NOTE: Ito ang aking Speech Number 6, na ang pamagat ng project ay Vocal Variety. Ibig sabihin, sa pagbigay ng speech na ito, kailangang bagu-baguhin ko ang tono, lakas, at bilis ng aking boses. Kaya, tulad ng dati, mas magandang napakinggan n'yo ito kesa nabasa.
Women's group wants expiry date on marriage - The Philippine Star
Several weeks ago, I read in the newspaper about a party-list group, 1-ABAA, or Isa Ako Babaeng Astig Aasenso, advocating the expiration of the marriage license in the Philippines. Being a secret member of BAGSIK, (loud) Bagong Alyansa ng mga Ginoong (pause...dejected) Sinisigawan at Inaapi ng mga Kababaihan, I got interested in what the group wants to say.
(whisper) Just don't tell my wife I read the article.
I guess a lot of you here also saw the news. Has anyone read about it? C'mon, don't be shy. Admit that you did, especially husbands whose wives are present. You have nothing to lose but your beds.
Anyway, for those who don't know the issue, 1-ABAA proposed that the marriage license will have a ten-year validity period. A couple of days later, they realized that made a mistake. Marriage licenses in the Philippines have only a 120-day validity. Thus, couples must get married and exchange the license to a contract within 120 days. Else, they will need get another license and undergo, once more, the family planning seminar at City Hall. To correct their earlier pronouncement, 1-ABAA said that it is the marriage, itself, that should have an expiry date.
The party-group made this proposal to “save incompatible couples the trouble of going through a tedious and expensive annulment process” and will “also help cut down the number of annulment cases that have piled up in court”.
I am not here to question the morality or psychological impact once the proposal becomes into a law. I am not like David, who has been a preacher for 23 years. I am just a plain husband, and not even a perfect one. However, being trained as an engineer most of my life, I would like to look at the logic of the proposal, and the first thing that comes into my mind is “Don't be a fool; use the right tool”.
If the problem is the “trouble of going through the process”, then let them be. These are adults who were very aware of the decision they made to get married, and know that annulment will be difficult.
If the problem is expense, provide financial assistance, much like what those human rights lawyers do.
If the problem is the piling up of cases in court, let the Judiciary find ways to expedite hearing and resolving the cases.
I just wonder why problems of specific individuals will have a generic solution.
Another engineering concept comes to my mind: Don't use a (big voice) HUGE hammer to drive a (small voice) tiny nail.
Although marital problems may not really be small nails, I believe that automatic marriage annulments are big hammers that will destroy the home.
I also don't understand why married couples would want to get separated. Isn't it that we, Filipinos, hold marriage sacred, and, hence, we are repeatedly asked before getting married if we are really sure we want to undergo the process? That is why we have a saying, “Ang kasal ay 'di tulad ng kaning isusubo, na iluluwa 'pag napaso.”
Also, during the marriage ceremonies, and they said, “Till death do us part,” I'm sure that almost all of them really meant “physical death”, and not some obscure and vague concept like...ummmm...let me see...ahhh....Yes! Like “love”.
How about the time when the boy was just courting the girl? Or the other way around? Didn't they say that they'll be happy once they “get” their loved ones?
Perhaps, that's where the problem lies: They only thought about the “getting”, and forgot about the “giving”.
Honestly, as I thought more about the proposal, the more I realize that 1-ABAA may have a point. However, I think that ten years is too long. Rather, I believe that the marriage license, contract, vow, or even that obscure and vague concept, love, should be renewed everyday, every hour, every minute, every moment of our lives.
If we will wait for ten years, we might not have anything to renew.
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Friday, January 29, 2010
Monday, January 25, 2010
Happy Birthday, Tita Cory
Seventy-seventh birthday ngayon ni Tita Cory. Happy Birthday!!!!
Birthday din ngayon ng Ate ko. Happy Birthday din!!!
Birthday din ngayon ng Ate ko. Happy Birthday din!!!
Monday, January 18, 2010
Top Ten Reasons Why I Believe Pinoys Are Honest
Merong lumabas na survey noong isang linggo tungkol sa mga diet habits at paraan ng pagpapapayat ng iba't ibang nationalities. Mga 95% daw ng Pinoy ang nagsabing hindi nila matitiis ang kumain ng pagkaing marasap. Dahil sa sagot na ito, na-conclude ng mga gumawa ng survey na ang mga Pinoy daw ay honest.
Hindi naman ako nagtataka. Matagal na akong naniniwala na tayong mga Pinoy ay basically honest. Narito ang aking mga dahilan:
Reason No. 10
Tumatawid naman tayo sa mga pedestrian lanes kung tayo ay nasa US.
Reason No. 9
At hindi tayo nagkakalat kung tayo ay nasa Singapore.
Reason No. 8
Gamit natin ang sariling kagamitan kung tayo'y nagtratrabaho. Halimbawa, dala ng karpintero ang sarili n'yang lagare, dala ng computer technician ang sarili n'yang screwdriver, at dala ng sekretarya ang sarili n'yang bolpen. Samakatuwid, walang naiuuwi ang mga trabahador na galing sa kanilang opisina.
Reason No. 7
Tama naman kung magbayad tayo ng income tax. Automatic kasi itong kinakaltas.
Reason No. 6
Sinasabi natin ang halaga ng ating ibinibigay na donasyon.
Reason No. 5
Hindi inaangkin ng Pinoy ang anumang nagawa, narating , o nakamit n'ya. Lagi ang lolo n'ya ang nakagawa noon ("Talo 'yan ng lolo ko...!")
Reason No. 4
Marami ang hindi matitiim na ang pagkaing ihahain nila sa kanilang pamilya ay galing sa nakaw. (Pero kung ang pagkakagastusan ay ang inuman nilang magkakabarkada, oks lang kung katas ito ng cellphone na na-snatch.)
Reason No. 3
Ipinagkakatiwala ng mga foreigners ang kanilang kayamanan sa mga Pinay -- ang kanilang mga anak.
Reason No. 2
Kumikita ang mga jeepney drivers.
At ang huling dahilan kung bakit naniniwala akong honest ang mga Pinoy:
Reason No. 1
Sa mahigit siyamnapung milyong Pilipino, wala pang isang porsiyento nito ang politiko.

Sunday, January 17, 2010
Sto. Niño
Onli in da Philippines!
'Yan ang Fiesta ng Sto. Niño. Galing pa sa Papa ang dispensation upang iba ang readings natin sa misa, as against the world.
O, ang lakas natin kay Pope, 'no?
Siguro nga. Tayo na pagdating ng "ber" ay mag-uumpisa nang magpatutog ng Christmas songs, uunati't uunatin natin ang selebrasyon ng Pasko.
Sabagay, may mga humahabol pa na magregalo. Hinding-hindi ko 'yun tatanggihan.
Siguro, kaya rin natin parang napagkakatuwaan ang imahen ng Sto. Niño ay upang magkaroon tayo ng "power" dito. Ang hirap kasing makipag-relate sa isang Diyos na may maputing balbas, madaling magalit, at sinusuring mabuti ang bawa't kilos natin. Kung minsan, nakakatakot. Madalas, parang out of reach.
Pero ang batang Sto. Niño ('Di ba redundant 'yun?) ay napaka-approachable. Sa katunayan, baka sa sobra N'yang daling lapitan, ang isip natin ay ibibigay N'ya ang kahit ano'ng gustuhin natin.
Parang batang inuutusan.
Parang 'yung ginawa ni Maria; iningatan n'ya sa kaniyang puso ang lahat ng mga ito. Nang sa gan'un, malalaman natin kung ano ang dapat nating gawin. Hindi man natin maintindihan ang mga nangyayari sa atin, at least, panatag ang loob natin na tama ang ating ginagawa.
At 'yun, marahil, ang mas tamang pag-celebrate ng Pista ng Sto. Niño.
'Yan ang Fiesta ng Sto. Niño. Galing pa sa Papa ang dispensation upang iba ang readings natin sa misa, as against the world.
O, ang lakas natin kay Pope, 'no?
Christmas extension
Anticipated mass ang dininig naming pamilya kahapon sa Greenbelt Chapel. Ang chaplain ang nagmisa, si Fr. Jun Sescon. An'ya, may mga theologians na nagsasabi na kaya tayo may piyesta ng Sto. Niño ay gusto nating mga Pilipino na i-extend ang Pasko.Siguro nga. Tayo na pagdating ng "ber" ay mag-uumpisa nang magpatutog ng Christmas songs, uunati't uunatin natin ang selebrasyon ng Pasko.
Sabagay, may mga humahabol pa na magregalo. Hinding-hindi ko 'yun tatanggihan.
Batang Diyos
'Di naman lingid sa nakararami kung paano natin damitan ang Sto. Niño. Si Barbie lang marahil ang mas may maraming damit. Maganda sanang pag-aralan kung ang mga taong mahilig bihisan ang kanilang Sto. Niño ay walang anak na batang babae.Siguro, kaya rin natin parang napagkakatuwaan ang imahen ng Sto. Niño ay upang magkaroon tayo ng "power" dito. Ang hirap kasing makipag-relate sa isang Diyos na may maputing balbas, madaling magalit, at sinusuring mabuti ang bawa't kilos natin. Kung minsan, nakakatakot. Madalas, parang out of reach.
Pero ang batang Sto. Niño ('Di ba redundant 'yun?) ay napaka-approachable. Sa katunayan, baka sa sobra N'yang daling lapitan, ang isip natin ay ibibigay N'ya ang kahit ano'ng gustuhin natin.
Parang batang inuutusan.
Intindihin ang mga bata
Sa halip, wika ni Father, intindihin natin ang Sto. Niño, gaya ng pag-intindi natin sa mga bata. Alamin natin, ano ba ang iniisip N'ya? Ano ba ang nasasaloobin N'ya? Ano ba ang gusto N'ya?Parang 'yung ginawa ni Maria; iningatan n'ya sa kaniyang puso ang lahat ng mga ito. Nang sa gan'un, malalaman natin kung ano ang dapat nating gawin. Hindi man natin maintindihan ang mga nangyayari sa atin, at least, panatag ang loob natin na tama ang ating ginagawa.
At 'yun, marahil, ang mas tamang pag-celebrate ng Pista ng Sto. Niño.
Monday, January 11, 2010
Top Ten Reasons Why Noynoy Said He Is Considering Burying Marcos At The "Libingan Ng Mga Bayani"
Isang balita ang hindi masyadong napansin ng mga tao ang lumabas may mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan. O baka hindi pinalaganap dahil hindi maganda para kay Noynoy.
Nang nasa Ilocos si Noynoy, sinabi n'ya na kung sakaling maging presidente s'ya ng 'Pinas, gagawa s'ya ng isang komite upang pag-aralan ang paglilibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Kagulat-gulat ang sinabi n'yang ito, kasi, ang kanyang ina, ni hindi naisip na magkaroon ng military honors si Marcos kahit gawin ang paglilibing sa public cemetery sa Laoag.
Sabagay, panahon nga naman ng eleks'yon. Pero, tingin ko, may iba pang mga dahilan kung bakit n'ya naisip 'yun. Ang mga ito, sa aking palagay, ay ang mga sumusunod:

- Natatakot si Noynoy na baka hindi siya makaalis sa Ilocos ng buhay.
- Kahit sumanib si Bongbong sa NP, umaasa si Noynoy na susuportahan s'ya ng KBL.
- Hindi naniniwala si Noynoy sa mga surveys kaya gusto n'yang madagdagan ang mga taga-suporta n'ya.
- Gusto n'yang mabuhay na tunay na Kristiyano--patawarin ang taong nagdulot ng sobrang hirap sa kanilang pamilya. Ang nalimutan lang n'ya, si Marcos din ang nagdulot ng sobrang hirap sa buong bansa.
Hindi ko alam kung p'wede 'yun pang-disqualify kay Marcos upang ihirang na bayani.
- Naniniwala s'yang tunay ang mga medalyang nakamit ni Marcos.
- Wala si Mar noong mga oras na sinabi ni Noynoy 'yun. Walang nakapagpaliwanag kung ano talaga ang ibig sabihin ni Noynoy.
- Feel naman ni Noynoy na hindi magagalit si Conrado de Quiros kahit sinabi n'ya 'yun.
- Ang sinabi naman n'ya ay gagawa s'ya ng komite upang pag-aralan ang panukalang ililibing si Marcos sa LnmB. Hindi naman n'ya sinabing ililibing talaga n'ya si Marcos doon.
Sa madali't sabi, "trapo" na rin s'ya.
- Hindi nakunsulta ni Noynoy ang kanyang mga kapatid bago n'ya nasabi 'yun.
- Nalimutan na n'yang ang iboboto ng taong-bayan ay sina Ninoy at Cory, at hindi siya.
Sunday, January 10, 2010
Marriage License
Women's group wants expiry date on marriage
- The Philippine StarNabasa ko na isang party-list group, ang 1-Ako Babaeng Astig Aasenso (1-ABAA), ay nagmumungkahing lagyan ng expiry date ang marriage license, tulad ng ibang lisensya, gaya ng driver's license at pasaporte.
Sabi ng grupong ito, 'pag nagkasawaan na ang mag-asawa sa isa't isa, hayaan na lang mag-expire ang kanilang lisensya. Hindi na kailangang magpa-annul pa, na nangangailangan ng maraming oras at pera.
Lisensya o kontrata?
Makaraan ang ilang araw, nilinaw ng grupong ito na hindi lang ang lisensya ang kanilang nais lagyan ng expiry date, nguni't ang kasal mismo ang kanilang gustong markahan ng "Best before" sa mga label ng mag-asawa. Ang marriage license daw kasi ay may validity period ng 120 days.Ang naaalala ko nga, pagkatapos ng 120 days at hindi ka nagpakasal, uulitin mo ang seminar para makakuha ka ulit ng lisensya. Pagkatapos, kontrata na ang iyong pipirmahan, padadala sa NSO, at ipiprisinta sa US Embassy 'pag kukuha ng visa.
Kaya nilinaw ito ng 1-ABAA matapos ang ilang araw.
Bakit pa magpapakasal?
Ang hindi ko lang maintindihan sa mga ito, bakit pa kailangang magpakasal kung pagkatapos ng sampung taon ay mawawalan naman ng bisa ito, at kailangang i-renew pa ng sampung taon ulit. Para talagang US visa.Kasi, kung hindi kasal ang mag-asawa, hindi magiging lehitimo ang mga anak? At, kung magkaganun, wala silang makukuhang mana? Pa'nu kung wala na'ng bisa ang kasal? Pwede na ulit silang mag-asawa't magkaroon ng ibang pamilya. Pa'nu na ang mana?
O, kung hindi kasal, hindi pwedeng ilagay na beneficiary ang asawa kung saan man, tulad ng insurance o benefits sa opisina. Gan'un din ang tanong: Pa'nu kung wala na'ng bisa ang kasal?
O, kung hindi kasal, hindi na mapipigilan ang lalaking mambabae, o ang babaeng manlalaki, o ang lalaking manlalaki. Kaso, parang gan'un din 'yun. Pinatagal mo lang ng sampung taon, tapos, pwede na silang magkanya-kanya.
Maging hayop
Ang inaalala ko lang sa panukalang ito, parang trinatrato natin ang isa't isa na hayop. Ayaw na sa asawa? Pa-expire lang ang kontrata at pwede nang maghanap ng iba. Binubugbog ka ng asawa? Sampung taon lang ang titiisin mo't makakawala ka na rin sa kanya. Kulang sa lambing si Misis? Sabihin mo kay Kabit na patience is a virtue.Parang 'yung ibang mungkahi na ginagawa tayong mga hayop sa halip na tao. Hindi mo ma-control ang iyong "kati"? Gumamit kayo ng condom. Nawala ka sa sarili? Ipalaglag mo ang bata. Hirap ka nang mag-alaga sa iyong ulyaning magulang? Euthanasia ang sagot d'yan.
Ibang kasagutan
Nung una kong nabasa ang balitang ito, naisip ko, "Bakit hindi?" Hindi man ako kasapi ng BAGSIK (Bagong Alyansa ng mga Ginoong Sinisigawan at Inaapi ng Kababaihan), alam ko na meron naman talagang mga tao, lalo na mga kababaihan, na agabrayado sa kanilang kasal.Pero, naisip-isip ko, baka naman may iba pang kasagutan sa suliranin ng mag-asawa. Una sa lahat, 'di naman dapat padalos-dalos ang pagpapakasal. May kasabihan nga tayo na ang pagpapakasal ay hindi tulad ng kaning isusubo, tapos iluluwa 'pag napaso.
Ang ikalawa'y sa halip na gawing silver bullet ang kasal, na parang live happily ever after pagkatapos, isipin natin na kailangang pagtrabahuhin din ang kasal upang maging matibay ito.
Kasi, lahat naman ng gustong makamtam, lahat ng maganda sa buhay, dapat pinaghihirapan. Nang sa gan'un, mas magiging mahalaga.
Ewan ko, 'pag napasa ang panukalang ito, parang ang dali nang magpalit ng asawa. Para lang sigurong pagpapalit ng damit. At 'pag pinalitan na ako ni Misis, malamang hindi na ako makakakuha pa ng tulad n'ya.
Ayaw ko 'ata n'un!
Monday, January 4, 2010
Top Ten Wishes
Although tapos na ang Bagong Taon, patuloy pa rin ang mga taong nagbabatian ng "Merry Christmas and a Happy New Year" sa isa't isa, lalo na mula sa mga taong lumalapit sa amin kung kami'y nakahinto sa traffic light.
Tutal, ilang araw pa lang ang nakakalipas, meron din akong mga wishes sa ating kapwa Pinoy para sa bagong taon:
Wish Number 10
Maisip sana ng bawa't isa na ang isang pirasong wrapper ng kendi na itinatapon natin sa kalsada ay maaaring katumbas 'yan ng isang buhay na maaanod ng baha.
Ngayon, ayaw naman nating pumatay, 'di ba?
Wish Number 9
Maintindihan sana ng bawa't isa na mas malaki pa ang tsansang manalo ng isang taong tumaya sa sweepstakes kesa sa lotto.
Ikaw, may nakilala ka na bang tumama na sa sweepstakes?
Wish Number 8
Alam ko namang maraming "Efren Peñaflorida" sa bansa. Sana'y 'wag silang panghinaan ng loob kahit sabihing ang gawain nila'y quixotic at walang pera sa kanilang ginagawa.
Wish Number 7
Ang bayanihang naganap matapos ang "Ondoy" at "Pepeng" nawa'y maipagpatuloy ng mga Pinoy, 'di lamang kung may dumarating na malaking unos kun'di sa pang-araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay ng bawa't isa.
Wish Number 6
At ang mga politikong inangkin ang mga parangal, lalo na 'yung ang ginawa lang ay ilagay ang kanilang pangalan at mukha sa plastic bags, nawa'y maanod sa susunod na baha.
Wish Number 5
Ang bayanihang naganap matapos ang "Ondoy" at "Pepeng" nawa'y makita rin natin sa EDSA.
Wish Number 4
Marami namang nasa pamahalaan ang tunay na nagseserbisyo sa atin, at hindi nagnanakaw. Sana, hindi maging applicable ang 80/20 Rule, kung saan dalawampung porsiyento ng nasa gobyerno ang kumukubra (a.k.a. kumukurakot) ng walumpung porsiyento ng pera.
Sana, patas-patas lang. Lahat sana ng nasa gobyerno ay WALANG kinukurakot sa kaban ng bansa.
Wish Number 3
Nawa'y manatiling bayani si Manny Pacquiao sa paningin ng mga Pinoy.
Pero, hanggang sa loob lang ng ring.
Wish Number 2
Sana'y makialam ang bawa't Pinoy sa mga nagaganap na katiwalian sa bansa.
'Ika nga ni Edmund Burke, "All that is necessary for evil to succeed is that good men do nothing."
At ang Wish Number 1 ko para sa mga Pinoy ay:
Sana'y maisipan ng lahat na ang ika-uunlad ng bayan at ng bawa't isa ay nakasalalay sa kanilang mga kamay, at hindi sa kamay ng kung sinong presidente, senador, congressman, barangay captain, o kung sino mang politiko na iboboto nila sa darating na eleksyon.

Friday, January 1, 2010
Blessings
This is a favorite passage of mine, and I want to share this with you for the new year:
The LORD said to Moses: "Speak to Aaron and his sons and tell them This is how you shall bless the Israelites. Say to them: The LORD bless and keep you! The LORD let His faced shine upon you, and be gracious to you! The LORD look upon you kindly and give you peace! So shall they invoke My name upon the Israelites, and I will bless them." -- Number 6:22-27

Subscribe to:
Posts (Atom)