Sunday, August 31, 2014

Talento

Nag-attend kami ng anticipated Mass kahapon, kaso, biglang umulan ng malakas.  Kaya, marahil, hindi na-kumpleto ang choir; ang second voice lang ang dumating.

Super distracted si Bunso.  Nainis din ako.  Gusto ko na sanang lapitan s'ya para maki-usap na tumula na lang s'ya.

Naisip ko nga na baka akalain ng mga kapit-bahay na nagtayo ng karaoke bar ang simbahan.

Pero, bakit ko naman s'ya pipigilan?  Buti pa nga ang taong ito, nagseserbisyo sa Diyos -- ibinabahagi n'ya ang kanyang talento.

Okay, hindi n'ya talent ang pagkanta.  Hindi 'yun isa sa dalawang talentong ibinigay sa kanya ng Diyos.  Pero hindi naman s'ya 'yung aliping ibinaon sa lupa ang talentong kanyang natanggap.  Sa halip, dinaragdagan pa n'ya ang mga ito.

Marahil, kung nasa karaoke bar ang taong ito, at kumanta s'ya ng "Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba", papalakpakan s'ya ng mga tao.  Pero sa simbahan, halos lahat ay napapailing.

Pero, palagay ko, sa mga oras na 'yun, pinapalakpakan s'ya ng Diyos.

No comments:

Post a Comment