Umpisa na naman ng NANOWRIMO o ang National Novel Writing Month. Ito ay nagaganap tuwing ika-Nob kada taon. Ang layunin ay makapagsulat ng limampung libong (50k) salita sa loob ng tatlumpung araw.
Siyempre, kung magagawa mo ito sa loob ng dalawampung araw, mas mabuti.
Ngayon, para magawa ko ito, magta-target ako na makapagsulat ng 1,667 words every day. Mahirap kasing isiping maaabot ko 'yung 50k. Parang pera.
Matagal ko na itong pinaghandaan. Sa katunayan, isang linggo akong nagbakasyon upang makagawa lang ng balangkas para sa event na ito.
'Yun nga lang, naubos ang oras ko sa kakapanood ng mga past shows ng AlDub.
Ready na sana ako. Hindi naman kailangang kumpleto ang paghahanda. Pwedeng, along the way, isulat ang ano mang pumasok sa isip. Tutal, first draft pa lang ito. Hindi kinakailangang makapagsulat ng masterpiece agad.
Kaso, biglang nagbago ang isip ko. Siguro sa kakapanood ng AlDub. Biglang gusto ko nang isulat at tapusin ang Pinoy kong nobela, "Excited Kasi". Matagal ko nang naisip ito, mahigit limang taon na. Medyo nasimulan ko na rin. Pero, nahinto ako. Hindi dahil sa tinamad ako, kun'di natakot akong tapusin. Baka walang magkagusto.
Hehehe. Dassalatanansens. Eh, 'di, kung ayaw kong ma-reject, eh, 'di, 'wag kong piliting ma-publish.
Pero, malay mo. Baka maganda ang kalabasan. Baka bilhin ito ng Simon & Schusler, o ma-self-publish, o ma-upload sa Wattpad. Tapos, may magkagustong movie producer at sabihing isasapelikula n'ya ang nobela ko. Ayos 'yun!
Pero, papayag lang ako kung sina Alden at Maine ang magiging bida.
No comments:
Post a Comment