Pero, maliban doon, masaya na rin ako. Kasi, napanood ko ang unang beso-beso nina Alden at Yaya Dub.
Sarap talaga ng bakasyon, 'yung walang ginagawa, walang inaalala, walang paki-alam. Pero, sigurado akong pagdating ng araw, pagsasawaan ko rin ito. Hahanap-hanapin ko rin ang magtrabaho.
Pero, sa ngayon, ayaw ko na munang bumalik.
Bakit nga ba nagbabakasyon ang tao? O, sa isang linggo, bakit nga ba ipinag-uutos ng Diyos na bawal magtrabaho ng isang araw?
Sabi ni Papa Kiko, sa kanyang encycal letter na Laudato Si, ang pagpapahinga ng Linggo mula sa trabaho ay isa pa ring aspeto ng trabaho. Isang paraan ito upang malaman at maintindihan natin ang kabuluhan ng trabaho. Para nga tayo hindi malulong sa tinatawag n'yang empty activism.
Ang araw rin ng pahinga, 'ika n'ya, ay isang araw ng pasasalamat. Dito rin natin makikita ang kabuuan, ang karapatan ng iba, at ang pangangailangan, lalo na ng kalikasan at ng mga mahihirap.
Hebi, men.
Sabagay, 'yun naman lagi ang sinasabi ng pari kapag tapos ng ang misa. Kung hindi kayo aalis habang komunyon, maririnig n'yo ito: The mass has ended. Go in peace to love and serve the Lord. 'Yun siguro ang dapat dala-dala natin sa darating na linggo: peace, love, at service.
Kaya sa darating na Lunes, babalik ako sa trabaho na bitbit ang tatlong ito. Para rin naman magkararoon ng kabuluhan ang aking bakasyon, maliban sa isang linggo kong panonood ng AlDub.
Sabagay, wala rin naman kasi akong choice kun'di bumalik sa trabaho. Hindi pumayag si Panganay na buhayin n'ya na lang kaming mag-asawa.
No comments:
Post a Comment