"...how much more will the Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask Him?" - Luke 11:13
Usong-uso ngayon ang Law of Attraction, kung saan sinasabi na isipin mo ang isang bagay, maniwalang iyo na ito, at mapapasaiyo nga ito.
Kaya, kung gusto mong magkaroon ng Chedeng, isipin mo lang 'yung model na gusto mo, nakaparada na sa iyong garahe (mag-imagine ka rin na may garahe ka kung wala ka pa), at hindi magtatagal ay magkakaroon ka ng pinapangarap mong tsikot.
Idinawit ng mga naniniwala sa law na ito ang Quantum Physics. Dahil daw sa equation ni Einstein, E=mc2, ang lahat ay enerhiya (ating kaisipan) na maaring maging mass, sa kasong ito, 'yung Chedeng.
Ki-no-quote din ang Bibliya, kung saan sinasabing "ask and you shall receive" (Luke 11:9), na nagkataong kasama din ito sa Bible reading ngayong misa.
Kaya, may tinatawag na prosperity gospel kung saan sinasabi na nasasaad sa Bibliya na gusto talaga ng Diyos na tayo ay yumaman at lumigaya dito sa mundo.
Nagulat lang ako nang aking narining, kung hindi ako nagkakamali, si Pope Benedict XVI, sa kanyang librong Jesus of Nazareth kung saan sinabi n'ya na ang resulta ng pagdarasal ay ang pagbibigay ng Diyos ng Kanyang sarili. At tanong n'ya, "Ano pa ang mas gagaling pa kesa sa Diyos?"
Wow! Mabigat 'yun.
Kaso, kailangan ng matinding pananalig para talagang matanggap natin 'yun.
Mas gugustuhin pa ba natin ang tanggapin ang Diyos kesa manalo sa Lotto?
Mas pipiliin pa ba natin ang Holy Spirit kesa sa Chedeng?
Gigising ba tayo ng maaga araw-araw para tanggapin ang Katawan ni Kristo kesa manatiling nakahiga sa kama?
Para magawa natin 'yun, kailangan din ng matinding pagmamahal.
Pakinggan mo na lang ang mga love songs, noon at ngayon.
"Ikaw ay akin, ako ay sa 'yo."
"You are mine."
"Be mine tonight."
At kung ano-ano pang tulad nila.
Kaya, kung talagang mahal natin ang Diyos, napaka-logical lang na hingin natin na Siya'y mapasa-atin.
At hindi N'ya tayo bibiguin.
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Sunday, July 28, 2013
Monday, April 29, 2013
SBNR
Isang survey ang ginawa ng SWS may ilang linggo na ang nakakaraan, at sinabi'y iilan na lang sa mga Pinoy ang nagsisimba ngayon, kumpara noong 1991. Wala pa sa kalahati ng mga Katoliko ang nagtitiyagang maligo 'pag Linggo para magpunta sa mall, este, sa simbahan. Kasama na sa bilang ang gumagawa ng sabay: magsimba sa mall.
Kasama na rin sa bilang ang mga taong sisipot na lang sa dulo ng misa at aalis na.
Bakit kaya kumukonti na ang mga nagsisimba?
Kasi, mas marami na'ng Katolikong beybi kesa matanda?
Kasi, marami na ang nakapasok sa mga call centers kaya pati Linggo may trabaho sila?
Kasi, sa TV na lang sila nagsisimba? Tutal, parang simbahan na rin ang TV -- may misa kada oras. Nakahiga ka pa.
Meron mga nagsasabi, boring daw ang pari. Bakit, ang pari ba ang dahilan kaya may misa? Saka, nandu'n ba ang pari para mag-entertain? Kung gusto nila ng entertainment, umuwi na lang sila sa bahay at manood ng "The Buzz".
Meron naman nagsasabi na hindi nila gusto ang sinasabi ng mga pari, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang RH (dating) Bill, o kaya tungkol sa bawal na relasyon. Ay, patay ka! Kung nandito pala si Kristo hindi nila Siya pakikinggan. Meron bang sinabi si Kristo na hindi ka magiging uneasy?
At meron namang mga nagsasabi na sila ay SBNR, Spiritual But Not Religious. Internal daw ang kanilang pagiging Kristiyano, at hindi kailangang ipakita sa madla. Wala na raw kasing relevance ang Simbahan. Mas makabuluhan sa kanila ang magdasal mag-isa, o magnobena sa Baclaran 'pag Miyerkoles, kesa magsimba 'pag Linggo.
Okay, pagbigyan. Hindi ako huhusga na ganito ang kanilang paniniwala dahil ganoon talaga ang kanilang nararamdaman, at hindi dahil tinatamad lang sila. Marahil nga, hindi na nila feel ang maging parte ng Simbahan.
Ano ba ang requirements para maging parte ng Simbahang Katolika? Sapat na ba ang mabinyagan noong ikaw ay beybi pa, at makumpilan 'pag teen-ager na? Enough na ba ang magsimba tuwing Linggo (at the minimum)? Ayos na ba ang paniwalaan ang lahat ng itinuturo ng Simbahan, tulad ng infallibility ng Papa?
Baka nga sapat na ang mga 'yun para maging kasapi ng Simbahang Katolika.
Pero -- maaaring mali ang aking theology -- tingin ko meron pang iba kung gusto nating maging Kristiyano.
"Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay Aking mga alagad. Ito ay kung may pag-ibig kayo sa isa't isa." - Juan 13:35
'Yan ang Gospel reading noong nakaraang Linggo. Malinaw na malinaw. Pag-ibig ang ating passport. Pero hindi kung ano lang na pag-ibig. Kasi, kung ganoon, eh 'di, 'yung mga teen-ager na love-struck ay Kristiyanong-Kristiyano.
Kaya pala noong bata pa ako'y napaka-relihiyoso ko.
Balik tayo sa topic.
"Kung papaanong inibig Ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa't isa." - Juan 13:34
Ayan, mas malinaw. Walang kaduda-duda kung anong klaseng pag-ibig at dapat igawad natin.
Kakatapos ko lang pakinggan ang My Life with the Saints ni Fr. James Martin, SJ. Na-realize ko kung papano ginawang magmahal ang mga santo, ng tulad ng pagmamahal ni Kristo, gaya nina Francis ng Asisi, Mother Theresa, at Dorothy Day. Ang pag-ibig nila, lalo na sa mga itinakwil ng society, ay hindi nadama sa puso, nguni't ipinakita sa gawa.
At tulad ng mga santo, kailangang magmahal din tayo tulad ng paano tayo minahal ni Kristo. Na hindi inalintana ang sarili masilbihan lang tayo. Na inasikaso ang mga inaayawan sa lipunan. Na nagsakripisyo para tayo'y mai-angat.
'Yan, marahil, ang challenge sa Simbahan, sa ating mga Katoliko, at sa lahat ng Kristiyano.
Sapagka't sa pagmamahal tulad ni Kristo, 'di lang tayo magiging kasapi ng isang religious organization (ang pagiging Kristiyano), siguradong magiging ispirituwal din tayo.
At isang challenge na rin ito sa mga SBNR.

Sunday, February 24, 2013
Majority rules? (Divorce, Part 1)
"If everyone except you believes in or does something, isn't it just possible you could be wrong?" - Peter Wallace, Like It Is, Philippine Daily Inquirer, 10 January 2013
Tanging 'Pinas na lang ang walang batas na nagpapahintulot mag-divorce ang mag-asawa. Sabi ni G. Wallace, isa pang bansa ay ang Vatican, pero hindi raw 'yun bansa, at mga tao naman doon ay celibate, kaya hindi naman nila kailangan ng batas para sa divorce.
Naisip ko lang, ano ang ibig sabihin ni G. Wallace, na ang pagiging tama ay madadaan sa isang botohan? Na kung pinaniniwalaan ng marami, o ng lahat maliban sa 'yo, ito ang tama, ito ang katotohanan?
Bakit, noong unang panahon, ang lahat ay naniniwalang ang mundo ay "flat", pero mali 'yun, 'di ba?
Milyon-milyon ang bumoto kay Erap. Tama ba?
At ngayon, kayraming nagsasabing maganda ang Twilight Saga. Maling-mali!
So, kung ang tama o katotohanan ay hindi makukuha sa botohan, paano natin malalaman kung ang isang bagay ay tama o mali?
May nagsasabi na isang tragedy ang ginawang pananahimik si Kristo nang tanungin S'ya ni Pilato kung ang ang katotohanan (Jn 18:38). Kung sinagot lang daw sana ni Kristo, eh 'di sana, tapos na ang usapan.
Pero, matagal nang sinagot ni Kristo ang tanong ni Pilato, hindi pa man dumarating ang Huwebes Santo.
"I am the the Way, the Truth, and the Life," 'ika N'ya kay Tomas, sa Kanyang mga disipulo, at sa atin (Jn 14:6).
Ayun naman pala. Meron namang palang batayan. Hindi kailangan ng mga PCOS machines para malaman kung ano ang tama at totoo. Basahin lang natin ang sinabi ni Kristo, sapat na.
At ano ang sinabi N'ya tungkol sa diborsyo?
"Ang pinagsama nga ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao." (Mt. 18:5)
At hindi ko 'yan kinuha out of context. Basahin mo ang buong chapter at malalaman mo na ang Kanyang tinutukoy ay ang pag-aasawa at pag-di-diborsyo.
Sorry, G. Wallace, pero hindi kailangang marami ang maniwala upang ang isang bagay ay maging tama. Sa katunayan, hindi kailangang may maniwala para maging tama ang isang bagay.
Ang tama ay tama, may maniwala o wala.

Sunday, February 3, 2013
Rejection
"They rose up, drove him out of the town, and led him to the brow of the hill...to hurl him down headlong." - Luke 4:29
Konti lang ang niligawan ko noong bata pa ako, hindi dahil konti lang ang type ko, kun'di dahil sobra ang aking pagka-tyope. Super baba na nga ang aking self-confidence, paasok pa ako sa isang sitwasyong sigurado naman akong ma-ba-basted.
Ang hirap talaga ang ma-reject, 'di lamang sa panliligaw, kun'di sa lahat ng bagay. Masaklap kung hindi tinanggap ng titser mo ang iyong sagot sa kanyang tanong. Mapait kung hinindian ka ng iyong kaibigan na pautangin ka. Masama kung inayawan ka ng kumpanyang iyong i-na-apply-yan.
Kaya, hindi na ako lang nagtatangkang gumawa ng mga bagay-bagay;. ayaw na ayaw kong ma-experience ang ma-reject.
Ito ang paksa ng Gospel reading ngayong Linggo. Si Kristo ay na-reject, 'di lamang ng kung sinong tao, kun'di mismong mga kakilala N'ya, mga kaibigan, at maging mga kamag-anak. Panu naman, humihingi sila ng isa lang mirakulo, hindi pa sila pinagbigyan.
Kasi naman, feeling nila, entitled sila sa isang mirakulo. Palibhasa, nakahalubilo nila ang tatay ni Hesus. Nakalaro nila ang Kanyng mga kamag-anak. Nakakuwentuhan nila ang nanay.
Biglang sumagi sa isip ko ang divorce.
Wala namang akong experience tungkol sa diborsyo, pero, 'di ba, isang form ng rejection din 'yun?
At hindi lang 'yun rejection sa asawa, kun'di rejection na rin sa sumpaan, at, ultimately, rejection sa Diyos.
Napaka-ironic, kasi, ang second reading nitong Linggo ay ang sulat ni San Pablo sa mga taga-Korinto, 'yung sinasabing "love is patient, love is kind" at kung ano-ano pa. Isa ito sa mga paboritong reading sa kasal.
Pero, 'pag napag-uusapan na ang "divorce", nalilimutan na ang reading na ito. Nalilimutan na pinili nila ito. Nalilimutan na nila kung ano ang naging pakiramdam nila habang binabasa ito.
O baka naman hindi nakikinig.
Masakit talaga ang ma-reject. Nguni't, sa mga taong naniniwala, nakakasiguro tayong hindi tayo i-re-reject ng Diyos.
Sana, sa mga taong kasal, 'wag din nating i-reject ang ating asawa.

Subscribe to:
Posts (Atom)