May lumabas na commercial sa TV kung saan ang isang insecure na musmos ang nagtanong kung tunay s'yang anak ng Mama at Papa n'ya:
ANAK: Ma, anak n'yo ba talaga ako ni Papa?
NANAY: Oo naman, anak. Bakit?
ANAK: Bakit magaling kayo ni Papa sa Math, ako hindi.
At dahil ito ay isang commercial, sanitized na ang tugon ng ina.
Pero, sa tunay na buhay, malamang iba ang magiging sagot. At ang mga ito ang aking top 5 answers:
5. NANAY: Anak, nahirapan din ako. Magaling lang akong mangopya.
4. NANAY: Anak, nahirapan din ang Papa mo. Sa kanya ka nagmana.
3. NANAY: Anak, sasabihin ko na ang totoo habang bata ka pa. Napulot ka lang namin sa kalye.
2. NANAY: Anong hindi magaling? Wala ka ngang line of 7 sa Math.
ANAK: 68 ang grade ko, Mama.
NANAY: See, hindi line of 7.
At ang number 1 sagot ng Nanay:
1. NANAY (Sabay yakap at halik sa ulo ng anak): Pang-Miss Universe talaga ang beauty ng anak ko!
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Saturday, September 29, 2018
Wednesday, September 26, 2018
Ang Mamatay Ng Dahil Sa'yo
Gusto raw palitan ni Tito Sen ang huling linya ng ating pambansang awit, mula sa "Ang mamatay ng dahil sa'yo", ay gagawing "Ang ipaglaban ang kalayaan mo." Masyado raw defeatist ang kasalukuyang linya.
Sa huli'y hindi na rin n'ya ipinagpatuloy ang mungkahing ito. Marami raw mahinang umintindi (bobo?), kaya, ayawan na.
"Ayaw n'yo? Huwag!"
Pero, bago muna nating i-dismiss ang panukalang ito, maganda rin naman sigurong suriin natin ito. Malay mo, baka nga may punto naman si Tito Sen.
Sino na nga ba ang handang magpakamatay para sa bayan?
Ayon kay Du30 Finger, hindi ang mga sundalo. Hindi raw papayag ang mga ito na pumunta sa Spratley para makipagbanatan sa mga Tsino dahil iisipin ng mga sundalong suicide mission and kanilang gagawin. Magkakaroon lang daw ng coup d'etat kung uutusan n'ya ang Hukbong Sandatahan na magtapang-tapangan sa area na 'yun.
Eh, kung walang tiwala ang Commander-in-Chief sa kanyang mga sundalo, sino pa ang gustong "mamatay ng dahil sa 'yo"?
Paano naman 'yung sinabi ni Ninoy na "The Filipino is worth dying for"? Ayan nga't gustong palitan ang mga mukha nila ni Cory sa limang-daang piso, at si Lapu-lapu ang ilalagay. 'Di kaya nagsisisi si Ninoy?
'Yung mga politiko nais daw maglingkod sa bayan? Redi ba sila?
Eh, 'yung mga opisyales nga ng Tacloban, nagsipagtakbuhan sa Maynila noong dumaan ang Yolanda.
Ang mga kabataan, ang "Pag-asa ng Bukas", ayon kay Rizal? Baka mas gugustuhin pa nilang magpakamatay para sa mga gadget nila kesa sa bayan.
Kaya, nakakalungkot. Baka nga wala nang gustong mamatay para sa bayan.
Sabagay, kahit siguro noon. Sino bang bayani ang talagang nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan? Parang iilan lang.
Pero, sa palagay ko, marami rin.
Sila ang mga ordinaryong taong lumaban sa mga mananakop, mula sa mga Kastila hanggang sa mga Hapon.
At meron ding mga taong hanggang ngayo'y lumalaban para sa ating mga karapatang pantao.
Kahit walang kalyeng naka-pangalan sa kanila.
Kaya hangga't may isang Pilipinong handang ibuwis ang kanyang buhay para sa bayan, relevant pa ring kantahin ang linyang "Ang mamatay ng dahil sa 'yo."

Sunday, September 23, 2018
Five Signs Na Malapit Nang Ma-dedo Si Du30
Nagsulputan ang mga bali-balitang may sakit daw and Panggulo, este, Pangulo, at malapit na itong mamatay. Kesyo, kaya raw s'ya nagpunta sa Israel ay upang magpagamot. Meron namang mga litratong na-post kung saan nangingitim ang kanyang mukha. O kaya'y hindi na s'ya napagkikita sa mga public occasions.
Hindi ako sang-ayon sa mga haka-hakang ito, lalo na 'yung sinasabing kaya s'ya nangingitim ay dahil wala pa s'ya sa impiyerno'y sinusunog na ang kanyang kaluluwa.
Pero may mga palatandaan naman kung talagang malapit na s'yang sumakabilang-buhay. Eto ang aking top 5 signs:
5. Pumuputi s'ya; dati na s'yang maitim.
4. Sa wakas ay napagtanto na rin n'yang mayroon pala s'yang pusong babae. (Ahahayyy!)
3. Nanalo si Bongbong sa protesta n'ya.
2. Nangumpisal si Presidente kay Bishop Villegas.
At ang number 1 senyales na malapit na s'yang ma-dedo....
1. Nangako s'yang in 3 to 6 months buhay pa siya. ("Maniwala kayo sa akin....")

Subscribe to:
Posts (Atom)