"And now, the end is near...."
Hindi ko na itutuloy, baka mabaril pa ako. Newaze, alam ko namang alam na alam n'yo na kung ano ang kantang ito: Be My Lady.
Sabi nga nila, ang lahat ay may katapusan. Ang hindi ko lang alam ay kung kelan matatapos ang pagbabayad ko ng utang. 'Di natin masabi, baka bukas-makalawa ma-dial ni Bossing ang cellphone number ko. O kaya madiskubre ng Eat Bulaga si Bunso.
Kung Showtime ang makakadiskubre, malamang tuloy pa rin ang pagbabayad ko ng utang.
Nalilihis ako.
Ito na ang huling araw ng aking bakasyon. Oo nga't meron pang Sabado't Linggo, pero, officially, hanggang Biyernes na lang ang bakasyon ko. Ang ibig sabihin, bukas, pwede na akong tawagan at papuntahin sa opisina.
At least, may accomplishment ako ngayong linggo: Maliban n'ung Lunes, napanood ko ang lahat ng episode ng Kalyeserye.
Maliban doon, wala na.
Siguradong mahihirapan akong kumuha ng buwelo para sa Lunes. Affected din kasi ako ng First Law of Motion ni Pareng Isaac. Isang linggo akong at rest, kaya napakalaking force ang kailangan para maging in motion ako.
Hay! Bakit pa kasi kinain ni Adan 'yung mansanas.
On second thought, hindi naman dapat isiping parusa ang pagtratrabaho. Ang Diyos nga nagtrabaho at napagod, tayo pa kayang mga tao lamang?
Kailangan nga siguro ng tao ang magtrabaho. Pero, naniniwala ako na hindi dapat tayo i-define ng ating trabaho. 'Yun bang mas big time ka kung ikaw ay duktor, at naaangatan mo 'yung mga taong nagmamaneho ng dyip.
Sa kabilang dako naman, 'di dapat isipin ng mga nagmamaneho ng dyip na small time sila kumpara sa mga duktor.
Patas-patas lang, basta't hindi gumagawa ng masama.
Kaya, mas mabuti pa 'yung jeepney driver na nanunukli ng singkwenta sentimos kesa kay congressman na nangungurakot ng singkwentang milyones.
Kailangan talaga nating magtrabaho. 'Ika nga ni Papa Kiko, sa kanyang Laudato Si, ang trabaho ay parte ng kahulugan ng buhay dito sa mundo. Kailangan nating magtrabaho upang mapa-unlad natin ang ating sarili, at magkaroon ng personal fulfillment.
Waw! Hebi agen.
Dapat, magkaroon ang mga tatakbo sa pagka-pangulo ng mga konkretong programa ukol sa pagkakaroon ng mga trabaho para sa mamamayan. Hindi 'yung motherhood statement lamang na "tatanggalin ko ang kahirapan".
Masarap pakinggan, pero, dapat masagot nila ang tanong na "Papano?"
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Friday, October 30, 2015
Thursday, October 29, 2015
2015 Vacation - Day 4
Sa isang linggo kong bakasyon, itong araw, siguro, ang pinakamasaklap -- nagbayad ako sa aking mga credit cards.
Pero, maliban doon, masaya na rin ako. Kasi, napanood ko ang unang beso-beso nina Alden at Yaya Dub.
Sarap talaga ng bakasyon, 'yung walang ginagawa, walang inaalala, walang paki-alam. Pero, sigurado akong pagdating ng araw, pagsasawaan ko rin ito. Hahanap-hanapin ko rin ang magtrabaho.
Pero, sa ngayon, ayaw ko na munang bumalik.
Bakit nga ba nagbabakasyon ang tao? O, sa isang linggo, bakit nga ba ipinag-uutos ng Diyos na bawal magtrabaho ng isang araw?
Sabi ni Papa Kiko, sa kanyang encycal letter na Laudato Si, ang pagpapahinga ng Linggo mula sa trabaho ay isa pa ring aspeto ng trabaho. Isang paraan ito upang malaman at maintindihan natin ang kabuluhan ng trabaho. Para nga tayo hindi malulong sa tinatawag n'yang empty activism.
Ang araw rin ng pahinga, 'ika n'ya, ay isang araw ng pasasalamat. Dito rin natin makikita ang kabuuan, ang karapatan ng iba, at ang pangangailangan, lalo na ng kalikasan at ng mga mahihirap.
Hebi, men.
Sabagay, 'yun naman lagi ang sinasabi ng pari kapag tapos ng ang misa. Kung hindi kayo aalis habang komunyon, maririnig n'yo ito: The mass has ended. Go in peace to love and serve the Lord. 'Yun siguro ang dapat dala-dala natin sa darating na linggo: peace, love, at service.
Kaya sa darating na Lunes, babalik ako sa trabaho na bitbit ang tatlong ito. Para rin naman magkararoon ng kabuluhan ang aking bakasyon, maliban sa isang linggo kong panonood ng AlDub.
Sabagay, wala rin naman kasi akong choice kun'di bumalik sa trabaho. Hindi pumayag si Panganay na buhayin n'ya na lang kaming mag-asawa.
Wednesday, October 28, 2015
2015 Vacation - Day 3
Natapos na ang kalahati ng aking bakasyon. Eto, wala pa ring nangyayari sa aking buhay.
Ilang tulugan na lang, pasukan na naman!
Sabi ko nga kay Misis, ano kaya kung mag-early retirement na lang ako. Wala akong gagawin kun'di gumising ng tanghali, maghatid sa mga bata, at manood ng AlDub.
In order words, mag-bum around.
Siguro, pagkaraan ng isang taon, mataba na ako, na parang baboy na kakatayin.
Balak sana naming magbiyahe ngayong naka-bakasyon ako. Tamang-tama rin at sem break ng Misis kong titser. Gusto ng pamilya sa Japan maglakwatsa. Suggestion ko sa Gapan.
Ang kaso, naurong ang first day of classes ni Bunso. Ayan tuloy, naurong din ang sem break n'ya. Kaya, dito lang ako sa bahay namalagi, kasama si Misis. At, 'ika nga ni John Puruntong, "wala ang mga bata!"
'Yun nga lang, hanggang dun na lan 'yun.
Hay! Three down, two more to go. Kay bilis ng panahon.
Sana, ganoon din kabilis next week at sa mga susunod pang mga linggo. Tapos, babagal na lang ulit pagdating ni Pareng Barack.
Kaso, hindi ganun ang takbo ng oras. 'Ika nga ni Pareng Albert, Law of Relativity lang 'yan:
'Pag kasama mo ang boss mo sa opisina, ang minuto ay parang oras.
'Pag kasama mo ang mahal mo sa buhay, ang oras ay nagiging minuto.
At 'pag sabay pa kayong pinanonood ang AlDub, hindi mo namamalayan, Sabado na pala.

Tuesday, October 27, 2015
2015 Vacation - Day 2
Maliban sa paghatid ng pagkain kay Panganay sa opis n'ya, nandito lang ako sa bahay. Last two days na lang n'ya sa opis, kaya't nag-volunteer si Misis ipakain, sa huling pagkakataon, ang kanyang masarap na pasta sa opismeyt ni Panganay.
Grabe, alas-diyes pa lang ng umaga, sobra nang trapik sa Skyway.
Ang masaklap doon, mahal ang toll fee, tapos ganoon ding trapik ang aabutan namin.
Newaze, at least, nakauwi kami bago mananghali. Ang ibig sabihin noon, nakapanood kami ng AlDub.
Tapos, nanood pa ako ng ilang palabas, at natulog ng mga alas-kuwatro. Alas-sais na ako nagising.
Ang sarap talaga ng bakasyon. Sana, ganito lagi.
Ang problema, binigyan ako ng aming kumpanya ng cell phone.
Anong baka-bakasyon?
Kaya, 'pag may tumatawag o nag-te-text sa akin, kinakabahan ako. Baka sa opisina 'yun, may pina-follow up na problema.
Kaya siguro lalong tumataas ang aking high blood.
Kaya rin naman bwisit na bwisit ako kung ang tumatawag ay ang credit card para mag-alok ng utang.
Anak ng pating! Hindi ko na nga sila mabayaran, dadagdagan pa nila.

Monday, October 26, 2015
2015 Vacation - Day 1
Waw! Pagkatapos ng ilang buwan, nakapagsulat na rin ulit ako rito.
Ngayon ang simula ng isang linggo kong bakasyon. Pero, dito lang ako sa Maynila maglalayag. 'Ala kasing pera panglakwatsa. At, siyempre, 'pag sa Maynila ka, ang mapupuntahan mo lang ay SM. Marami kang mapagpipiliang puntahan.
Hay! Bakasyon nga ba ito? Unang araw, nanakit agad ang paa ko, kaya alas-singko, gising na agad ako. Imagine (all the people, living in this world, yoo-hoo-hoo!), para na ring gising ko 'pag may pasok.
At dahil sa pananakit, napunta tuloy ako sa aming Medical. Ayan, tuloy, hindi ako nakapanood ng AlDub. May TV nga sa Medical, Showtime naman ang palabas. Mas gusto 'ata ng mga nurse namin ang magtrabaho kapag break time kesa mag-relaks.
Tapos, sinundo namin si Bunso sa school. Buti na lang, hindi pa trapik nang makauwi kami. Hindi na nga lang namin inabutan ang Destiny Rose.
Kaya, ayan, unang araw ng bakasyon, nasa labas ako. Gusto ko sanang magtulog na lang sa bahay. Kumain. Manood ng TV.
Sa madaling salita, magpaka-bum.
'Di bale, may apat na araw pa ako. Anim, kung idadagdag ang Sabado't Linggo.
Marami-marami pa.

Subscribe to:
Posts (Atom)