Dalawang balitang ikinasikat (naging notorious?) ang 'Pinas ay ang pag-hostage ni Rolando Mendoza at ang pagpwesto ni Venus Raj sa Ms. Universe.
Hindi ko na dadagdagan ang mga usapin tungkol sa mga nangyari, kung ano ang mga dapat ginawa ng pulis at ni Venus. Una, wala ako roon noong nangyayari ang mga ito. Hindi ko kayang magdesisyon sa buhay (o pagkamatay) ng mga tao. Wala rin ako sa entablado upang sagutin ang hinayupak na tanong ni William Baldwin.
At ikalawa, hindi ako isang heneral na sanay magplano kung paano atakihin ang isang kalaban, at lalong-lalo nang hindi ako isang beauty contestant.
Ang reklamo ko lang ay ang naging reaksyon ng mga tao, lalo na ng ating kapwa-Pilipino. Para kasing ang huhusay nila, na alam nila ang gagawin kung sila ang nasa katayuan ng mga pulis o ni Venus.
"We elected a retarded president." My golay! Please, move on! Walang halong salamankang tinambakan ni Noynoy ang inyong kandidato. Walang daya 'yan, 'di tulad noong 2004.
"Major, major mistake 'yung sagot n'ya." Kayo kaya sumagot noon, sa harap ng maraming tao, and with very limited time. Extemporaneous. Eh, kung 'yung mga job applicants, alam na nila na itatanong sa kanila 'yun, hindi pa rin nila masagot ng maayos, 'yun pa kayang biglaang itatatanong sa'yo at biglaan mo ring sasagutin. Biruin mo, dalawampu't dalawang taon ang kanyang gugunitain para makasagot ng maayos.
Ngayong iniisip ko ang sagot ni Venus, lalo na sa mga interviews, nakita ko ang wisdom ng kanang sagot. Marahil, hindi nga lang n'ya naipaliwanag o maipaliwanag ng maayos.
Noong baguhan pa ako sa kumpanyang pinagtratrabahuhan ko ngayon, may isang senior engineer ang nagsabi sa akin, "Kung magkamali ka, ok lang. Kung uulitin mo ang iyong pagkakamali, iumpog mo ang ulo mo sa pader."
Throughout the years, natutunan ko na ang isang pagkakamali ay hindi pagkakamali kung may natutunan ka dito at hindi mo na uulitin. Ang tawag na dito, "learning experience".
'Yan din ang sinasabi ko sa aking staff. Feeling ko, mas empowered sila dahil doon.
Kaya nagtataka ako sa ibang managers na may patakarang "Do it right the first time." Tuloy, ang mga tauhan nila'y parang takot kumuha ng responsibilidad. Ayaw gumalaw kung walang payak na utos. At kung ano lang ang sabihin sa kanila, 'yun ang gagawin nila.
Walang initiative kumbaga.
Marahil, 'yun ang ibig sabihin ni Venus. Kung meron mang "pagkakamali" s'yang nagawa, dahil may natutunan s'ya't hindi na n'ya inulit 'yun, at sa halip ay naitama n'ya, hindi n'ya itinuturing na isang pagkakamali ang kanyang nagawa. Sa halip, isa itong challenge sa kanya.
Marahil, 'yun din ang ating isipin sa nangyaring pang-ho-hostage ni Mendoza. 'Di ba't lalo nating nakita ang kakulangan ng ating pulisya? Hindi ba "learning experience" sa atin lahat ito?
Kung nakinig kayo sa sinabi ni Noynoy noong kanyang inagurasyon, sinabi n'yang "[p]alalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan."
Ang kaso, s'ya'y na-overcome of events na.
Dalawang buwan laban sa ilang taong pagkaka-pabaya sa ating pulisya. Hindi fair.
At least, may dahilan na kung bakit kailangang gumastos ng malaki para sa ating mga sundalo't pulis.
Kaya, sa mga kapwa ko Pinoy na bumabatikos kay Noynoy, sa ating kapulisan, at kay Venus, nawa'y 'wag kayong malagay sa sitwastyong kailangan n'yong gawin ang kanilang ginawa.
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Tuesday, August 31, 2010
Monday, August 23, 2010
"Enzo...Santo" the play
Required si Panganay manood ng "Enzo...Santo" para sa isa n'yang subject. Dahil ito'y isang musical, at maganda naman ang tema, ipinas'ya naming mag-asawa na sumabit sa panonood.
May discount ang nabili naming mga ticket; sa school ito binili. Kaso, walang nakasulat kung kelan ang play at kung anong oras ito ipapalabas. Sinabi na lang ng titser sa Aug 22 ang palabas. Noong una'y alas-dos daw, pero nabago ito't sinabing alas-kwatro na. Maaga na lang kaming nagpunta sa SM North Mall, para rin hindi ako mahirapang mag-park.
Mga alas-tres pa lang nang magsimulang magkaroon ng pila, kaya sugod agad ako para makapuwesto na. Ang kaso, bigla kaming pinababa. Sa labas ng mall ang pila. Takaw-singit ang gagawin nilang ito.
Anyway, maganda-ganda rin naman ang naupuan naming mag-anak. Malapit sa stage, kaya naman kitang-kita namin, kahit malalabo ang aming mga mata, ang bawat kilos, facial expression, at galaw ng bibig ng mga aktor. Importante sa akin ang huli dahil bukod sa mahina ang aking mga mata, mahina na rin ang aking tenga.
Ang dula ay sinimulan ng isang narrator, o Saksi. S'ya ang isa sa mga major characters, naroon sa bawa't eksena, nagpapaliwanag, o 'di kaya'y sumasama sa aksyon. Isinalaysay n'ya ang kuwento ni San Lorenzo Ruiz, mula nang siya ay ipinanganak, sa kanyang paglaki, sa kanyang pag-fall in love, sa pagkakaroon ng pamilya, sa pagpaparatang sa kanya na isa s'yang kriminal, sa kanyang pagsama sa misyon sa bansang Hapon, sa kanyang pagpapakasakit at pagkamatay, at hanggang sa kanyang pagiging santo.
Hindi ko naman masasabing perpekto ang play. May mga "germs" din ito. Ang una'y masyadong na-highlight ang pagka-Pilipino ni Enzo, na, sa feeling ko, nag-bo-border na s'ya sa racism. Pero, may dahilan naman ito, na malalaman sa katapusan ng dula.
Malaking parte ng dula ay komedya. Maraming beses din akong natawa. Kaso, maraming beses din na ang basehan ng pagpapatawa ay ang pag-aarteng bakla ng ilang aktor, lalo na't pari ang karakter. Hindi 'yung pagpapakitang baklang pari ang aking kinaaayawan; ang hindi ko gusto ay 'yung gawing katawa-tawa ang pagiging bakla. Isang form of bigotry din 'yun, 'di ba?
Isa pang basehan ng pagpapatawa ay ang slapstick. Hindi siguro talaga mawawala sa ating Pilipino 'yun.
Hindi rin masyadong convincing ang pagsama ni Enzo sa bansang Hapon. Alam ng lahat na lubhang mapanganib ang pagputa doon, at mas nakasisigurong magdurusa't mamamatay ang mga pupunta. Si Enzo ay may asawa't tatlong anak, kaya, bakit n'ya gustong makasama? Hindi naman dahil sa pagpaparatang sa kanya, dahil hindi naman napatunayan na s'ya nga ang pumatay sa kanyang pinsan. Sa aking palagay, dapat pa lalong naipaliwanag ang desisyon ni Enzo tungkol dito.
Maliban sa mga ito, masasabi kong napakaganda, nakatutuwa, at kapupulutan ng aral ang palabas. Ang mga aktor ay mahuhusay kumanta, wala akong narinig na sintunado. Ang mga kanta, although hindi sila tumiim sa aking isipan, hindi dahil sa kakulangan ng kumpositor kun'di sa akin na ring kahinaang makaalala ng simpleng bagay, lalo pa ang kumplikadong mga kanta, ay lalong nakakapagbigay damdamin sa mga eksena.
Ang isang awit ay nakatulong magbigay tension sa eksena kung saan ang mga Intsik ay pinaghuhuli ng mga Kastila dahil sa balak na mag-aklas ang mga nauna.
May kantang tungkol sa pag-iibigan nina Enzo at Rosario, samantalang, in contrast, ay kinanta rin ng sawing pag-iibigan ni Lazaro, isang Hapong nagkaroon ng sakit na ketong at ipinatapon dito sa 'Pinas, at ng kanyang asawa na si Aikira. Pagpapalit lang ng ilang wordings ang kanta'y nagiging romantic o tragic.
Mayroon namang kanta, na matapos mapagbintangan si Enzo, ay ipinakita ang kanyang pagdurusa.
Gustong-gusto ko rin ang mga numerong kung saan may mga duweto. May point at counterpoint ang mga kanta, na parang nakikinig ka ng dalawang awit. Nguni't, sa halip na mag-clash ang mga ito, lalo pang na-e-enhance ang musika.
Kahit ang setting ay panahon ng Kastila, hindi naman naging makaluma ang dula; may mga makabago ring galaw o jokes, tulad ng jejemon, 'pag banggit kay Angelica Panganiban, at galaw ng isang anime character. Meron ding katutubong sayaw, ang Sayaw Sa Banko, na sinaliwan ng makabagong moves.
Sa huli'y kinanta ng Saksi ang dalawang moral lessons ng dula. Ang una'y sinabi n'yang nasaksihan n'ya ang buong buhay ni Enzo. Bilang audience ng dula, kami ay naging saksi na rin sa buhay ni Enzo, kung kaya't alam na rin namin ang kanyang pagkatao, at ang mga aral sa kanyang buhay.
Ang isa pa'y si Enzo ay Pilipino at ordinaryong tao. Hindi n'ya plinanong maging santo; ito ay sadyang dumating na lamang. Ang audience, bilang mga tao't Pilipino, kaya rin namin (natin) ang kanyang nagawa. Tayo rin ay maaaring maging mga santo, marahil hindi sa paraan na ma-torture at mamatay dahil sa ating pananampalataya, kun'di sa araw-araw na buhay, tayo rin ay maaaring mamatay, piliin lamang ang Diyos kesa sa sariling kapakanan.
Gusto ni Bunso na panoorin ulit ang palabas. Ako rin. Hanggang Disyembre ngayong taon pa naman ito ipinapalabas. May panahon pa tayong panoorin ito.
Kaya, tayo na!

Subscribe to:
Posts (Atom)