Saturday, June 10, 2017

Batman (R.I.P., Mr. Adam West)

Tanong:  Ano ang sinasabi ni Robin 'pag nakakakita s'ya ng usok?

Sagot:  Holy smoke!


Tanong:  Eh, 'pag nakakakita s'ya ng baka?


Sagot:  Holy cow!


Tanong:  Eh, kung makita n'ya si Joker?


Sagot:  Holy ka!


Kapapanood lang naming magpamilya ang Wonder Woman.  Pagkalabas namin, tanungan kung ano ang mas gusto: Marvel o DC?

Ang sagot ko, DC.  Dahil kay Batman.  At dahil kay Adam West.

Although, noong bata ako, hindi ko maintindihan ang logic ng mga villains.  Kung gusto talagang nilang mapatay si Batman, bakit iniiwanan na lang basta nila ang Caped Crusader habang nasa bingit  ito ng kamatayan?  Bakit hindi sila mag-iwan man lang ng isang henchman?  Kaya tuloy, sa tulong ng kanyang ever reliable utility belt, nakakatakas si Batman.

Ngayon ko lang naintindihan, ngayong matanda na ako, na comedy pala ang palabas na 'yun.  Pero, noong bata ako, 'kala ko seryoso s'ya.

Meron ngang isang episode na sinabi ni Batman. "No one is above the law. And no one is below it."

Profound, 'di ba?

At super sexy pa nina Catwoman at Batgirl.

Kaya, sino ang mag-aakalang comedy ito?

Maganda rin ang portrayal ni Adam West bilang Batman.  Hindi s'ya cynical.  Para sa kanya, may kabutihang natatago sa lahat ng tao.

Hindi rin s'ya vengeful.  Kinakalaban n'ya ang mga kriminal upang panatilihing safe ang Gotham City.  Ni hindi nga binanggit na gusto n'yang paghigantihan ang pumatay sa kanyang mga magulang.

from ign.com
Kamakailan lang ay namatay na si Adam West. Wala man s'yang ibang pinasikat na palabas, para sa akin ang kanyang Batman ang aking pinaka-paborito.  Boring man, gusto ko pa rin s'ya ang lumalaban para sa akin.

At least, alam kong hindi s'ya sasama sa Operation Tokhang.