Sunday, July 11, 2010

Sex Education Program

"Nay, paano ako ginawa?", tanong ng pitong gulang na si Totoy.

"Ha? Ah, eh, itanong mo sa tatay mo."

"Tay, paano ako ginawa?"

"Ha? Ah, eh, isang ibon ang nagdala sa'yo sa amin."

"Hindi naman ganyan ang nakita ko sa magazine na nakaipit sa kama n'yo, eh."

Isa sa pinakamainit na isyu ngayon ay ang pagtuturo ng Sex Education sa paaralan.

Sang-ayon naman ako dito, para naman malaman ni Totoy na hindi lang ang mga stork ang marunong gumawa ng babies. Baka kasi hindi marunong magpaliwanag ng maayos ang mga magulang.

Pero, hindi naman dapat ipaubaya lahat ng pagtuturo sa titser. Malay mo, single pa si Miss.

Sa aking palagay, ang Sex Education ay 'di lamang tungkol sa pagtatalik, o sa mga paraang hindi mabubuntis si babae.

Sino nga ba ang nagsabi noon, parang si James Dobson, isang author ng maraming libro tungkol sa pamilya. Nasabi na ang pagtuturo ng Sex Education sa mga bata na walang kasamang pagtuturo ng moralidad at values ay parang binibigyan mo sila ng baril, may bala, nakakasa, at hindi mo itinuturo ang tamang paggamit nito.

Kaya, bilang isang ama ng dalawang dalagita, 'eto ang limang kursong nais kong makita sa programa ng gobyerno, at limang kursong ayaw ko.

Five Sex Education Courses I'd Like To See


Course No. 5:
S. E. 101: Body Anatomy

Course No. 4:
S. E. 102: Look What's Happening To My Body (Females only)

S. E. 102: Look What's Happening To My Body (Males only)

Course No. 3:
S. E. 221: Responsible Parenthood

Course No. 2:
S. E. 401: Basic Sexual Intercourse

At ang pinakagusto kong makita sa programa:
S. E. 201: Morals and Values

Five Sex Education Courses I'll Hate To See


Course No. 5:
S. E. 112: How To Have A Sexy Body
Instructor: Dr. Vicki Belo

Course No. 4:
S. E. 321: Paano Makaiwas Magkaroon Ng Anak Sa Labas
(Taught in Filipino)

Course No. 3:
S. E. 320: When Love Cannot Wait

Course No. 2:
S. E. 421: Advanced Sexual Intercouse
Textbook: "How to Drive Your Man Wild in Bed"

At ang pinakaayaw kong makitang kurso:
S. E. 422: Advanced Sexual Intercourse
(laboratory)
Fridays, 1 - 6 pm
Room: Sampaguita Room, Victoria Court, Baclaran (Behind Heritage Hotel)

Monday, July 5, 2010

Top Ten Punishments To Those Who Will Abuse Their Wang-Wangs

Isang malaking usap-usapan noong nakaraang linggo ay ang pahayag ni P-Noy na "walang wang-wang" na dapat gamitin para lang makasingit sa trapiko. Paano naman kung may mahuling nang-aabuso ng kanilang wang-wang? 'Eto ang aking mungkahing mga parusa para sa mga abusadong ito:

Punishment Number 10
Pababalikin s'ya sa hulihan ng trapiko.

Punishment Number 9
Ipapasok ang kan'yang ulo sa hood ng kotse at tapos ay paiingayin ang wang-wang.

Punishment Number 8
Pasusunurin s'ya sa prosisyon ng patay, at pagbabawalang mag-overtake.

Punishment Number 7
Papanoorin sa kanya ng isan-daang beses ang pinakasikat na karera na naisapelikula - Ben Hur. At huwag s'yang bibigyan ng popcorn.

Punishment Number 6
Pahuhugasan sa kan'ya ang lahat ng windshields ng mga kotseng naiipit sa trapiko.

Punishment Number 5
Sa loob ng isang linggo, paiingayin ang kan'yang wang-wang sa loob ng kan'yang kwarto. Walang katiyakan kung anong oras o ilang beses ito patutugtugin kada gabi.

Ilalagay ang wang-wang sa ulunan ng kan'yang kama, at ang control upang ito'y mapatay ay ilalagay sa kanyang kotse.

Punishment Number 4
Pakakantahin s'ya ng My Way sa isang karaoke bar, nguni't ang gagamitin n'yang lyrics ay pawang "wang-wang" lamang ("Wang-wang, wang-wang wang-wang....")

S'yanga pala, ang mga customers ng nasabing bar ay walang pasensya sa mga taong binababoy ang kanilang paboritong kanta.

Punishment Number 3
Isasakay s'ya sa hood ng ambulansya o trak ng bumbero at sisigaw s'ya ng "WANG! WANG! WANG! WANG...!"

Punishment Number 2
Tatakpan ng mga 'di-matatanggal na stickers ang kan'yang kotse na nagsasabing "Inabuso ko ang aking wang-wang!"

At ang pinakamalupit na parusa para sa mga umaabuso ng kanilang wang-wang:
Puputulin ang kan'yang wang-wang.

Saturday, July 3, 2010

Walang Wang-Wang (Driving in Metro Manila, Part 6)

Ang kagandahan na ang ang isang lider ay galing "from the ranks" ay naiintindihan n'ya ang damdamin ng mga nasa ilalim n'ya dahil naranasan din n'ya ang mga nararanasan ng mga ito. 'Di tulad ng mga taong pinalad sa "gene pool lottery" at ipinanganak na mayaman; ang mga ito'y binigyan ng mga leadership positions nguni't masyadong out-of-touch sa kanilang pinamumunuan. Ang kanilang pamamalakad ay napaka-insensitibo sa nakararami.

S'yempre, meron din namang mga galing sa ibaba na super-ambisyoso. Sila 'yung tulad ng mga langaw na nakatuntong lang sa kalabaw ay akala nila na nakahihigit sila sa iba, na natapos na ang mga araw na s'ya ay naninilbihan kaya't dapat s'ya naman ang pagsilbihan.

Kaya naman nakakatuwa ang mga binanggit ni P-Noy noong nakaraang katapusan.

"Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wang-wang sa kalsada? Ako rin," wika ni P-Noy. "Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa."

Ilang beses marahil na s'ya'y naipit sa trapiko sa Quezon Blvd patungong Senado, tapos may isang aide ng isang congressman ang biglang pa-i-ingayin ang kanyang sirena na parang nagsasabing "humabi kayo d'yan at may isang importanteng tao ang daraan".

O kaya'y naka-abang s'ya sa Tandang Sora, tapos may mga naglalakihang SUV na nag-counter flow dahil maluwang naman ang kabilang lane. Pagdating n'ya sa kanto ng Visayas Ave, 'yung mga nag-ka-counter flow ay bumabalik sa dapat n'yang lane, at pagkataos ng intersection ay maluwag na. Marahil naisip ni P-Noy na kung hindi nag-counter flow ang mga ito, hindi makakabuhol-buhol ang trapiko sa intersection.

Hindi rin naman s'ya isang ambisyosong tao; hindi s'ya nag-apply bilang standard bearer ng LP. Sa halip, ito'y inialok sa kanya, at ilang araw pa n'yang pinagdasal bago s'ya pumayag.

Kaya ang kanyang pahayag na walang wang-wang ay mula sa isang taong tunay na nagdusa, at ngayong may oportunidad na s'ya, nais n'yang mabago ang pag-aabuso ng mga taong nakatataas, o ng mga langaw na nakatuntong sa taas.

Mababaw para sa isang presidente? Hindi po, dahil sa mga maliliit na bagay na ito, na malaki para sa aming mga maliliit na tao, nagsisimula ang malalaking maaari pang gawin ni P-Noy.

Kaya naman nagtataka ako ay Binay kung ano ang ikinaiinis n'ya sa pahayag nito ni P-Noy. Dapat, tinignan n'ya kung ano ang konteksto nang sinabi ni P-Noy na walang wang-wang. Hindi ang paggamit ng wang-wang, per se, ang pinupuntirya ni P-Noy, kun'di ang pang-aabuso ng mga nasa itaas, na, sa halip manilbihan ay sila pa ang nag-de-demand na pagsilbihan.

Siyempre naman, kung may dalang naghihingalong pasyente ang isang ambulansya, hindi ba dapat gumamit ng wang-wang?

Kung may sunog at nag-re-responde ang isang bumbero, hindi ba dapat gumamit ng wang-wang?

At kung may nagbabarilan sa isang bar sa Makati at nais pumunta ni meyor, hindi ba dapat gumamit ng wang-wang?

Tuloy, naging parang wang-wang si Binay -- hindi dapat patunugin dahil wala namang emergency. Ingay lang ang lumabas.