Saturday, November 24, 2012

Five Good Things About "The Twilight Saga: Breaking Dawn - Part 2"
































Breaking Bone-head

Kung may balak kayong manood ng "Breaking Dawn Part Two", ipinapayo ko na, sa ikabubuti ng inyong kaluluwa, mas mainam pang ipunin n'yo na lang ang inyong ipampapanood, at manood na lang kayo ng pelikulang Pilipino sa darating na MMFF, kahit na ang bida ay si Lito Lapid.

Hindi ko sinasabing napakapangit ang huling installment ng "Twilight Saga", ang sinasabi ko lang  ay wala nang papangit pa rito.

At least, sa mga pelikula ni Dolphy, kung saan may mga eksenang nananaginip siya, alam mong ang iyong pinapanood ay hindi totoo, at maya-maya lang ay magigising na siya.

Pero sa "Breaking Dawn", masyado ka nang na-involve sa mga eksena, nalungkot ka na't may mga bida nang namatay, nagsaya ka na't pinugutan na ang mga kontrabida, tapos malalaman mong lahat pala'y isang vision lamang.

'Di ko lang alam kung ang mga Pilipino'y sobrang mabait.  Kasi, sa halip na magmura, tumawa lang ang audience nang matutunan nilang naloko na sila.

O, baka naman ang akala lang ng lahat, ang pinapanood nila'y isang comedy.

Pero ang natawa lang sa aming pamilya ay si Panganay.

Hindi n'ya kasi ito napanood.