May nabasa ako na ang pinaka-popular na greeting card daw sa US of A ay ang sa Father's Day. Siyempre nga naman, kasi 'yun lang ang ibinibigay ng mga anak sa kanilang ama. At sa aking palagay, ang mga greeting cards na ito ay binili pa't sinulatan ng ina, at ipinalabas na lang na galing sa bulsa ng mga anak ang ipinambili, at galing sa kanilang mga puso ang isinulat.
Ngayon, kung ganu'ng sapilitan pala ang pag-celebrate ng Father's Day, bakit pa natin pinagdiriwang? 'Eto, sa tingin ko, ang sampung dahilan kung bakit:
Reason Number 10:
Kailangang kumita ang Hallmark.
Reason Number 9:
Kailangang kumita ang Globe, Smart, Sun, at iba pang network mobile operators.
Reason Number 8:
Kinaawaan ang mga tatay.
Reason Number 7:
Sa US, ito ang panahon ng bakasyon. Sino pa nga ba ang magbibigay sa kanila ng pera lalo na't wala silang allowance?
Reason Number 6:
Ngayon din ang panahon ng pagpapalit ng style ng neckties.
Reason Number 5:
Muli, sa US, walang special occasion sa buwan ng June.
Reason Number 4:
Kung wala ang mga tatay, wala rin tayo. At hindi naman pwedeng ang ating mga ina'y mag-ampon na lang.
Reason Number 3:
Lumalabas ang insecurity ng mga tatay t'wing Mother's Day.
Reason Number 2:
Ang gusto talagang ipagdiwang ng mga tao ay Grandfather's Day, kasi, mas malapit sila sa kanilang mga lolo kesa sa kanilang tatay. Ang kaso, ang mga grand papa ay inilagay sa mga retirement homes ng kanilang mga anak na lalaki, kaya hindi makapag-celebrate ang mag-lolo.
And the number 1 reason why we celebrate Father's Day:
Walang magbabayad sa kinain ng pamilya sa restoran upang ipagdiwang ang Father's Day.
Sabi nga ni Fr. Jerry Orbos, SVD, sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer, "A father is one who used to have money in his wallet, but now only has pictures of his loved ones."
Sa lahat ng mga ama, "Happy Father's Day"!!!!
No comments:
Post a Comment