Sunday, February 24, 2013

Majority rules? (Divorce, Part 1)

"If everyone except you believes in or does something, isn't it just possible you could be wrong?" - Peter Wallace, Like It Is, Philippine Daily Inquirer, 10 January 2013

Tanging 'Pinas na lang ang walang batas na nagpapahintulot mag-divorce ang mag-asawa. Sabi ni G. Wallace, isa pang bansa ay ang Vatican, pero hindi raw 'yun bansa, at mga tao naman doon ay celibate, kaya hindi naman nila kailangan ng batas para sa divorce.

Naisip ko lang, ano ang ibig sabihin ni G. Wallace, na ang pagiging tama ay madadaan sa isang botohan? Na kung pinaniniwalaan ng marami, o ng lahat maliban sa 'yo, ito ang tama, ito ang katotohanan?

Bakit, noong unang panahon, ang lahat ay naniniwalang ang mundo ay "flat", pero mali 'yun, 'di ba?

Milyon-milyon ang bumoto kay Erap. Tama ba?

At ngayon, kayraming nagsasabing maganda ang Twilight Saga. Maling-mali!

So, kung ang tama o katotohanan ay hindi makukuha sa botohan, paano natin malalaman kung ang isang bagay ay tama o mali?

May nagsasabi na isang tragedy ang ginawang pananahimik si Kristo nang tanungin S'ya ni Pilato kung ang ang katotohanan (Jn 18:38). Kung sinagot lang daw sana ni Kristo, eh 'di sana, tapos na ang usapan.

Pero, matagal nang sinagot ni Kristo ang tanong ni Pilato, hindi pa man dumarating ang Huwebes Santo.

"I am the the Way, the Truth, and the Life," 'ika N'ya kay Tomas, sa Kanyang mga disipulo, at sa atin (Jn 14:6).

Ayun naman pala. Meron namang palang batayan. Hindi kailangan ng mga PCOS machines para malaman kung ano ang tama at totoo. Basahin lang natin ang sinabi ni Kristo, sapat na.

At ano ang sinabi N'ya tungkol sa diborsyo?

"Ang pinagsama nga ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao." (Mt. 18:5)

At hindi ko 'yan kinuha out of context. Basahin mo ang buong chapter at malalaman mo na ang Kanyang tinutukoy ay ang pag-aasawa at pag-di-diborsyo.

Sorry, G. Wallace, pero hindi kailangang marami ang maniwala upang ang isang bagay ay maging tama. Sa katunayan, hindi kailangang may maniwala para maging tama ang isang bagay.

Ang tama ay tama, may maniwala o wala.

Sunday, February 3, 2013

Rejection

"They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill...to hurl him down headlong." - Luke 4:29

Konti lang ang niligawan ko noong bata pa ako, hindi dahil konti lang ang type ko, kun'di dahil sobra ang aking pagka-tyope.  Super baba na nga ang aking self-confidence, paasok pa ako sa isang sitwasyong sigurado naman akong ma-ba-basted.

Ang hirap talaga ang ma-reject, 'di lamang sa panliligaw, kun'di sa lahat ng bagay.  Masaklap kung hindi tinanggap ng titser mo ang iyong sagot sa kanyang tanong.  Mapait kung hinindian ka ng iyong kaibigan na pautangin ka.  Masama kung inayawan ka ng kumpanyang iyong i-na-apply-yan.

Kaya, hindi na ako lang nagtatangkang gumawa ng mga bagay-bagay;. ayaw na ayaw kong ma-experience ang ma-reject.

Ito ang paksa ng Gospel reading ngayong Linggo.  Si Kristo ay na-reject, 'di lamang ng kung sinong tao, kun'di mismong mga kakilala N'ya, mga kaibigan, at maging mga kamag-anak.  Panu naman, humihingi sila ng isa lang mirakulo, hindi pa sila pinagbigyan.

Kasi naman, feeling nila, entitled sila sa isang mirakulo.  Palibhasa, nakahalubilo nila ang tatay ni Hesus.  Nakalaro nila ang Kanyng mga kamag-anak.  Nakakuwentuhan nila ang nanay.

Biglang sumagi sa isip ko ang divorce.

Wala namang akong experience tungkol sa diborsyo, pero, 'di ba, isang form ng rejection din 'yun?

At hindi lang 'yun rejection sa asawa, kun'di rejection na rin sa  sumpaan, at, ultimately, rejection sa Diyos.

Napaka-ironic, kasi, ang second reading nitong Linggo ay ang sulat ni San Pablo sa mga taga-Korinto,  'yung sinasabing "love is patient, love is kind" at kung ano-ano pa.  Isa ito sa mga paboritong reading sa kasal.

Pero, 'pag napag-uusapan na ang "divorce", nalilimutan na ang reading na ito.  Nalilimutan na pinili nila ito.  Nalilimutan na nila kung ano ang naging pakiramdam nila habang binabasa ito.

O baka naman hindi nakikinig.

Masakit talaga ang ma-reject.  Nguni't, sa mga taong naniniwala, nakakasiguro tayong hindi tayo i-re-reject ng Diyos.

Sana, sa mga taong kasal, 'wag din nating i-reject ang ating asawa.