Limang araw na ang nakakalipas since New Year, at ngayon pa lang ako gagawa ng aking New Year's Resolution. Huli man daw at magaling, huli pa rin.
Pero, bago ako gumawa ng listahan, tinignan ko muna: Ano nga ba talaga ang New Year's Resolution? At saan pa ako maghahanap kun'di sa pinaka-authoritative na source of information: ang Wikipedia.
Sabi doon, ang New Year's Resolution ay isang pangako para sa self-improvement o "something slightly nice."
Sa totoo lang, hindi ko masyadong naintindihan 'yung "something slightly nice".
Pero ang talagang totoo, hindi ko s'ya nainitindihan.
Marami na rin akong nababasang mga New Year's Resolution, kung minsan umaabot ng dalawampung pangako. May iba pa nga d'yan, nag-re-recommend ng New Year's Resolution para sa ibang tao, lalong-lalo na para sa Presidente o para sa mga artista.
Ang success rate naman ay hindi lalampas ng 25%.
Kaya hindi ako gagawa ng sampung resolutions sa taong ito. Isa nga lang, napapako pa. Tatlo na lang ang aking gagawin. Mag-succeed man ako sa isa, mas mataas na ang success rate ko sa average.
Ang una kong kong ipinapangako ay mag-po-post ako dito at least twice a month. Magsusulat ako sa una't ikatlong linggo ng buwan.
Ngayon, para matupad ko agad ang aking unang resolution, itututuloy ko ang topic na 'to sa ibang post.
Kaya, abangan ang susunod na kabanata.
Nawa'y maging blessed ang taong 2014 sa inyo.
No comments:
Post a Comment