Monday, January 11, 2010

Top Ten Reasons Why Noynoy Said He Is Considering Burying Marcos At The "Libingan Ng Mga Bayani"

Isang balita ang hindi masyadong napansin ng mga tao ang lumabas may mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan. O baka hindi pinalaganap dahil hindi maganda para kay Noynoy.

Nang nasa Ilocos si Noynoy, sinabi n'ya na kung sakaling maging presidente s'ya ng 'Pinas, gagawa s'ya ng isang komite upang pag-aralan ang paglilibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Kagulat-gulat ang sinabi n'yang ito, kasi, ang kanyang ina, ni hindi naisip na magkaroon ng military honors si Marcos kahit gawin ang paglilibing sa public cemetery sa Laoag.

Sabagay, panahon nga naman ng eleks'yon. Pero, tingin ko, may iba pang mga dahilan kung bakit n'ya naisip 'yun. Ang mga ito, sa aking palagay, ay ang mga sumusunod:

  1. Natatakot si Noynoy na baka hindi siya makaalis sa Ilocos ng buhay.
  1. Kahit sumanib si Bongbong sa NP, umaasa si Noynoy na susuportahan s'ya ng KBL.
  1. Hindi naniniwala si Noynoy sa mga surveys kaya gusto n'yang madagdagan ang mga taga-suporta n'ya.
  1. Gusto n'yang mabuhay na tunay na Kristiyano--patawarin ang taong nagdulot ng sobrang hirap sa kanilang pamilya. Ang nalimutan lang n'ya, si Marcos din ang nagdulot ng sobrang hirap sa buong bansa.

    Hindi ko alam kung p'wede 'yun pang-disqualify kay Marcos upang ihirang na bayani.
  1. Naniniwala s'yang tunay ang mga medalyang nakamit ni Marcos.
  1. Wala si Mar noong mga oras na sinabi ni Noynoy 'yun. Walang nakapagpaliwanag kung ano talaga ang ibig sabihin ni Noynoy.
  1. Feel naman ni Noynoy na hindi magagalit si Conrado de Quiros kahit sinabi n'ya 'yun.
  1. Ang sinabi naman n'ya ay gagawa s'ya ng komite upang pag-aralan ang panukalang ililibing si Marcos sa LnmB. Hindi naman n'ya sinabing ililibing talaga n'ya si Marcos doon.

    Sa madali't sabi, "trapo" na rin s'ya.
  1. Hindi nakunsulta ni Noynoy ang kanyang mga kapatid bago n'ya nasabi 'yun.
At ang huling dahilan kung bakit nasabi n'yang gagawa s'ya ng komite upang pag-aralan ang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani:
  1. Nalimutan na n'yang ang iboboto ng taong-bayan ay sina Ninoy at Cory, at hindi siya.

2 comments:

  1. i think, noynoy is right... because marcos should be buried there by right... a right marcos gained after becoming the president of these country... Marcos, even thou he caused marshal law, he is still best president ever been appointed as the president.... THIS BLOG(IN MY OPINION) IS BIASED. YOU SHOULD BE OPEN MINDED AND UNBIASED IN CRETIN SUCH BLOGS. :)

    ReplyDelete
  2. Salamat naman at dumalaw ka't nag-comment sa aking poste, este, post.

    Unfortunately, nagbago ang isip ni Noynoy; ayaw na n'yang ipalibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani, kung sakaling maging siya.

    Dalaw ka ulit. Pero, sana, next time, pakilala ka. =)

    ReplyDelete