"And now, the end is near...."
Hindi ko na itutuloy, baka mabaril pa ako. Newaze, alam ko namang alam na alam n'yo na kung ano ang kantang ito: Be My Lady.
Sabi nga nila, ang lahat ay may katapusan. Ang hindi ko lang alam ay kung kelan matatapos ang pagbabayad ko ng utang. 'Di natin masabi, baka bukas-makalawa ma-dial ni Bossing ang cellphone number ko. O kaya madiskubre ng Eat Bulaga si Bunso.
Kung Showtime ang makakadiskubre, malamang tuloy pa rin ang pagbabayad ko ng utang.
Nalilihis ako.
Ito na ang huling araw ng aking bakasyon. Oo nga't meron pang Sabado't Linggo, pero, officially, hanggang Biyernes na lang ang bakasyon ko. Ang ibig sabihin, bukas, pwede na akong tawagan at papuntahin sa opisina.
At least, may accomplishment ako ngayong linggo: Maliban n'ung Lunes, napanood ko ang lahat ng episode ng Kalyeserye.
Maliban doon, wala na.
Siguradong mahihirapan akong kumuha ng buwelo para sa Lunes. Affected din kasi ako ng First Law of Motion ni Pareng Isaac. Isang linggo akong at rest, kaya napakalaking force ang kailangan para maging in motion ako.
Hay! Bakit pa kasi kinain ni Adan 'yung mansanas.
On second thought, hindi naman dapat isiping parusa ang pagtratrabaho. Ang Diyos nga nagtrabaho at napagod, tayo pa kayang mga tao lamang?
Kailangan nga siguro ng tao ang magtrabaho. Pero, naniniwala ako na hindi dapat tayo i-define ng ating trabaho. 'Yun bang mas big time ka kung ikaw ay duktor, at naaangatan mo 'yung mga taong nagmamaneho ng dyip.
Sa kabilang dako naman, 'di dapat isipin ng mga nagmamaneho ng dyip na small time sila kumpara sa mga duktor.
Patas-patas lang, basta't hindi gumagawa ng masama.
Kaya, mas mabuti pa 'yung jeepney driver na nanunukli ng singkwenta sentimos kesa kay congressman na nangungurakot ng singkwentang milyones.
Kailangan talaga nating magtrabaho. 'Ika nga ni Papa Kiko, sa kanyang Laudato Si, ang trabaho ay parte ng kahulugan ng buhay dito sa mundo. Kailangan nating magtrabaho upang mapa-unlad natin ang ating sarili, at magkaroon ng personal fulfillment.
Waw! Hebi agen.
Dapat, magkaroon ang mga tatakbo sa pagka-pangulo ng mga konkretong programa ukol sa pagkakaroon ng mga trabaho para sa mamamayan. Hindi 'yung motherhood statement lamang na "tatanggalin ko ang kahirapan".
Masarap pakinggan, pero, dapat masagot nila ang tanong na "Papano?"
No comments:
Post a Comment