Nanood kami kagabi ng "Get Smart". Maluwag sa Premiere, at dahil pareho naman ang bayad ng taas at baba, doon kami naupo.
Sa last full show kami nanood. So, nang ipinakita na si Dolphy, nagsimula na kaming tumayo; kakantahin na ang "Lupang Hinirang" (NOTE: Hindi po siya "Bayang Magiliw".) Ang lahat ay tumayo upang magbigay pugay sa Pambansang Awit.
Sa aming harapan, may isang lalaki ang nakikipag-usap sa kanyang cell phone. Kalagitnaan na ng Awit, tuloy pa rin ang kanyang paggamit ng cell phone. 'Saktong nasa likod n'ya si Misis. Hindi 'ata nakatiis, kinalabit ni Misis 'yung mama, tapos itinuro ang screen. So, napilitang ihinto n'ung mama 'yung kanyang pakikipag-usap.
Na'ng ipinalabas na ang unang pakita, lumabas 'yung mama upang ipagpatuloy ang kanyang pakikipag-usap. Pero, bago s'ya umalis, nilingon muna n'ya si Misis. 'Ika ng aking panganay, "Ang sama ng tingin kay Nanay!"
Bakit nga ganun? Ang mga tao'y tumatayo kapag pinatugtog na ang Pambansang Awit. Pero, ilan ang kumakanta? Ilan ang naglalagay ng kanilang kanang kamay sa ibabaw ng kanilang mga puso? Ilan ang makakakanta ng Awit ng hindi nabubulol o hindi nagkakamali?
Ilan ang tunay na nagbibigay respeto sa ating Pambansang Awit?
Nakakalungkot. Maraming maingay sa Pilipinas, na nagsasabing wala nang pag-asa ang bansa, na lahat ay nagkakanya-kanya, na ang mga Pilipino ang may pinakamasamang ugali sa buong mundo. Kaso, ang mga ito ang hindi nagbibigay respeto sa ating bansa. Ang mga ito ang nabu-bwisit kung bakit isinisingit ang Pambansang Awit bago ipalabas ang last full show.
'Ika nga ni Kristo, paano ka mapagkakatiwalaan sa mga malalaking bagay kung hindi ka mapagkatiwalaan sa mga maliliit? Kung hindi mo ma-respeto ang Pambansang Awit, na hindi lalagpas ng limang minutong patugtugin, paano mo marerespeto ang bansang sumasagisag dito?
At kung hindi mo marerespeto ang bansang Pilipinas, bakit ka pa nandito?
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Wednesday, June 25, 2008
Sunday, June 15, 2008
Hapi Erpats' Dey
Sa mga habulin at pinapantansiya,
mga guwapo at macho,
mga makisig at maginoo,
mga cute,
mga crush ng bayan:
Ito ang inyong PINUNO
na bumabati ng
Happy Fathers' Day!
Bakit nga parang natatabunan lagi ng Happy Mothers' Day ang Happy Fathers' Day? At least, dito sa Pilipinas. Kahit ano'ng gawin ng SM na pasikatin ang Fathers' Day, mas marami pa ring nakukuhang regalo't blow out ang mga ina. Siguro, nag-aalangang manghingi ang mga anak ng pera sa kanilang Tatay para bumili ng necktie o universal remote control. It's the thought that counts naman, 'di ba?
Kawawa nga naman kaming mga Tatay. Napaka-sexist naman kung ang tingin lang sa amin ay taga-bigay ng pera sa mga anak at, lalong-lalo na, sa asawa.
Kelan lang nakapanood ako ng binyagan sa Shrine na malapit sa amin. Bilang huling bahagi ng seremonyas, tinawag sa harap ang mga ama ng mga binibinyagan upang tanggapin ang kandilang sinindihan at ipasa sa kani-kanilang mga asawa, kumpare't kumare. Sinabi ng pari, 'yan daw ay dahil ang mga ama ang magbibigay ng liwanag sa kanilang mga anak.
Ayan, ha? Ang ama ang ilaw ng tahanan, at hindi ang mga ina.
Oops! Sana hindi ito mabasa ng aking asawa; baka awayin n'ya ako.
'Wag na nating pagtalunan pa kung sino ang dapat maging ilaw ng tahanan. Dapat pareho, ang ina at ang ama. 'Di pwede ang ama ay 'di makialam sa pagpapalaki ng mga bata. O solohin ng ina ang responsibilidad na 'yun. Malaki ang epekto kung isa lang ang gumagawa noon.
Saan ko ba nabasa 'yun? May epekto raw ang ama sa sexuality ng kanilang mga anak. Kung ang ama ay malayo sa kanyang pamilya, 'di lamang sa pisikal na distansya nguni't pati na rin sa emosyon, ang anak na babae'y nagiging tibo at ang anak na lalake'y nagiging bading. Kumbaga, pinipilit palitan ng anak na babae ang pagkawala ng kanyang ama, samantalang ayaw ng anak na lalaki na maging katulad n'ya ang kanyang tatay.
Marami na rin akong kilalang bading na galit na galit sa kanilang mga ama. Hindi ko alam kung naging bading sila dahil sa relasyon nila sa kanilang tatay, o ipinanganak na sila ng ganun, o may hindi magandang karanasan sila noong sila'y bata pa. Pero, parang totoo nga na naging ganu'n sila dahil sa kanilang 'di-magandang relasyon sa kanilang mga ama.
Sa aking palagay, ang araw na ito'y hindi lamang upang ipakita natin ang ating pasasalamat sa ating mga ama, kun'di, marahil, upang ipaalala din sa atin, mga tatay, na dapat ay maging karapat-dapat tayong tawaging mga ama.
Kaya sa mga humahabol at nagpapantasya, sa na-guwa-guwapuhan at nama-macho-han, sa nakyu-cute-an at nagkaka-crush sa akin, pasensya kayo 'pagka't ako'y taken na. Humagulgol man kayo d'yan, 'di ko kayo papansinin.
At sa mga umiiling habang binabasa ang huling talata, pagbigyan n'yo na ako. Tutal, araw ko ngayon.

Friday, June 6, 2008
Duet
Kay sarap ng biyahe namin papuntang LAX, galing ng MNL. Business class, umiinom ng red wine, habang nakikikinig kay Frank Sinatra.
Inuulit ko po, hindi ako isang government employee; ako'y isang hamak na empleyado ng isang airline. Ito ay aming benepisyo, ang makarating sa US of A sa halagang Philippine Pesos 890 only. 'Ika nga sa amin, fly free - marry me. Kaso, may asawa na ako, eh. Pero, maraming naghahanap sa amin. =)
Gaya ng sabi ko, pinakikinggan ko ang mga kanta ni Frank, mga awit na pinasikat n'ya mula early 40's hanggang 90's.
Pinakikinggan ko ngayon ang kantang "Something Stupid", na ka-duet n'ya ang kanyang anak na si Nancy. Ito lang 'ata ang kantang nag-number 1 na mag-ama ang kumanta.
Gustong-gusto ko ang blending ng mag-amang ito. Si Nancy ay nag-se-second voice samantalang si Frank ang melody. Tingin ko, kung wala si Nancy, magiging boring ang kantang ito. Sa halip, lalong umangat ang pagkanta ni Frankie.
Gusto ko ang arrangement ng mag-ama, 'di gaya ng mga napapanood ko sa TV t'wing Linggo ng tanghali. Although magagaling ang mga mang-aawit doon, palibhasa mga diva (at divo?) sila, nagkakanya-kanya sa pagkanta. Palakasan ng boses. May biglang tataas ang tono. May isang magpapasikat. Walang blending o arrangement na masasabi. Para silang Baroque music; iba't ibang melody ang maririnig mo ng sabay-sabay.
Mayroon akong mga CD ni Frank, ang "Duets" at "Duets II". May kasama si Frank sa lahat ng kanta doon, at mga sikat na mang-aawit. Kaso, 'di ko gusto ang pagkakagawa. Parang gan'un din, walang blending. Salitan lang sila ng pagkanta, tapos, magsasabay. Pero, 'di talaga magkasabay. May kanya-kanyang bersiyon sa pagkanta.
D'yan ako nabibilib kay Dolphy, sa kanyang pag-awit. Kung solo lang siya, hindi maganda. Pero kung may ka-duet s'ya, nag-se-second voice si Dolphy, umaangat ang kanta, at hindi ang mga kumakanta.
Gan'un din siguro sa mag-asawa, sa trabaho, o sa bansa. Hindi 'yung "nagpapataasan ng ihi". Lahat magaling. Ang tao ang umaangat, hindi 'yung resulta ng trabaho. At dahil may umaangat, may bumababa. May natatapakan. Ang resulta, samaan ng loob. Gantihan. Tirahan.
Tulad sa pamilya, gusto ng lalaki s'ya lang ang pinagsisilbihan, s'ya lang ang gumagawa ng desisyon. Kung ano ang gusto n'ya masusunod.
Sa trabaho naman, gusto ng isa s'ya lang ang nakakaalam ng trabaho. Ibig ng boss sa kanya lahat ng glory kapag may magandang nangyari, at sisi naman sa mga tao n'ya 'pag pumalpak.
Sa bansa, gusto ng lahat ng pulitiko na sila ang maging lider, walang follower. Magpapabango, mag-iingay, babatikusin ang nakaupo. Wala namang nagagawang ikabubuti ng bansa.
Siguro nga, kailangan nating tanggapin na kung minsan second voice tayo, kung minsan solo, at kung minsan panay rest ang ating nota. At kahit Baroque music ang ating tinutugtog, basta't may harmony kay ganda pa ring pakinggan. Isang masterpiece ang kalalabasan.
Kay sarap nitong blue chees na ipinahid sa cracker at itutulak ng red wine habang kumakanta si Frank ng "New York, New York". Parang sa pelikulang "Ratatouille", ipinipikit ko ang aking mata upang lasahan at pakiramdaman ang aking kinakain.
Well, all good things must end, 'ika nga nila. Ubos na ang keso't alak. At si Frank Sinatra'y kumakanta ng "My Way". Panahon na para ilipat ang channel.

Sunday, June 1, 2008
Pambansang Araw ng Watawat
Ika-27 ng Mayo, 2008. Nakapila ako sa Immigration ng US of A, nagtatangkang mabigyan ng pahintulot na makuha ko ang aking mga checked-in baggages at makasakay ng taksi sa labas. Ito ang ikatlong pagkakataong makapasok sa bansang ito sa loob ng dalawang buwan. Inuulit ko, hindi po ako isang government employee; ako po ay isang hamak na empleyado ng isang airline. Ang naunang dalawang punta ko'y dahil sa trabaho. Ngayon nama'y dahil sa bakasyon.
Mahaba ang pila ngayon. Sa paghihintay, lumingon-lingon ako sa paligid-ligid, upang makakita ng kung anu-ano'ng kanais-nais na tanawin. Napansin ko ang naglalakihang mga watawat (bandera, flag, atb.) ng Amerika na nakasabit. Dahil malayo pa ako sa Immigration Officer, at na-coach ko na ang aking mga anak kung ano ang sasabihin sa kanya, naisipan kong pag-aralan ang watawat. Labintatlong stripes meron, na sumasagisag sa labintatlong colonial mentalities, este, colonial states pala. Limampung estrelya (stars), na sumasagisag sa limampung states ng United of America. Kay ganda ng pagkakaayos ng mga estrelya: may limang linyang tig-anim na estrelya, at apat na linya na tig-lima. Kung kaya ang suma-total ay 5 x 6 + 4 x 5 = (using MDAS) 30 + 20 = 50. Malinis ang pagkaayos, horizontally and diagonally.
Bigla ko tuloy naisip: kaya siguro hindi magiging state ang Pilipinas. Paano pa maiaayos ang mga estrelya? Pero, knowing the Pinoys, sigurado ako na i-i-insist ng mga ito na dapat laging may estrelya sa flagpole. Kun'di naman, may isang malaking estrelya sa ginta ng mga stripes. Pero meron na ring mga solusyon kung magdadagdag ng estados ang Unidos. Nandoon na nga sa Wikipedia, eh.
Naisip ko rin: ika-27 ng Mayo, ika-pito ng gabi, nakapila ako. Ika-28 na ng Mayo sa Pilipinas. At doon, idineklara ang Pambansang Araw ng Watawat. Hinihikayat ang mga tao na i-display ang watawat mula sa araw na ito hanggang sa Araw ng Kalayaan.
Ang watawat daw natin ay kakaiba, sapagka't maaari itong baligtarin sa panahon ng digmaan. Litong-lito naman ako kung paano dapat isabit ang watawat sa dingding. Ang sabi, dapat ang asul ay nasa kaliwa ng tumitingin kung payapa ang panahon, at sa kaliwa ang pula kung panahon naman ng giyera. Paano kung sa mga malls, na kung saan kinakabit nila sa pintuan na gawa sa salamin? Sabagay, p'wede rin pala. Pagpasok ng mga tao, sa kaliwa nila ang kulay asul ng watawat, kaya mapayapa silang papasok sa mall. Pag labas naman nila, sa kanilang kaliwa ang kulay pula; mag-gi-giyera sila dahil sa dami ng mga pinamili ni asawa.
Ang kulay bughaw, o blue, ay nagsisimbolo sa kapayapaan, at ang pula ay para sa kabayanihan at katapangan ng mga Pilipino. Ang turo sa amin noon, ang puti naman ay nagpapahiwatig sa kapurian ng mga Pinoy. Tunay na puti ito, hindi dirty white. 'Di ko lang alam ang ibig sabihin ng dilaw.
Ang walong rays ng araw ay nagsisimbolo sa walong probinsiyang naghimagsik laban sa mga Kastila noon. 'Di ko memoryado ang mga ito. Alam mo naman, hanggang pito lang ang natatandaan ng ating utak. At ang tatlong estrelya ay sumasagisag sa Luzon, Visaya at Mindanao. Ngayon, kung ang pangalan mo ay Luzviminda, isang estrelya lang ang para sa'yo.
Ang isa pang simbolo ng ating watawat, na sa aking palagay ay nalilimutan ng marami, ay ang trayanggulo o tatsulok na may pare-parehong sukat ang tabi. Isa itong isoceles triangle na nangangahulugan ng pagkakapantay-pantay at kapatiran ng mga Pilipino.
Maraming naglabasang usapin kung paano ipapakita ang paggalang natin sa ating watawat. Ito ay sanhi ng pagkakaroon ng proklamasyon ng Pambansang Araw ng Watawat. Sa usaping ito, nariyan ang nagsasabing dapat palitan ang watatawat kung ito ay luma't gula-gulanit na. Meron naman nagsasabi na 'wag gagamitin ang disenyo ng watawat sa damit. Paano naman kaya kung ikaw ay Olympian o representative sa Miss Universe?
Sapagka't ako'y isang Pinoy, makikisawsaw din ako sa usapang ito.
Sa aking palagay, maipapakita mo ang paggalang sa watawat kung susundin mo ang kahulugan ng bawa't bahagi ng ating watawat:
- Kung ikaw ay nagnanakaw sa kaban ng mamamayan, hindi mo iginagalang ang watawat.
- Kung alam mo na may maling ginagawa ang iyong pinuno sa pamahalaan, at pinapapabayaan mo lang ito't wala kang imik, o kaya, mas masahol pa, ikaw pa ang nangungunang manuhol upang mapagbigyan ang sarili mong interes, hindi mo iginagalang ang watawat.
- Kung ikaw ay isang pulis at huhulihin mo ang mga mahihirap nguni't hahayaan mo ang mga mayayaman, o isa kang judge at paparuasahan mo ang isang tao dahil siya ay mahirap, hindi mo iginagalang ang watawat.
- Kung ikaw ay isang waiter at mas pinagsisilbihan mo ang isang foreigner kesa sa isang Pinoy dahil mas malaki ang ibinibigay na tip ng una, hindi mo iginagalang ang watawat.
- Kung ikaw ay isang Kristiyano at pag-iisipan mo ng masama ang mga Muslim, o isa kang Muslim na pag-iisipan ng masama ang mga Kristiyano, o sinasabi mong lahat ng mga Bisaya ay katulong, lahat ng Bicolana ay pakawala, lahat ng Kapampangan ay may "dugong aso", at iba pang prejudice dahil ang isang tao ay galing sa isang probinsiya, hindi mo iginagalang ang watawat.
- Kung ikaw ay isang negosyante na nagpapasweldo sa iyong mga empleyado na hindi sapat ang halaga at hindi ibinibihay ang mga benepisyo, hindi mo iginagalang ang watawat.
- Kung ikaw ay isang empleyado na nagnanakaw sa iyong kumpanya, tulad ng pagkakaroon ng mahabang lunch break, pag-uwi ng mga ballpen at papel para sa iyong anak, pag-print ng kanilang assignment, o pagsingil ng taxi fare kahit ikaw ay nag-bus o naglakad lamang, hindi mo iginagalang ang watawat.
- Kung ika'y kumakanta ng My Way na napakalakas, at nakakabulahaw ka na sa mga kapitbahay, nguni't lalo mo pang nilalakasan ang volume ng iyong videoke, hindi mo iginagalang ang watawat.
- Kung itinatapon mo ang iyong basura sa bakuran ng iyong kapitbahay, o sa bakanteng lote na hindi sa'yo, o sa ilog na puno na ng basura, o sa kalsada, hindi mo iginagalang ang watawat.
Kay rami pang mga bagay-bagay na magpapakitang hindi mo iginagalang ang watawat. Iniimbitahan ko kayong isulat sa comment ang mga naisip ninyo.
Hindi lang ang pagwagayway ng isang bagong watawat maipapakita na iginagalang natin ito. Sa halip, kung isasabuhay natin ang mga simbolo't sagisag ng bawa't parte ng watawat, maipapakita natin ang ating paggalang dito.
At kung hindi mo iginagalang ang ating watawat, hinding-hindi ko panghihinayangan kung kaharap mo ang Immigration Officer sa Los Angeles, Sydney, Toronto, o Timbuktu, at ika'y nakapila sa linya ng mga immigrant o citizen.
Subscribe to:
Posts (Atom)