May nabasa ako na ang pinaka-popular na greeting card daw sa US of A ay ang sa Father's Day. Siyempre nga naman, kasi 'yun lang ang ibinibigay ng mga anak sa kanilang ama. At sa aking palagay, ang mga greeting cards na ito ay binili pa't sinulatan ng ina, at ipinalabas na lang na galing sa bulsa ng mga anak ang ipinambili, at galing sa kanilang mga puso ang isinulat.
Ngayon, kung ganu'ng sapilitan pala ang pag-celebrate ng Father's Day, bakit pa natin pinagdiriwang? 'Eto, sa tingin ko, ang sampung dahilan kung bakit:
Reason Number 10:
Kailangang kumita ang Hallmark.
Reason Number 9:
Kailangang kumita ang Globe, Smart, Sun, at iba pang network mobile operators.
Reason Number 8:
Kinaawaan ang mga tatay.
Reason Number 7:
Sa US, ito ang panahon ng bakasyon. Sino pa nga ba ang magbibigay sa kanila ng pera lalo na't wala silang allowance?
Reason Number 6:
Ngayon din ang panahon ng pagpapalit ng style ng neckties.
Reason Number 5:
Muli, sa US, walang special occasion sa buwan ng June.
Reason Number 4:
Kung wala ang mga tatay, wala rin tayo. At hindi naman pwedeng ang ating mga ina'y mag-ampon na lang.
Reason Number 3:
Lumalabas ang insecurity ng mga tatay t'wing Mother's Day.
Reason Number 2:
Ang gusto talagang ipagdiwang ng mga tao ay Grandfather's Day, kasi, mas malapit sila sa kanilang mga lolo kesa sa kanilang tatay. Ang kaso, ang mga grand papa ay inilagay sa mga retirement homes ng kanilang mga anak na lalaki, kaya hindi makapag-celebrate ang mag-lolo.
And the number 1 reason why we celebrate Father's Day:
Walang magbabayad sa kinain ng pamilya sa restoran upang ipagdiwang ang Father's Day.
Sabi nga ni Fr. Jerry Orbos, SVD, sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer, "A father is one who used to have money in his wallet, but now only has pictures of his loved ones."
Sa lahat ng mga ama, "Happy Father's Day"!!!!
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Sunday, June 20, 2010
Sunday, June 13, 2010
Disenfranchised! (Musing)
Nasa BDO kami kaninang hapon. Kahit Linggo, bukas ito sa SM.
May karatula na nagsasabing sarado sila bukas dahil sa selebrasyon ng "Independence Day". Opo, may quotations sa kanilang karatula.
Alam n'yo naman marahil kung ano ang ibig sabihin ng may quotations -- hindi literal ang ibig sabihin ng nasa loob ng quotes.
Kaya, parang sinasabi ng BDO na wala naman talaga tayong Independence. Lokohan lang ang pagdiriwang na ito.
Napag-isip-isip ko ito, lalo na 'yung araw ng eleks'yon. Halos lahat ng nakausap ko ay walang authority para gumawa ng desisyon. Kung ano lang ang sinabi sa kanila, 'yun lang ang gagawin nila.
Kaya inis na inis ako. Panay lang sila satsat, kulang naman sa gawa. Pawang mga walang "b".
Pero, kasalanan ba nila 'yun? Is it just a matter of attitude? O, baka naman, gan'un ang turo o utos sa kanila?
Baka naman hindi lang isolated case ang nangyari sa paaralang iyon, kun'di sa buong 'Pinas. Na walang maglalakas-loob gumawa ng desisyon; lahat ipapasa sa mas nakakataas sa kanila.
Kawawa naman tayo, kung gan'un. Parang wala na tayong kapangyarihan para pagandahin ang ating buhay. Aasa na lang tayo sa kung sino ang nakaupo sa gobyerno.
At kung hindi tayo pagsisilbihan ng maayos, hihintayin na lang nating matapos ang kan'yang termino at iboboto ang kalaban.
Napaka-passive naman. Hindi naman siguro 'yun ang ibig sabihin ni Kristo nang sinabi N'yang "Blessed are the meek, for they shall inherit the earth." Kasi, kung gan'un, tayo na sana ang nagma-may-ari ng mundo.
Sabagay, sa daming Pinoy na nagkalat sa balat ng lupa, baka nga ma-angkin na natin na daigdig.
Pero, mabalik tayo sa eleks'yon.
Ngayon, alam ko na kung sino ang iboboto ko sa darating na halalan -- 'yun 'yung taong makakapag-empower sa ating mga Pinoy. 'Yung makakatulong sa ating magkaroon tayo ng tiwala sa ating sarili. 'Yung s'ya mismo'y naniniwala sa atin.
Kaya, buti na lang at hindi nanalo si Villar. S'ya raw ang tatapos sa kahirapan. Parang knight in shining armor. Parang hero. Parang X-men.
At ang mga kababayan naman nati'y naniniwala sa kanya. At paano n'ya tatapusin ang kahirapan? Ang akala ng mga tao'y mamimigay s'ya ng limpak-limpak na pera.
Ayun! Ginagawa lang tayong pulubi.
Actually, tingin ko maraming taong naging empowered; sila 'yung mga umaalis ng bansa. At dahil doon, kita mo naman ang resulta -- very productive sila. Asenso na rin ang kanilang buhay.
Kung may maimumungkahi ako kay PE Noy (President-Elect Noy), ang sasabihin ko'y gumawa s'ya ng hakbang para ma-empower tayong mga Pilipino sa araw-araw nating buhay.
Gaya ng ginawa ng kanyang ina, lalo na noong tapos na ang kanyang termino.
At kung magawa ni Noynoy 'yun, mas magiging makabuluhan ang pagdiriwang ng ating Independence Day.

Subscribe to:
Posts (Atom)