'Di ko naman gawain ito. Kahit noong mga coup d'etat kay Tita Cory at 'yung inaasahang The Big One hindi ako nag-panic buying. Hindi dahil hindi kami nag-panic; wala lang kaming pang-buying.
Nag-decide akong makisali dahil sa dalawang dahilan:
- Nagdeklara si Du30 Finger na magkakaroon ng lockdown ang buong Metro Manila; at
- Si Du30 Finger.
Sa totoo lang, noong una pa mang naupo si Du30 Finger, ipinagdasal ko na na sana'y maging matagumpay ang kanyang panunungkulan. Sana, s'ya na ang maging pinakamahusay na naging presidente ng Pilipinas, lalo na sa mga panahon ngayon.
Kaso, parang gusto ko nang sumigaw ng "Eli, Eli, lama sabachthani".
Alam ko namang marami ang naniniwalang si Du30 Finger na ang pinakamagaling na presidente. Ang gusto ko lang naman, sana totoo ito sa point of view ng 'Pinas at hindi ng Tsina.
Pasado alas-siyete ng gabi ubos na ang mga sardinas.
Bandang alas-nueve, ubos na ang Safeguard.
Malamang, ang alkohol, ubos na noong Lunes pa lang.
Buti't marami ako nito sa bahay, iba-iba pa ang brand: Black Label, Chivas, Tanduay....