Ang mahirap 'yung babangon ka ng maaga, mga alas-singko, lalo na't malamig ang hanging nanggagaling sa electric fan habang katabi mo ang mahal mo sa buhay.
Hindi ang pagbangon sa umaga upang pumasok sa trabaho ang aking ibig sabihin. Ang aking tinutukoy ay ang paggising ng maaga upang mag-exercise.
Although, mahirap rin naman talagang bumangon ng maaga upang pumasok sa opisina. Daragdagan mo pa ng pag-e-ehersisyo. Kaya ang karamihan sa ati'y ipinagpapaliban na lang ang pag-e-exercise upang madagdagan ng ilang minuto sa higaan.
Naiintindihan ko 'yun.
Sa kaso ko nga, lagi akong naghahanap ng dahilan upang manatili pang nakahiga:
"Tanghali na, mataas na ang araw. Marami nang taong nasa daan at ayaw kong makita nila akong tumatakbo."
"Masyado pang maaga, wala pang araw. Delikado, baka hindi ako makita ng mga nagmamaneho't masagasaan pa ako."
"Madilim sa labas, mukhang uulan." (Kahit alam kong hindi pa sumisikat ang araw.)
"Puyat ako. Mas importante ang tulog kesa exercise."
At kung ano-ano pang pumapasok sa isip ko para lang manatiling nakadikit ang aking ulo sa unan.
Kelan lang ay narinig ko sa isang audiobook, Brain Rules, kung saan ang unang "batas" ng utak ay nakaka-boost ng brain power ang pag-e-exercise.
Ang ibig sabihin lang, kung gusto mong maka-Dean's Lister o makapagbigay ng intelihenteng sagot kapag tinanong ka ng iyong bossing, makakatulong ng malaki kung ika'y nag-e-ehersisyo.
Nakakabawas din daw ang ehersisyo, by as much as 50%, sa risk na magkaron ang isang tao ng dementia.
Talagang kailangang kong mag-exercise, lalo na nga't ako'y mahirap makatanda ng mga mukha. Madali na rin akong makalimot ng mga bagay-bagay. Biruan nga sa opisina, 1 MB na lang ang aming RAM sa utak. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sa gobyerno ng Hongkong unang ibinigay ang ulat ng IIRC, at hindi sa ating mga Pilipino. Kaya tuloy....
Teka, tungkol saan nga ba 'yung isinusulat ko?
Ah, oo nga pala, tungkol sa ilang benepisyo ng exercise.
At pagtitiyagaan ko na ang gumising ng maaga para tumakbo. Sa dami ng benepisyo, and isang taong hindi nag-e-ehersisyo lamang ang hindi makakakuha nito.
No comments:
Post a Comment