Saturday, September 3, 2011

Guro (Part 1)

And fit all thy sons with wings
To lend us flight with the sowing of our gifts.


- MPPA hymn

Nagkaroon ng parangal sa kanilang dating mga guro ang unang batch na aking tinuruan. Kaya, mula Pasay, tinahak ko ang EDSA, rush hour, at first Friday pa. Gumagalaw naman ang traffic, mga 5 kph ("Now, class, convert that to meters per second.") Ayun, dalawang oras ang aking naging biyahe.

Lagi akong naliligayahang makitang muli ang mga naging nakilala, mga naging kaibigan. Mga tanong, "Saan ka na ngayon?", "Kumusta?", na sinasagot naman ng "Manager sa isang multi-national corporation.", "May sariling negosyo.", "Lawyer.", "Doctor.", at iba pang kainggit-inggit.

Kaya nga ako umalis sa pagtuturo, naisip ko na 'pag dumating ang panahon at ako'y naghanap ng ibang trabaho, baka maging bossing ko pa ang mga ito.

Patay! Gagantihan ako ng mga 'yun dahil sa aking mga mahihirap na long exams, walang-patid na assignments, at mga surprise quizzes, na sa sobrang dalas ay hindi na sila surprising.

Pero, nakakasiya ding malaman ang kinalalagyan ng mga dati kong estudyante.

Merong isang duktor na sa kanilang probinsiya nag-pra-practice.

Merong isang Environmental Scientist, base sa Tate, at may research sa Los BaƱos.

Merong isang gumagawa ng mga pelikula, na nakakuha na ng dalawampu't isang (21) karangalan locally, at dalawampu't isang karangalan abroad.

Nakaka-aliw.

Naisip ko: sila ang mga tunay na successful sa buhay, mga taong masaya sa kanilang ginagawa. Sila na napayabong ang kanilang mga talento't kakayahan, at ngayo'y "ibinabalik" sa bansa at sa mundo, sa pamamagitan ng kanilang pagsisilbi.

Naisip ko rin: hindi nasayang sa kanila ang ginastos ng bayan.

No comments:

Post a Comment