Naghahapunan ako kasama ng aking dalawang dalaginding, na'ng itinanong ni Panganay na kung sila ay mag-aasawa, ano ang mas gugustuhin ko: kasing edad nila 'yung lalaki 'o mas matanda sa kanila ng isang taon. Ang sagot ko bahala sila doon. Hindi ako makikialam kung ano ang kanilang gusto. Basta, aking paalala, irerespeto sila ng lalaki, mamahalin sila at ang kanilang mga anak, honest sila.... Biglang sumingit si Bunso, "Just like you, Tatay?"
Muntik na akong mabulunan.
Hindi ako perpektong tao. Hindi ako perpektong asawa. Hindi ako perpektong ama. Kahit ang pangalan ko, hindi Perfecto. Hindi na ako magkukwento pa't baka mabasa ito ng aking pamilya't mag-iba na ang tingin nila sa akin.
Kahit na ako'y isang ama for 15 years na, hindi ko pa rin masasabing isa akong authority sa paksang ito. Nagkakamali pa rin ako...ng madalas...at paulit-ulit... na parang walang natutunan.
So, ano ang karapatan kong magsulat tungkol sa pagiging ama? Wala. Type ko lang ang mag-type, eh. At saka, ito na ang huling linggo ng buwan at wala pa akong na-i-po-post sa blog ko. Tawag dun, panic time.
Naisip ko ang topic na ito matapos kong basahin ang isang article ni G. Francis Kong sa Philippine Star tungkol sa legacy na iniiwan ng isang ama. 'Yan, siya ang may "K" magsulat tungkol sa pagiging itay. Sa katunayan, may nailathala na siyang libro, kasama ang kanyang anak bilang co-author, tungkol sa paksang iyon. Kaya, 'di lamang sa pagsusulat mahusay si G. Kong, kun'di na rin sa pagiging mabuting asawa't ama.
Matagal na rin akong nagbabasa ng mga isinulat ni G. Kong sa Internet. Noon pang mid-90's ay mayroon na siyang website, www.businessmatters.org, kung saan nakapagsulat na rin siya sa pagiging tatay. Doon, nakapagpalitan kami ng mga emails tungkol sa paksang iyon.
Ang isang isinulat ko sa kanya ay yaong napanood ko sa pelikulang "Mary Poppins". Sa pelikulang iyun, may isang pamilya kung saan ang tatay, si Mr. George Banks, ay sobrang busy upang umangat sa kanyang propesyon sa bangko. Ang nanay ay busy sa kanyang paglaban upang magkaroon ng karapatang bumoto ang mga babae (ang setting ng pelikula ay 1910). Parehong malakas ang paniniwala ng dalawa na heroic at admirable ang kanilang ginagawa, 'di lamang para sa kanilang sarili kun'di pati na rin para sa kanilang mga anak.
Dalawang anak, sina Jane at Michael, na sobrang makulit kung kaya't walang nakakatagal na nanny sa pag-alaga sa kanila. Resulta sila ng "children should be seen, not heard." Sa sitwasyon na ito dumating si Mary Poppins (na ginampanan ni Julie Andrews, at nagpanalo sa kanya ng Best Actress sa Oscar).
Sa panukala ni Mary Poppins, dinala ng Tatay ang dalawang anak sa bangkong pinagtratrabahuhan n'ya. Field trip, daw. Kaso, dahil sa mga bata, nagkaroon ng bank run, at nagkagulo sa bangko. Tumakas ang mga bata, nakita sila ni Bert, kaibigan ng mga bata at ni Mary Poppins, all-around person, musician, scribbler (taga-drawing), at ngayo'y isang taga-linis ng mga chimney. Iniuwi sila ni Bert. Pagdating sa bahay, walang magbabantay sa mga bata. Day-off ni Mary Poppins, ayaw ng ibang katulong mag-alaga, at aalis si Mrs. Banks patungo sa meeting for Women's Suffrage. Kaya si Bert ang nagbantay.
Umuwi si George ng malatang-malata. Inabutan n'ya si Bert sa bahay. Doon tinawagan si George ng bangko, at sinabing dapat magpunta agad siya. Alam ni George na siya ay tatanggalin na sa trabaho.
Naisip ni George na halos marating na n'ya ang kanyang pangarap, nguni't sa isang iglap, naglaho ang lahat. Sinisi n'ya si Mary Poppins at sinabing nagoyo siya upang dalhin ang mga bata sa bangko. Sumagot si Bert:
You are a man of 'igh position
Esteemed by your peers,
And when your little tykes are crying
You 'aven't time to dry their tears,
And see 'em grateful little faces smiling up at you
Because their Dad, 'e knows just what to do.
You've got to grind, grind, grind on that grindstone,
'Though childhood slips like sand through a sieve.
And all too soon they've up and grown
And then they've flown
And it's too late for you to give....
Just that spoonful of sugar to 'elp the medicine go down,
The medicine go down,
The medicine go down....
Hindi ko mapapangakong ako'y magiging perpektong tao/asawa/ama, at hindi ako magpapalit ng pangalan. Nguni't sisikapin kong maging ganu'n (maliban sa pangalan) na'ng sa gayon, 'pag dating ng araw at sabihin nila sa akin, "We married someone just like you, Tatay", kaligayahan at pasasalamat ang mababanaag sa mga mukha nila, at hindi panunumbat.
At yan ang New Year's Resolution ko para sa taong 2008.
Joke, joke, joke!
Baka gusto din ni Panganay at ni Bunso ng checklist na binigay sakin ng Tatay ko kung saka-sakaling ako ay magkaka-boyfriend at mag-aasawa. Eto po yun:
ReplyDelete1. Dapat walang history ng cancer, high blood, diabetes, heart problems, asthma, at kung anu-ano pa'ng sakit maliban sa ubo't sipon sa pamilya nila. Pero kung above 60 years old nagkaron ng mga sakit na yun, OK lang.
2. Dapat matangkad (ayaw natin malahian ng hindi matangkad)
3. Dapat matalino (ayaw natin malahian ng 'otherwise')
4. Dapat walang utang (kung kailangan ipa-CI, why not)
5. Preferably Chinese
Yan po ang checklist na ibinahagi sakin ng Tatay ko. Kung nais nyo'ng i-share kay Panganay at Bunso, why not. Idagdag nyo po dun sa mga nilagay nyo sa taas (irerespeto sila ng lalaki, mamahalin sila at ang kanilang mga anak, honest sila). Yung number 5 lang po siguro ang "Not Applicable." Ü
Nobody's perfect, Sir. But i'm sure you're doing your best to be the best dad to your 2 kids (grabe, biglang naging serious!). Basta Sir, wag kayong gagawa ng kahit anong bagay na alam nyong makakasira ng pamilya nyo (may pinaghuhugutan ito). Yan lang po ang mabibigay ko po sa inyong payo. Hanggang sa muli dahil ako naman ang nasa panic mode. Hehehe...Ü
Thanks for the checklist, Candy. Pero, parang napaka-restrictive ng list na ibinigay sa'yo ng Tatay mo. Lalo na 'yung # 1. Gusto ka ba talaga n'yang mag-asawa? Ü
ReplyDeleteButi hindi ito ang checklist na ibinigay ng tatay ni Misis. Kun'di, hindi n'ya ako napangasawa. Isa lang 'ata ang nakuha ko...'yung #4. 'La pa kasi akong credit card nu'ng nanliligaw ako sa kanya.
Sige, i-ko-consider ko ang payo mo. Consider lang, ha? 'Di ko naman pinapangakong gagawin. Hehehe. Joke.
Panic time ka na nga. Last two minutes na! Ü