Hinahanap ko sa Facebook 'yung isang post ng kaibigan, na sinasabi n'ya ang tatlong criteria bago n'ya bilhin ang isang bagay. Hindi ko na makita ang isinulat n'ya, pero ito ang naaalala ko:
1. Kailangan ko ba ito?
2. Afford ko ba ito?
3. Gusto ba ng Diyos na bilhin ko ito?
Madalas ay "oo" ang sagot natin sa dalawang unang tanong.
"Oo, kailangan ko 'yung bagong iPhone 5. Mahina na kasi ang baterya ng aking Samsung Galaxy Note."
"Oo, kailangan kong bumili ng Fortuner. Tumataas na ang pagbaha sa mga dinadaanan ko."
"Oo, kailangan ko 'yung mas malaking TV. 'Yung HD. Para mas magandang manood ng Got To Believe."
At ngayong uso na ang Buy Now, Pay Three Months Later, at meron pang 0% interest for twelve months, mai-isip nating kayang-kaya natin ang mga nais nating bilhin.
'Yung ikatlong tanong ang mahirap sagutin.
Paano nga ba natin malalaman kung nais ng Diyos mapasa-atin ang isang bagay?
Meron ba tayong maririnig na boses na nagsasabing, "Bilhin mo yan! Bilhin mo yan!"?
Lagi naman nating naririnig 'yung boses na 'yan. Hindi nga lang galing sa Diyos.
Siguro.
Nabasa ko ang "listahan" ng New Year's Resolution ni Pope Francis. Marahil, sa halip na hintayin ko ang bulong ng Diyos, susundin ko na lang ang winika ng Papa: Kung may bibilhin ako, pipiliin ko ang "more humble" purchase.
Kaya kung ang pinagpipilian ko ay iPhone o Samsung, bibilhin ko 'yung MyPhone. May TV pa.
Kung iniisip kong bumili ng Fortuner o Tucson ("too-son" daw ang pronounciation), bibili ako ng Lancer, second hand, 1992 model. May Wheeler's naman, kaya hindi problema ang pagtirik.
At kung pino-problema kung saan ako kakain, sa Vikings o sa Marriott, kakain ako sa bahay. Mas masarap pa.
Sa simpleng criteria (criterium?) lang na 'yan, malalaman ko na kung bibilhin o pagkakagastusan ang isang bagay o hindi.
At hindi ako malalayo sa kasagutan sa ikatlong tanong.
No comments:
Post a Comment