Si Du30 Finger talaga ang una naming choice para sa pagka-presidente. Sabi ko, naayos naman n'ya ang Davao. Baka sakali, maayos n'ya ang bansa.
Nawalan na ako ng gana nang ikinuwento n'ya na minura n'ya ang Papa dahil sa trapik. Proud pa s'ya nang isinasalaysay n'ya ito.
Hindi naman dahil sa ako'y Katoliko, pero kung basta ganun-ganoon lang maaaring n'yang murahin and isa sa pinakarerespetong tao sa mundo, ibig sabihin ay walang s'yang nirerespeto.
At sa isang taong may makapangyarihan, napaka-delikado noon.
Dapat Mayor Muna
Naulit pa ito nang sinabi ng ngayo'y panggulo na "dapat mayor muna ang nauna" kay Jacqueline Hamill.
Hindi lang n'ya binastos ang patay, pati ang kanyang pagkababae ay binastos din.
At hindi dahilan na "ganoon talaga ang mga lalaki magsalita".
Ang tunay na lalaki, may respeto. Gentleman 'ika nga.
From The Fullness Of The Heart
Ang (tunay) na Panginoon na ang nagsalita: [K]ung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi."- Lucas 6:45
Hindi ko naman sinasabi na kung masama ang lumalabas sa bibig ng isang tao, masama na 'yung taong 'yun. Tanging Diyos lamang talaga ang nakakakaalam kung anong klaseng tao s'ya.
Pero, ang sabi sa Bibliya: Huwag mo munang pupurihin ang isang tao hanggang hindi nagsasalita, sapagkat doon mo pa makikilala ang tunay niyang puso't diwa. - Sir 27:7
Sa Darating Na Eleksyon
Hindi ko ibinoto si Du30 Finger dahil sa mga salitang nanggaling sa bibig n'ya. At hindi naman ako nagsisisi.
Sa darating na eleksyon, ganoon din ang gagawin ko. Pakikinggan kong mabuti ang mga sinasabi ng mga kumakandidato, 'di lamang tungkol sa kampanya, kun'di pati na rin sa mga ordinaryong kuwento ng buhay.
At, hindi ko iboboto ang:
- nagsasabing sila ay para kay Panggulong Du30 Finger (Bakit, hindi ba sila para sa mamamayan?);
- ayaw makipag-debate (Paano ko sila makikilala?);
- sinabing masama para sa mga Pinoy ang sobrang demokrasya (Martial Law, okay?);
- nais ibalik ang Death Penalty (Para maging legal ang Operation Tokhang?);
- nag-premature campaigning ('Di pa nga nananalo, nandadaya na.); at,
- ang may apelyidong Marcos, Enrile, Revilla, o Ejercito.
No comments:
Post a Comment