Merong lumabas na survey noong isang linggo tungkol sa mga diet habits at paraan ng pagpapapayat ng iba't ibang nationalities. Mga 95% daw ng Pinoy ang nagsabing hindi nila matitiis ang kumain ng pagkaing marasap. Dahil sa sagot na ito, na-conclude ng mga gumawa ng survey na ang mga Pinoy daw ay honest.
Hindi naman ako nagtataka. Matagal na akong naniniwala na tayong mga Pinoy ay basically honest. Narito ang aking mga dahilan:
Reason No. 10
Tumatawid naman tayo sa mga pedestrian lanes kung tayo ay nasa US.
Reason No. 9
At hindi tayo nagkakalat kung tayo ay nasa Singapore.
Reason No. 8
Gamit natin ang sariling kagamitan kung tayo'y nagtratrabaho. Halimbawa, dala ng karpintero ang sarili n'yang lagare, dala ng computer technician ang sarili n'yang screwdriver, at dala ng sekretarya ang sarili n'yang bolpen. Samakatuwid, walang naiuuwi ang mga trabahador na galing sa kanilang opisina.
Reason No. 7
Tama naman kung magbayad tayo ng income tax. Automatic kasi itong kinakaltas.
Reason No. 6
Sinasabi natin ang halaga ng ating ibinibigay na donasyon.
Reason No. 5
Hindi inaangkin ng Pinoy ang anumang nagawa, narating , o nakamit n'ya. Lagi ang lolo n'ya ang nakagawa noon ("Talo 'yan ng lolo ko...!")
Reason No. 4
Marami ang hindi matitiim na ang pagkaing ihahain nila sa kanilang pamilya ay galing sa nakaw. (Pero kung ang pagkakagastusan ay ang inuman nilang magkakabarkada, oks lang kung katas ito ng cellphone na na-snatch.)
Reason No. 3
Ipinagkakatiwala ng mga foreigners ang kanilang kayamanan sa mga Pinay -- ang kanilang mga anak.
Reason No. 2
Kumikita ang mga jeepney drivers.
At ang huling dahilan kung bakit naniniwala akong honest ang mga Pinoy:
Reason No. 1
Sa mahigit siyamnapung milyong Pilipino, wala pang isang porsiyento nito ang politiko.
No comments:
Post a Comment