukan kami ng mga kidnapper, wala akong takot ipagpatuloy ang aking pagmamaneho.
Kakain ako sa mga mamahaling restoran, panay eat-all-you-can, tapos magpapatingin ako sa mga magagaling na espesyalista para magpagamot. Can afford ko na rin naman ang kanilang irereseta.
Mahirap nga ang maging mahirap, pero, naisip ko, mahirap din marahil ang maging mayaman. Lagi siguro akong takot sa safety naming mag-anak. At darami rin ang aking mga kamag-anak.
Hindi naman mabibili ng pera ang lahat. 'Ika nga ng The Beatles, "Money can't buy me love."
Siguro, tulad ng pag-inom ng San Mig Light, panonood ng CinemaOne, o pagkain ng dinuguan, ang pagkakaroon ng pera ay dapat ding in moderation.
Gaya nga ng dasal ni Agur, "Huwag Mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay Mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na Kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan Mo'y malapastangan." (Proverbs 30: 8-9)
Tama na sa akin ang magkaroon ng sapat: upang makakain kami ng tatlong beses, at dalawang merienda, araw-araw; upang hindi na ako makipila sa maraming naghihintay ng taksi sa SM; upang makapagpalit kami ng wardrobe kada limang taon.
Kaya, ang unang dasal ko sa Diyos ay nawa'y bigyan N'ya kami ng sapat sa darating na bagong taon.
Ang ikalawang dasal ko'y nawa'y bigyan N'ya ako ng kaalaman upang matanto ko kung ano ang "sapat". Kung minsan kasi'y sobra-sobra na, pero ang pakiramdam ko'y kulang pa rin.
At ang huling dasal ko'y nawa'y bigyan N'ya ako ng isang generous heart upang makapagbigay ako sa mga taong nalalagay sa forced poverty. 'Yun, marahil, ang magandang paraan upang magpasalamat sa mga biyayang Kanyang ibinibigay.
Mula sa akin at sa aking pamilya, nawa'y mgakaroon kayo ng isang bagong taong mapayapa, maligaya, at punong-puno ng biyaya.

Subscribe to:
Posts (Atom)