Marahil ang isa sa pinaka-unhealthy food ng mga Pinoy ay ang lechon paksiw. Ginagawa ito mula sa left over na lechon, kasama ang natirang balat (sapagka't makunat ito). Kaya naman ang lechon paksiw ay puno ng cholesterol. Dagdagan mo pa ng sauce nito, na galing sa atay ng baboy, kung kaya't puno rin ito ng uric acid. At dahil masarap ang lechon paksiw, mapapadami ka ng kain ng kanin, carbo naman. Siyempre, hindi mawawala ang malamig na Coke, sugar naman ang pinag-uusapan natin dito. Ok, Coke Zero ang iyong iinumin. Kaso, isipin mo, pag-inom mo ng malamig na softdrink gagawing sebo lahat ng kinain mong mantika.
At hindi pa natin pinag-uusapan kung ang baboy ay double dead na.
Mabuti pa ang tsitsarong bulaklak, merong kasamang tincture of garlic (sukang may bawang) upang labanan ang cholesterol.
Nabili ko lang sa SM ang lechon paksiw na aking inulam kanina. Hindi naman ako marunong magluto, lechon paksiw man o kung ano pang pagkain.
Nu'ng bata pa ako (matagal na'ng panahon ang nakakaraan), may karinderya kami sa Sta. Cruz, Manila. Ang trabaho ko dun, kapag bakasyon, ay ang maging busboy at dishwasher. Sabi ko, at least, 'pag nagpunta ako ng US ofA, may alam na akong trabaho. Araw-araw kong pinanonood ang aking Nanay na magluto, pero hindi ko talaga natutunan ito. Ayaw ko kasi 'yung pa-tantsa-tantsa. Gusto ko, 'yung eksato sa sukat lahat. Parang, pag sinabing add salt to taste, alam ko kung ilang butil ng asin ang ilalagay ko. Eh, pag tinitikman ko naman habang niluluto, hindi ko malasahan. Mainit kasi. At 'pag pinanonood ko si Nigella sa TV, 'pag sinabi n'yang a pinch of salt, eh, parang napakalaki ng kayang kurot.
Dati, nagprito ako ng bangus. Sabi nila, malalaman mo raw kung luto na kapag hindi na maingay ang mantika. Kaso, tuwing didiinan ko 'yung bangus, umiingay 'yung mantika, kaya, akala ko, hindi pa siya luto. Siguro, mga tatlumpong minuto ko niluto 'yung bangus. Kaya siguro siya mapait.
Minsan naman, nag-barbecue ako. Kaso, rare ang kinalabasan. Ok lang kasi, mula noon, hindi na ako nautusang mag-barbecue ulit.
Sabagay, ang Ate ko nga, noong bata pa kami, hindi rin marunong magluto. Ang alam lang n'yang lutuin ay miswa. Biro nga ng aking Tatay, minsang nag-init ang aking Ate ng tubig, nagkatutong pa. Pero, in fairness, marunong na siyang magluto ngayon. At masarap pa.
Pero, ako, hindi talaga matuto-tuto, kahit ano'ng gawin ko. Kumbaga, sa videoke, kahit lasing na ang mga kasama ko, sintunado pa rin ako sa kanila.
Kaya, siguro, naiinggit ako sa mga taong marunong magluto. 'Yung tipong piyanistang nakakatugtog kahit walang piyesa. Oido ang tawag d'un. Parang 'yung daga sa pelikulang Ratatouille. Mga artists ding maituturing sila. Meron mang sinusundang recipe, napapainam pa nila dahil sa pagdagdag o pagpalit ng ilang ingredients.
'Yun din siguro ang dahilang ng aking pananaba. Mahusay kasing magluto ang aking Missis. May oido rin.
Ngayon, kung matututo rin akong mag-init ng tubig na hindi nagkakatutong.
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Sunday, May 18, 2008
Sunday, May 11, 2008
Happy Mothers' Day
A man was complaining:
"Oh Lord, please have mercy on me, I work so hard. In the meantime, my wife stays at home. I would give anything if you would grant me one wish. Switch me into my wife, she's got it easy at home. I want to teach her a lesson of how tough a man's life is."
As God was listening, He felt sorry for this soul and granted his wish.
The next morning, the man awoke as a "new woman" at dawn. Under no control of his own, he embarks upon his day.
He makes lunch boxes, prepares breakfast, wakes up the kids for school, puts a load of clothes in the washer, takes the meat out of the freezer, and drives the kids to school. On his way back, he stops at the gas station, cashes a check, pays the electricity and phone bills, picks up some clothes from the cleaners, and quickly goes to the market.
It was 1: 00 o'clock already. He made the beds, took the clothes out of the washer and put another load in. He vacuumed the house, made some rice, went to pick up the kids from school, and had an argument with them on the way home.
As soon as he got home he prepared dinner, fed the kids, and washed the dirty dishes. He hung the damp clothes he had washed on the chairs because it was raining outside. Then he ran in and broke up the kids fighting.
He helped the kids with their homework, watched some TV while he ironed some clothes, gave the kids a bath and put them to sleep.
Of course there were some more duties, and somehow he managed to get them done. Finally at 9:00 o'clock he was so tired, he went to bed, and fell asleep.
The next morning he prays to God once again:
"Oh Lord, what was I thinking when I asked you to grant my wish! I can't take it anymore. I beg you please switch me back to myself, please, oh please."
Then he heard God's voice speaking to him, saying:
"Dear son, of course I'll switch you back into yourself. But there's one minor detail. You will have to wait 9 months because last night you got pregnant."
Medyo sexist ang post ko ngayon. At bakit hindi? Ngayon lang ako makakaganti.
Isipin mo, ang salitang "mother" ay synonymous sa mga salitang "home" at "love". Ang "father" naman ay synonymous sa mga salitang "house" at "discipline"; ang huli'y may 'di pa magandang connotation.
'Pag ang mga anak ko'y nagulat, nalungkot, o nagkaroon ng 'di magandang karanasan, ang bukang-bibig nila ay "Nanay ko!" In fairnes, binabanggit din naman ng nila ang aking pangalan, "Tatay ko...may lakad ako!"
Kanina, sa misa, habang pinagdarasal namin ang mga ina, biglang tumulo ang aking mga luha. Well, mababaw lang talaga ako. Pero, bigla kong naisip, ang mga taong ito, tulad ng aking ina't asawa, ay may mga napakahalagang ginampanan sa ating mga buhay. Sabi nga ng pari, sila ang nagturo sa ating tumayo, maglakad, at magdasal. At, sabi din doon, sila na nag-aruga sa atin ng siyam na buwan sa kanilang sinapupunan, nawa'y kupkupin din natin sila't arugain pagdating ng araw.
Sa lahat ng ina, Happy Mothers' Day!

Sunday, May 4, 2008
Cost of Living
Alimasag ang ulam namin ngayong hapunan. Kaya siguro sumakit ang batok ko; hindi dahil sa kakakain ng aligi, nguni't dahil sa taas ng presyo ng bilihin ngayon.
Pitong piraso ang aking binili kanina sa Hypermart, SM Bicutan. P 350 para sa lahat, so, lumalabas na tig-sikwenta kada isa. Kung itatapon ko ang aligi, mga labinlimang piso rin ang aking itinapon. P 25 para sa balat, sapagka't hindi ko rin naman makakain 'yun. (Sabi nga nila, kalahati tapon.) Kung kaya, sampung piso lang ang halaga ng aking nakain. Kasama na 'yan ang laman ng mga galamay, anim na mahahaba at dalawang lapad. Kung 'di ko sinimot 'yun, malamang limang piso lang ang halaga ng aking nakain. Tinipid ko ang mga sipit; ayaw ko namang ubusin lahat sa isang upuan lamang.
Ang aligi raw ng alimasag ay purong cholesterol. 'Di tulad ng taba ng baboy, na gagawin pang cholesterol kaya't may losses pa, ang aligi ay 100%, pure and unadulterated stroke. Anyway, tadtad naman ng bawang ang sukang aking sawsawan. Wala naman si Misis, kaya wala akong hahalikan ngayong gabi.
Gaya ng nasabi ko, mahal na ang bilihin ngayon. Buti sana kung unti-unti ang pagtaas. Kaso, masyadong mabilis. Gaya ng anak ko; nalingat lang ako, ngayo'y halos kasing-tangkad ko na.
Halimbawa na lang 'yung bigas. Noong isang buwan (may apat na linggo ang nakakaraan), P 25 ang isang kilo. Makaraan ng isang linggo, nagkaubusan ng bigas, as in wala ka talagang mabili. Noong isang linggo, P 35 ang bawa't kilo. Kanina, P 45 na. Sa isang linggo kaya, magkano na?
Sabi nga ng nagtatakal ng bigas, ang balita raw ay tataas ang gasolina ng isang piso bawa't linggo. At 'pag tumaas ang gasolina, tataas pa lalo ang bilihin. Ang presyo naman ng gasolinang itinataas nila ay ang nabili na nila may tatlong buwan na ang nakakaraan. Nasa $ 90 siguro bawa't barrel. Tubo na naman sila.
Kahit ang galunggong, na ginamit ni Tita Cory noon sa kanyang pangangampanya laban kay Marcos, ay mahal na rin. Hindi na siya pagkain ng mahihirap. Kung ngayon ginawa ang Snap Election, ano kaya ang gagamiting halimbawa upang ipakita kung paano lalong naghihirap ang mga Pinoy? Presyo ng beer? Kakaaunting nabibili ng perang padala ng mga asawa galing sa abroad? O dami ng mga taong naglilipatan na sa Sun Cellular?
Mahirap na ang buhay ngayon. 'Ika nga ng kaibigan ko, "People are dying to get into the cemeteries because of the high cost of living." Masuwerte pa ang ako't nakakabili pa ako ng alimasag. Anyway, credit card naman 'yun. Bayaran ko na lang ang minimum sa katapusan.
Pero, at least, may credit card ako. At may pambayad ng minimum. Paano kaya 'yung mga iba? 'Yung nakakarami? Kaya, tuloy, ang daming umaalis para kumita ng mas malaki. Tulad ni Madonna Decena.
'Di naman siguro kailangang mamigay ng pera ang gobyerno. 'Wag lang nilang ibulsa ang napakaraming perang galing din sa mga mahihirap. At 'wag namang masyadong kumita ang mga negosyante. Bawasan kasi nila ang kanilang pani-nyiks. Malas sa buhay 'yun.
At ako, magpapakatino na rin ako. 'Di na ako mag-uuwi ng lapis mula sa opisina.

Subscribe to:
Posts (Atom)