Waw! Pagkatapos ng ilang buwan, nakapagsulat na rin ulit ako rito.
Ngayon ang simula ng isang linggo kong bakasyon. Pero, dito lang ako sa Maynila maglalayag. 'Ala kasing pera panglakwatsa. At, siyempre, 'pag sa Maynila ka, ang mapupuntahan mo lang ay SM. Marami kang mapagpipiliang puntahan.
Hay! Bakasyon nga ba ito? Unang araw, nanakit agad ang paa ko, kaya alas-singko, gising na agad ako. Imagine (all the people, living in this world, yoo-hoo-hoo!), para na ring gising ko 'pag may pasok.
At dahil sa pananakit, napunta tuloy ako sa aming Medical. Ayan, tuloy, hindi ako nakapanood ng AlDub. May TV nga sa Medical, Showtime naman ang palabas. Mas gusto 'ata ng mga nurse namin ang magtrabaho kapag break time kesa mag-relaks.
Tapos, sinundo namin si Bunso sa school. Buti na lang, hindi pa trapik nang makauwi kami. Hindi na nga lang namin inabutan ang Destiny Rose.
Kaya, ayan, unang araw ng bakasyon, nasa labas ako. Gusto ko sanang magtulog na lang sa bahay. Kumain. Manood ng TV.
Sa madaling salita, magpaka-bum.
'Di bale, may apat na araw pa ako. Anim, kung idadagdag ang Sabado't Linggo.
Marami-marami pa.
No comments:
Post a Comment