'Di ko alam Happy Father's Day (take note of the placing of the apostrophe) noong nakaraang Linggo. Nakapaglaba pa naman ako; akala ko makakapag-day off ako sa Father's Day. Buti na lang hindi ko schedule mamalantsa, kun'di pati 'yun nagawa ko.
Wala ring nag-text sa akin kaya 'di ko talaga alam. Siguro, wala ring bumati sa mga kaibigan ko kaya wala silang na-i-forward na text message sa akin.
Maging sa SM Bicutan, walang masyadong nakapaskil na Father's Day na pala. Hindi rin ito na-i-announce sa misa sa SM. Baka nalimutan ng pari na Father din siya.
Kaya, 'eto, nagmamaktol na naman ako. Bakit kung sa nanay ay panay ang anunsiyo nila, sa mall, radyo, maging sa simbahan. Ilang linggo pa bago dumating ang araw ng mga Nanay ay pinapaalala na sa atin na bumili ng regalo't bulaklak.
Alam ko na. Siguro kaya ganu'n na lang ang pagpapaalala sa atin ng mga komersyo dahil ang gagastos naman daw ang mga tatay. Kung sa Father's Day nga naman, alangan namang ang tatay pa rin ang gagasta. Eh, malamang-lamang naman, walang pera ang mga ina. Baka malugi pa raw ang mga establisamento sa gagastusin nilang advertisement.
Hindi naman nagkulang ang aking pamilya na batiin ako sa araw na 'yun. Pero, feeling ko kasi, parang kulang sa fanfare. Dahil kaya meron na ibang nakatokang manlibre sa amin ng araw na 'yun? Dahil hindi rin sila nabugbog sa mga paalala na malapit na ang Father's Day? Dahil ang pera nila'y nakalaang bumili ng Mangga comics? O dahil ako 'yun?
Siguro, dito mas nararapat na ang apostrophe ay pagkatapos na "s". Dahil sa mas malamang na hindi mababati ang mga tatay, at least, kung may isang bumati ng Happy Fathers' Day, hagip na kaming lahat.
Eniweys, sa lahat ng mga ama, Happy Fathers' Day!
balt,
ReplyDeleteBaka naman ahead ng isang linggo yung calendaryo mo. Dito kasi sa amin, june 21st pa yung father's day. :) -Chaks
e kasi this sunday pa (jun 21) ang father's day. :)
ReplyDelete