Nakakalungkot talaga ang nangyaring pang-ho-hostage ni Rolando Mendoza noong nakaraang linggo. Nakaka-disappoint din na hindi nanalo si Venus Raj sa Ms. Universe, ang haka-haka'y isang major, major mistake ang kanyang sagot.
Ang kaso, mas nakakalungkot at mas nakakadismaya ang mga reaksyon ng ating mga kabababayan sa mga nangyari. Para bang sila ang magaling.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Jesus, "Ang panukat na ipinansukat mo ang s'yang ipangsusukat sa'yo." At, "Bakit mo tinatanggal ang puwing mula sa iyong kapatid samantalang may troso naman sa iyong mga mata?"
Marahil nga, ako naman ang humuhusga sa kanila ngayon. Kaso, naaasar talaga ako.
"I'm ashamed of being a Filipino."
"Only in the Philippines will you see such bumbling cops."
"We have voted a retarded president."
"Her answer was a major, major mistake."
Hindi ko rin maintindihan 'yang mga Tsino na galit na galit sa ating mga Pilipino. Siguro, dahil tinanggihan nating inumin ang kanilang melamine, o kaya dahil hindi natin pinapasok sa 'Pinas ang kanilang SARS kaya gumaganti sila sa galit ngayon.
Hindi naman natin isinisi sa bawa't Tsino ang mga pangyayaring iyon. Sana nama'y mali akong isiping isinisisi nila sa bawa't 'Pinoy ang nangyari sa hostage-taking.
Well, kung kayo'y Pinoy at ikinahihiya n'yo ang maging Pilipino, inaasahan kong wala na kayo dito sa 'Pinas, sampu ng inyong kamag-anak. Kahit magsalita ng Pilipino, o Tagalog, o Cebuano, o anumang lengguwahe ng 'Pinas ay hindi n'yo gagawin. Mag-i-Inggles, mag-i-Intsik, mag-a-Arabo, o anumang banyagang salita ang inyong gamitin. Kayo't tumira na lang sa US of A, o sa Yuropa, o, mas mabuti, sa Hong Kong. At siguraduhin ninyong uminom kayo ng katakot-takot na glutathione pills at oras-oras ay gumamit kayo ng papaya soap, para magmukha na kayong forenjer, at mawala na ang bahid ng inyong pagka-Pinoy.
And if you're a non-Pilipino who hates our country, our leader, and our people very much, I hope you will never set foot in our beautiful islands. For if you do, you just might wet your pants.
No comments:
Post a Comment