Amateurish ang pagtugtog, masyadong mabilis, at walang feelings, 'ika nga.
Biglang tumayo at umalis si Jim, kasama ang isa pang lalaki. Tapos, nandun na silang dalawa sa isang stage, si Jim ay may dalang banduria at ang kasama naman n'ya'y may gitara.
Tumugtog si Jim ng ilang nota ng "Show Me A Smile" at huminto. Maganda s'yempre ang kanyang pagtugtog. Napaka-professional. Mabagal, at kahit na maikli lang ang kanyang tinugtog, damang-dama mo ang feelings ng kanta.
Huminto si Jim dahil nais n'yang sumunod sa kanya ang unang nag-ba-banduria. Hindi nagmamayabang o naiinis ang taga-APO, sa halip ay parang matiyagang tinuturuan n'ya 'yung mama.
Nang hindi sumunod ang tinuturuan, tumugtog naman ang kasama ni Jim. Napakaganda rin ng pagtugtog n'ya.
Tapos, nagising na ako.
Pinag-trip-an ko naman ang panaginip ko. Sabi ko, "Dear God, ano ang ibig sabihin ng panaginig kong ito?"
Biglang naalala ko: kagabi'y tinuruan ko si Bunso sa Math, limits ang pinag-aaralan nila.
Ako ang tutor ni Bunso, sa Math, Science, English, Pilipino, Art, at halos sa lahat na ng subjects.
Madalas nag-aaway kami. Nagbabangayan. Makailan beses ko na s'yang napalo. May mga pagkakataon na inihahagis ko ang kanyang libro, pero hindi naman sa kanya. Minsan, pinupunit ko pa ang kanyang ginawa, na sabi naman n'yang ayaw na ayaw n'yang ginagawa ko 'yun.
Ilan taon na rin akong nagtuturo sa kanya, mula pa nang bigyan siya ng homework ng titser, halos sampung taon na ang nakakaraan. Pero, mas madalas na kami'y nagkakasigawan kesa nagkakaturuan.
Kung naman hindi s'ya inaantok, madali n'yang naiintindihan ang topic, at kung magkagayon, mabilis ang aming pag-aaral. At sa mga pagkakataong ito, nagkukuwento s'ya sa akin, tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa school, tungkol sa mga kaibigan, at tungkol sa kanyang mga pangarap.
Naisip ko tuloy na nagiging bonding time na rin namin ang paggawa ng homework.
Tapos, naisip ko rin na malapit nang magtapos ng high school si Bunso. Marahil, pagdating ng College, mangilan-ngilan na lang ang pagkakataong matulungan ko s'ya.
At kung hindi na s'ya magpaturo, magkakaroon pa kaya s'ya ng oras sa akin upang magkwento?
Naalala ko tuloy 'yung aking panaginip. Matiyagang nagturo si Jim dahil gusto n'yang matuto 'yung aming kasamahan.
Dapat, ganoon din ang aking ginawa kay Bunso. Hindi dapat naging mabilis ang pag-init ng aking ulo. Mas nakinig pa dapat ako. Mas naging matiyaga pa sana ako.
Parang si Jim sa aking panaginip.
At nang sa ganoon, hindi lang sa kanta ang "Show Me A Smile".
Ngingiti kami t'wing maaalala namin ang mga panahong gumagawa kami ng homework.
No comments:
Post a Comment