Friday, February 14, 2014

What Is Love?

NOTE: Unang napakinggan ko ito sa radyo, DWLL - The Mellow Touch, noong second year High School ako.  Madalas, pinapasok ito sa intro ng kantang Colour My World ng Chicago o sa interlude ng If I Should Love Again ni Barry Manilow.  Mula noon, inaabang-abangan ko s'ya upang ma-transcribe ko sa papel.  Nabuo ko noong fifth year College na ako.  Ang kaso, nawala ang aking kopya.  Buti na lang at may Internet, kaya, ilang search lang nahanap ko na s'ya.  Galing pala ito sa isang recording ng isang Amerikanong DJ, si Tom Clay.

Happy Valentine's Day sa lahat!



What is love?

Is there really such a thing? Is... is love selfish, just a need fulfilled... someone to fulfill your need?

I think I know what love is. I can see you all now, waiting for the answer... right?

Love... is when, well, it's when you really don't care about yourself as much as you do the other person. In other words, it's not so much for the pleasure she gives to you, it's because you have someone to give pleasure to... someone that, that needs you. Maybe that's love... unselfish love.

It's like... when you're weary, and... and feeling small, right?  When tears are in her eyes, and you would dry them all. 

That's love.

Sunday, February 9, 2014

The "More Humble" Purchase (New Year's Resolution - Part 3)

Hinahanap ko sa Facebook 'yung isang post ng kaibigan, na sinasabi n'ya ang tatlong criteria bago n'ya bilhin ang isang bagay.  Hindi ko na makita ang isinulat n'ya, pero ito ang naaalala ko:

1.  Kailangan ko ba ito?

2.  Afford ko ba ito?

3.  Gusto ba ng Diyos na bilhin ko ito?

Madalas ay "oo" ang sagot natin sa dalawang unang tanong.

"Oo, kailangan ko 'yung bagong iPhone 5.   Mahina na kasi ang baterya ng aking Samsung Galaxy Note."

"Oo, kailangan kong bumili ng Fortuner.  Tumataas na ang pagbaha sa mga dinadaanan ko."

"Oo, kailangan ko 'yung mas malaking TV.  'Yung HD.  Para mas magandang manood ng Got To Believe."

At ngayong uso na ang Buy Now, Pay Three Months Later, at meron pang 0% interest for twelve months, mai-isip nating kayang-kaya natin ang mga nais nating bilhin.

'Yung ikatlong tanong ang mahirap sagutin.

Paano nga ba natin malalaman kung nais ng Diyos mapasa-atin ang isang bagay?

Meron ba tayong maririnig na boses na nagsasabing, "Bilhin mo yan! Bilhin mo yan!"?

Lagi naman nating naririnig 'yung boses na 'yan.  Hindi nga lang galing sa Diyos.

Siguro.

Nabasa ko ang "listahan" ng New Year's Resolution ni Pope Francis.  Marahil, sa halip na hintayin ko ang bulong ng Diyos, susundin ko na lang ang winika ng Papa: Kung may bibilhin ako, pipiliin ko ang "more humble" purchase.

Kaya kung ang pinagpipilian ko ay iPhone o Samsung, bibilhin ko 'yung MyPhone.  May TV pa.

Kung iniisip kong bumili ng Fortuner o Tucson ("too-son" daw ang pronounciation), bibili ako ng Lancer, second hand, 1992 model.  May Wheeler's naman, kaya hindi problema ang pagtirik.

At kung pino-problema kung saan ako kakain, sa Vikings o sa Marriott, kakain ako sa bahay.  Mas masarap pa.

Sa simpleng criteria (criterium?) lang na 'yan, malalaman ko na kung bibilhin o pagkakagastusan ang isang bagay o hindi.

At hindi ako malalayo sa kasagutan sa ikatlong tanong.

Sunday, February 2, 2014

New Year's Resolution 2014 (Part 2)

Asar na asar si Senyorita Roces, guro ng Spanish 1, sa kanyang estudyanteng si Pedro.  Paano naman, panay ang daldal ni Pedro sa kanyang katabi, hindi nakikinig sa mga lessons.

Minsan, tinawag ng titser ang binata.

"Pedro!"

"Si, Senyora?"

Nagpanting ang tenga ng guro.  Ilang beses ba  n'yang uulit-ulitin na ang dapat na tawag sa kanya ay "senyorita" at hindi "senyora"?  Hindi na nakapagpigil kaya't nasigawan n'ya si Pedro.

"Tonto!"

Walang kakurap-kurap na sumagot si Pedro.

"Tonto.  Tontas, tonta, tontamos, tontais, tontan!"

------

May tatlumpung taon na rin n'ung huli akong nag-aral ng Espanyol.  Hindi pa na-re-repeal ang Spanish Law, kaya't required naming kunin 'yun.

Sayang din naman, kasi, noong huling semester ko na, hindi ko na kailangang mag-translate sa aking utak kapag nagbabasa sa Spanish.

Kelan lang, napanood ko sa TV na upang makaiwas sa dementia, kailangan ng utak ang mag-exercise.  At ang isang mahusay na paraan ay ang matutuo ng bagong wika.

Okay, okay, hindi naman talagang bago sa akin ang Kastila.

Una'y dalawang taon ko itong napag-aralan, kahit na matagal na.

Ikalawa nama'y marahil mahigit sa limampung porsiyento ng mga salita sa Pilipino ay galing sa Espanyol.

At anong kalokohan naman itong mag-aaral ng bagong wika?  Eh, Inggles nga lang palpak na ako.

Pero, ayaw kong tumanda -- este, mas tumanda -- ng ulyanin.

Makakalimutin na nga ako.  Madalas, hindi ko maaalala kung nakapagdasal na kami bago kumain.  Nalilimutan ko na ang pangalan ng mga kaibigan, kamag-anak, at kakilala.

Pero, ang mga kaaway, hinding-hindi ko malilimutan.

Nalalayo ako.

Hindi ko tatawaging New Year's Resolution, nguni't isang objective ito:  pag-aaralan kong muli ang wikang Kastila,  hindi naman upang makapagsalita, kun'di upang makapagbasa.

Upang mabasa't maintindihan ang mga paborito kong Latin songs.

Upang mabasa ko ang mga tula sa MRT.

At, ang ultimate, upang mabasa ko ang Noli at Fili sa orihinal na Kastila.

'Pag hindi pa naman na-stretch at na-exercise ang utak ko,  yo no se lo que se!