Friday, February 4, 2011

Tumatanda Ka Na, Frend

Isang email ang ipinadala sa akin ng aking ka-opisina. Nakakatuwa s'ya, although may parinig.

Sa mga kapwa kong matatanda na magbabasa nito, nawa'y tamaan kayo.

At sa mga nakakabata naman, may araw rin kayo.

Hehehe.

>> Tumatanda ka na, frend.
>>
>> Nasa Friday Magic Madness na
>> 'yung mga paborito mong kanta.
>> Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.
>> Lesbiana na yung
>> kinaaaliwan mong child star dati.
>> Nanay o Tatay na lagi
>> ang role ng crush na crush mong
>> matinee idol noon.
>>
>> Dati, 'pag may panot,
>> sisigaw ka agad ng "PENDONG!".
>> Ngayon, 'pag may sumisigaw nu'n,
>> ikaw na 'yung napapraning.
>> Parang botika na ang cabinet mo.
>> May multivitamins, vitamin E,
>> vitamin C, royal jelly,
>> 'tsaka ginko biloba.
>>
>> Dati, laging may inuman.
>> Sa inuman, may lechon, sisig,
>> kaldereta, inihaw na liempo, pusit,
>> at kung anu-ano pa.
>> Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo
>> ng mga kasama mo
>> sa Starbucks
>> at o-order ng tea.
>>
>> Wala na ang mga kaibigan mo noon.
>>
>> Ang dating masasayang tawanan
>> ng barkada sa canteen,
>> napalitan na
>> ng walang katapusang pagrereklamo
>> tungkol sa kumpanya ninyo.
>> Wala na ang best friend mo
>> na lagi mong pinupuntahan
>> kapag may problema ka.
>> Ang lagi mo na lang kausap ngayon
>> eh ang ka-opisina mong
>> hindi ka sigurado
>> kung binebenta ka sa iba
>> pag nakatalikod ka.
>>
>> Ang hirap na'ng magtiwala.
>>
>> Mahirap na'ng makahanap
>> ng totoong kaibigan.
>> Hindi mo kayang pagkatiwalaan
>> ang kasama mo araw-araw
>> sa opisina.
>> Kung sabagay,
>> nagkakilala lang kayo
>> dahil gusto ninyong kumita ng pera
>> at umakyat sa
>> tinatawag nilang
>> "corporate ladder".
>> Anumang pagkakaibigang umusbong
>> galing sa pera at ambisyon
>> ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.
>> Pera din at ambisyon
>> ang sisira sa inyong dalawa.
>>
>> Pera.
>> Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
>>
>> Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable,
>> Globe, Smart, at Sun.
>> Alipin ka ng Midnight Madness.
>> Alipin ka ng tollgate sa expressway.
>> Alipin ka ng credit card mo.
>> Alipin ka ng ATM.
>> Alipin ka ng BIR.
>>
>> Dati-rati masaya ka na
>> sa isang platong instant pancit canton.
>> Ngayon, dapat may kasamang Italian chicken
>> ang fettucine alfredo mo.
>> Masaya ka na noon 'pag
>> nakakapag-ober-da-bakod kayo
>> para makapag-swimming.
>> Ngayon, ayaw mong lumangoy
>> kung hindi Boracay o
>> Puerto Galera ang lugar.
>> Dati, sulit na sulit na sa 'yo
>> ang gin pomelo.
>> Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine,
>> maghahanap ka ng San Mig Light o
>> Vodka Cruiser.
>>
>> Wala ka nang magawa.
>> Sumasabay ang lifestyle mo
>> sa income mo.
>> Nagtataka ka kung bakit
>> hindi ka pa rin nakakaipon
>> kahit tumataas ang sweldo mo.
>> Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati,
>> na sinasabi mong hindi mo kailangan,
>> abot-kamay mo na.
>> Pero kahit nasa iyo na
>> ang mga gusto mong bilhin,
>> hindi ka pa rin makuntento.
>>
>> Frend, gumising ka.
>>
>> Hindi ka nabuhay sa mundong ito
>> para maging isa lang
>> sa mga baterya ng mga machines
>> sa Matrix.
>> Hanapin mo ang dahilan
>> kung bakit nilagay ka rito.
>> Kung ang buhay mo ngayon ay
>> uulit-ulit lang
>> hanggang maging singkwenta anyos ka na,
>> magsisisi ka.
>> Lumingon ka kung paano ka nagsimula,
>> isipin ang mga tao
>> at mga bagay
>> na nagpasaya sa yo.
>> Balikan mo sila.
>>
>> Ikaw ang nagbago,
>> hindi ang mundo.

No comments:

Post a Comment