Kamakailan lang, nag-suggest si DU30 Finger na palitan ang pangalan ng ating pinakamamahal na bansa. Wala nga lang s'yang originality dahil ang gusto n'yang pangalan ay iminungkahi na rin ng dati ring panggulo, si the Unreal McCoy.
Hindi naman sa inaayawan ko ang suggestion, pero, dahil tayo ay nasa isang demokrasya at wala sa isang diktadura.... Teka, mali 'ata ako ng bansa.
Ne-waze, ang gusto ko lang sana ay dumami ang mga suggestions para makapili tayo ng pinakamagandang pangalan. Brainstorming baga, kung saan isinasaad na "quantity breeds quality".
At kung ang akala ninyo ang pinagsasasabi ko ay tungkol sa pag-aalaga ng manok na pansabong, 'wag nyo nang ituloy ang pagbabasa at baka sumakit lang ang ulo n'yo.
Kung kaya, maliban sa "Maharlika", narito ang aking mga mungkahing bagong pangalan ng ating republika:
Number 5: Maalikaya
Mga Misis, kung natawa si Mister dito, magduda na kayo.
Number 4: Republika ng Cronus
At ang tawag sa mga mamamayan nito ay Cronies.
Number 3: Republika ng Independyenteng Pilipinas
Ang isang impetus upang palitan ang pangalan ay dahil nanggaling daw ito sa pangalan ng isang Kastilang hari, at ang salitang "Pilipinas" ay may connotation na colony pa rin tayo ng España (yung bansa, hindi 'yung kalye). Eh, 'di, lagyan natin ng salitang Independyente upang ipakita sa buong mundo na malaya na tayo. (Malapit na nga lang mamatay.)
Number 2: Hacienda Pilipinas
'Ika nga ni Brother Bo, and Pilipinas ay isang napakalaking Hacienda dahil lagi na lang tayong umaasa sa haciendero (presidente) upang lutasin ang ating mga problema.
At ang Number 1 na bagong pangalan ng Pilipinas: Feilubin, province of China.
No comments:
Post a Comment