Kamakailan, pinapasok ng titser ni Panganay ang mga estudyante n'ya, isang Linggo ng gabi, sa may Makati. Mag-se-set up daw ng exhibit, bilang exam nila.
Pero, ang kuwento ni Panganay, wala naman daw silang ginawa. Sa halip, 'yung mga kasamahan ni titser ang nagtrabaho.
Tapos nito, pinapasok ulit sila noong Huwebes, para sa kanilang finals.
Alas-onse natapos ang isang finals ni Panganay. Alas-dos naman 'yung klase nitong nasabing titser. Kaya, mahaba-haba din ang hinintay ng aking anak. Napagastos pa tuloy ng pananghalian.
Dumating ang alas-dos, at naghintay ang klase. Late si titser, mga kinse minutos. 'Pag dating, nakipagkuwentuhan sa ilang mga estudyante.
So, si Panganay, nagtanong, "Sir, ano ang gagagawin natin?"
Tuloy si titser sa pakikipag-usap sa ibang estudyante. Na-isnab si Anak.
"Sir, ano ang gagawin natin?"
Wiz narinig si titser.
Hintay...hintay...hintay....
"Sir, ano ang gagawin natin?" Ngayon, hindi lang si Panganay ang nagtanong.
Aba, parang walang narinig ang titser.
Quarter to three....
"Sir, pwede na akong umalis? May klase pa ako ng three," sabi ng isa.
Tumingin si titser sa kanya.
"Yes, sir, aalis na rin ako. May klase rin ako," wika naman ng isa pa.
"Sige, kung umalis kayo, wala kayong finals."
Alas-tres....
"Sir, kailangan ko na talagang umalis. May pasok pa ako."
"Ako rin, sir."
"Okay," sabi ni titser. "Let's all leave."
Meralco Kilo-WHAT??? Ano ba namang titser ito? Mula alas-onse hanggang alas-tres, walang nangyari sa buhay ni Panganay. Apat na oras ang nasayang, at hindi na maibabalik pang muli.
Ewan ko ba, bakit merong mga gurong gan'un. Kung ano ang maisipang ipagawa sa mga mag-aaral, na wala namang katuturan.
Meron naman iba d'yan, pa-terror, na iniisip nila'y hindi sila magaling magturo kung maraming nakakapasa. Kaya't natutuwa sila kung maraming bumabagsak.
'Di ko alam kung ano ang gusto nilang palabasin. Parang, akala nila, sila ang hari sa mundong ito.
Well, sa tutuusin, sila nga ang hari sa classroom. Ang kaso, masyado nilang inaabuso ang kanilang authority.
Nalimutan na nilang mga titser nila. At sa lahat ng oras, sila'y nagtuturo.
'Di lamang sa kanilang mga lectures, pati na rin sa kanilang mga actions.
No comments:
Post a Comment