'Yan ang Fiesta ng Sto. Niño. Galing pa sa Papa ang dispensation upang iba ang readings natin sa misa, as against the world.
O, ang lakas natin kay Pope, 'no?
Christmas extension
Anticipated mass ang dininig naming pamilya kahapon sa Greenbelt Chapel. Ang chaplain ang nagmisa, si Fr. Jun Sescon. An'ya, may mga theologians na nagsasabi na kaya tayo may piyesta ng Sto. Niño ay gusto nating mga Pilipino na i-extend ang Pasko.Siguro nga. Tayo na pagdating ng "ber" ay mag-uumpisa nang magpatutog ng Christmas songs, uunati't uunatin natin ang selebrasyon ng Pasko.
Sabagay, may mga humahabol pa na magregalo. Hinding-hindi ko 'yun tatanggihan.
Batang Diyos
'Di naman lingid sa nakararami kung paano natin damitan ang Sto. Niño. Si Barbie lang marahil ang mas may maraming damit. Maganda sanang pag-aralan kung ang mga taong mahilig bihisan ang kanilang Sto. Niño ay walang anak na batang babae.Siguro, kaya rin natin parang napagkakatuwaan ang imahen ng Sto. Niño ay upang magkaroon tayo ng "power" dito. Ang hirap kasing makipag-relate sa isang Diyos na may maputing balbas, madaling magalit, at sinusuring mabuti ang bawa't kilos natin. Kung minsan, nakakatakot. Madalas, parang out of reach.
Pero ang batang Sto. Niño ('Di ba redundant 'yun?) ay napaka-approachable. Sa katunayan, baka sa sobra N'yang daling lapitan, ang isip natin ay ibibigay N'ya ang kahit ano'ng gustuhin natin.
Parang batang inuutusan.
Intindihin ang mga bata
Sa halip, wika ni Father, intindihin natin ang Sto. Niño, gaya ng pag-intindi natin sa mga bata. Alamin natin, ano ba ang iniisip N'ya? Ano ba ang nasasaloobin N'ya? Ano ba ang gusto N'ya?Parang 'yung ginawa ni Maria; iningatan n'ya sa kaniyang puso ang lahat ng mga ito. Nang sa gan'un, malalaman natin kung ano ang dapat nating gawin. Hindi man natin maintindihan ang mga nangyayari sa atin, at least, panatag ang loob natin na tama ang ating ginagawa.
At 'yun, marahil, ang mas tamang pag-celebrate ng Pista ng Sto. Niño.
No comments:
Post a Comment