Unang araw ni Bunso sa college noong nakaraang Lunes. Noong Martes naman ang una n'yang araw umuwi mag-isa. Commute.
Okay lang naman kasi nag-practice naman kami noong bakasyon. Apat na paraan upang makauwi s'ya, depende sa oras at sitwasyon.
Kung maaga pa, sa Magallanes s'ya sasakay.
Kung oras na ng labasan sa mga opisina, dun naman s'ya sa Cinema Square.
Kung medyo late na, sabay na lang sa Ate n'ya.
At kung sobra nang late, pasundo na lang s'ya sa akin.
Kaya naman halos mag-panic si Misis nang makatanggap s'ya ng tawag mula kay Bunso:
Bunso: Nanay, I'm lost.
Nanay: Ha? Nasaan ka na?
Bunso: Ayala.
Wala nga sa na-practice namin 'yun. Actually, ayaw ni Misis dun kumuha ng sakay papauwi si Bunso. 'Di namin akalain dun s'ya mapapadpad.
Sa madali't sabi, nakauwi din si Bunso, safe and sound.
Sa bahay, habang nagkukuwentuhan, ganito ang naging usapan:
Nanay: Ano'ng ginawa mo?
Bunso: Just what you said, magtanong sa security guard.
Nanay: Hindi ka nag-panic?
Bunso: Hindi. Alam ko namang susunduin ako ni Tatay sa SM.
"Patay!" naisip-isip ko. Ginawa na naman akong driver.
Marahil, 'yan talaga ang papel ko sa buhay. Kaya nga ako natutong magmaneho para ipag-drive ang aking pamilya.
Pero, on second thought, naisip-isip ko rin. Sobra ang pagtitiwala ni Bunso sa akin. Nakakataba rin ng puso. Isipin mo, kahit hindi ako ang una n'yang tinawagan, if everything fails, "nand'yan si Tatay".
Ang tawag dun "fatith".
Naisip ko tuloy, bakit hindi ganoon ka-strong ang faith ko sa Tatay ko sa Itaas.
"Kayo na masasama ay marunong magbigay ng mga mabuting kaloob sa inyong mga anak. Kung ginagawa ninyo ito, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na Kaniyang ibibigay ang Banal na Espiritu sa kanila na humihingi sa Kaniya?" - Lucas 11:13
"Out of the mouth of babes", kahit hindi na baby si Bunso.
Talagang dapat nang magtiwala na ng lubusan.
Todo na 'to!