Minsan, napadpad ako sa Facebook homepage ng isang taga-DDS.Ito 'yung tungkol sa sinabi ni Jay Sonza na napaka-dramatic daw ni Maria Ressa.
Grabe, daming comments. Ang masaklap noon, damang-dama mo ang galit ng mga nakasulat.
"Kapal ng mukha n'ya."
"Ipakulong 'yan, p#!@ng !n@ng 'yan!"
"Dapat, ipapatay 'yan."
Pero, s'yempre, hindi naman nanggaling sa vacuum ang mga 'yan. Kelan lang, 'yung panggulo nila, sinabing holdapin daw ang mga obispo, at patayin kung lumaban.
Marami pa tulad n'yan ang sinabi n'ya, kahit noon pa.
Si Hesus Ang Nag-sermon
Ibang-iba naman 'yung napakinggan ng mga nagmisa noong nakaraang Linggo.
"[I]bigin ninyo ang inyong kaaway, at gawan ninyo ng kabutihan ang namumuhi sa inyo. Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo, at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo." - Lukas 6:27-28
Sabi ng pari na nag-misa sa amin, hindi na raw n'ya kailangang mag-homily pa. Si Hesus na mismo ang nagsasalita.
Hindi Lang Pang-Katoliko...
At dahil galing ang mga salita kay Hesus, hindi masasabing ang mga binasa noong Linggo ay pang-Katoliko lamang. Pare-pareho naman ang sinasabi ng kapitulo sais, bersikulo bente-siyete hanggang bente-otso ni San Lukas, kahit ano pa ang Bibliya mo: Katoliko, Protestante, o kahit na pang-INC.
Samakatuwid, ang sinabi ni Hesus ay para sa pangkalahatan, o para sa mga naniniwala sa Kanya.
'Yun marahil ang key doon.
Kalimutan mo na ang mga pari, mga obispo, ang Papa. Tignan mo lang si Hesus.
S'ya ba ang tunay mong Panginoon?
Kung ganoon, bakit ka galit na galit sa mga taong wala namang ginawa sa 'yo?
Bakit tumatawa ka pa kapag binabastos ang isang babae?
Bakit gusto mong ipapatay ang mga taong makasalanan?
May eleks'yon o wala, kailangang mamili ka:
Sino nga ba ang Panginoon mo?
No comments:
Post a Comment