"Researchers in Texas are making car parts out of coconuts.
A team at Baylor University there has made trunk liners, floorboards and car-door interior covers using fibers from the outer husks of coconuts, replacing the synthetic polyester fibers typically used in composite materials, per LiveScience."
Circa 1982. Ang aming org ay may gimmick t'wing sem break; kami ay pumupunta sa mga probinsiya at nagtutungo sa mga paaralan upang:
- magbigay ng mga patakaran paano makakakuha ng scholarship sa kolehiyo - tulad ng pagkakaroon ng mataas na grado, na kung sa ngayo'y mababa ang marka mo bale-wala na ang mga pinagsasasabi namin;
- makapagturo ng ilang klase sa Science - upang pansamantalang makapagpahinga si M'am; at,
- mag-obserba sa mga klase - at dahil mga College students kami at ang aming inoobserbahan ay graduating high school, mas inoobserbahan namin ang mga estudyante.
Kami rin ay nakiki-usyoso sa mga pabrika sa paligid-ligid. Tinitignan namin ang industriya doon, magtatanong-tanong, at kukuha ng notes. Plant visit, 'ika nga. Sa iba naman, para kumita mula sa mga estudyante, tinatawag nilang educational tour. At least, kami, may funding. Kaya libre lahat. At 'di kailangang mag-submit ng report sa titser, double-spaced, type-written. Pag-uusapan na lang namin ito sa iba pang grupong nagpunta naman sa ibang probins'ya.
Tawag namin sa proyektong ito ay Agham Tanaw. Ibig sabihin, gusto sana naming makita ang United States of Science and Technology sa probinsiya. Well, hindi naman talaga liblib o probinsiyang-probinsiya ang pinupuntahan namin; sa kabayanan pa rin kami nag-i-i-ikot, kaya't parang 'di rin kami nalayo sa Maynila.
Ganu'n pa man, ibang-iba pa rin ang nakita namin as against sa aming nararanasan sa Maynila. Sabi nga ng isang kasamahan ko, d'un daw lalong nag-aalab ang kanyang kagustuhang makatulong sa bayan. Kumbaga, nakita n'ya kung gaano kalaking blessings ang naibibigay sa kanya, at gusto n'ya itong ipamahagi.
Awa ng Diyos, mahigit dalawampung taon ng siyang nasa Amerika.
Isang bayan na aming pinuntahan ay ang Tabañgao, Batangas, isang lugar kung saan punong-puno ng puno ng n'yog. May isang pabrika doon kung saan dinadala ang mga shell ng n'yog matapos ang mga ito'y patuyuin at kunan ng laman (kopra). Kumbaga, patapon na ang mga dinadala rito.
Isang gamit dito ay pinagtagpi-tagping fibers (tawag ay coir, pronounced as "coir", and not "choir") at gagawing parang uling. Maganda s'ya sa barbecue kasi matagal ang ningas n'ya. Kaya, kahit konti lang ang gamitin mo, marami pa rin ang iyong maluluto. Kaso, parang hindi nag-click ang gamit na ito. Kaya nga 'ata ilang araw pagpunta namin doon nagsara na ang pabrika.
Sa aming pag-ikot sa paligid, nagulat kami dahil may ginagawang upuan para sa kotse. Nang aming itanong para saan 'yun, para daw sa Mercedes-Benz. Upuan na gawa sa fibers of coconut husks. Inupuan namin ang ilan doon at sinabing, "Hay! Nakaupo rin sa Mercedes!"
My gulay! Noon na pala'y nakakagawa na ng ilang parte ng kotse mula sa buko. At sa Chedeng pa gagamitin. Mga Pinoy ang gumagawa. Samantalang, itong mga 'Kano, ngayon pa lang nila pinag-aaralan kung paano magagamit ang buko. Bakit kaya 'di na lang sila magtanong sa mga Pinoy?
Tutal, kung buko't buko rin lang ang pag-uusapan, pihado namang kay dami nating alam tungkol dito.
Gaya na lang na alam nating hindi p'wedeng gawing chicharon ang buko.
Kasi coconut.
No comments:
Post a Comment