Ang isang gusto kong ginawa ni Noynoy ay 'yung tanggalin n'ya ang mga wang-wang. Isipin n'yo nga, isang oras ka nang nasa trapik, tapos makakarinig ka ng wang-wang para ikaw ay tumabi o kaya sila ay maka-
counter flow. Kaya, kahit sino na lang, basta't may malaki't mamahaling kotse, nagkakabit ng wang-wang.
Pero, napansin ko, bago magka-ECQ, parang bumabalik na naman ang mga wang-wang.
At na-confirm ko na bumalik na nga sila, kahit na may dalawang buwan na akong hindi nag-dra-drive.
Ang wang-wang ay isang simbolo, metaphor, 'ika nga. Isa s'yang sagisag ng kapangyarihan, ng nakaka-angat, ng entitled.
'Pag may wang-wang ka, pwede kang ma-una, walang haharang sa 'yo
'Pag may wang-wang ka, pwede kang lumabag sa batas, walang huhuli sa 'yo.
.'Pag may wang-wang ka, pwede mong gawin ang gusto mo, walang kokontra sa 'yo.
Nakakalungkot.
Sabagay, kahit noon pa man, meron nang wang-wang.
Noong panahon ni Kristo, ang mga Pariseo ay gumagamit na ng mga wang-wang, para ipakita sa madlang people ang kabutihang ginagawa nila.
Buti pa ang mga Pariseong ito, at least, may mabuti silang ginagawa matapos nilang mag-wang-wang.
'Di tulad ngayon, pagdaan ng wang-wang, panay mabahong usok ang iyong maaamoy.