Sa pagsali sa NaNoWriMo 2010, may mga natutunan din naman ako:
1. Never over-estimate week-ends and holidays. If you plan on writing 10k words on each of those days, chances are life will have other plans for you.
2. Even if you're using the Internet, such as Wordpress, to write your novel so you can write anywhere in the world, it is still a good practice to often click the "Save" button. The "automatic save" setting does not work. If it did, it will save your work only after you clicked Ctrl-A, then mistakenly clicked Ctrl-V (instead of Ctrl-C), replacing your 2,500-word chapter with a short paragraph on Ecology.
3. Your MLs are there to help you, not to intimidate you. Participate in the activities!
4. Write whatever that comes into you mind. Thus, it is best that a paper and pen is always handy, even if you only have a bus ticket and a Bensia pencil. Just don't write while you drive.
5. It is better to write than to play Solitaire. It is not true that if you win a game your crush also has a crush on you.
6. Scheduling is important. Never watch Harry Potter and My Amnesia Girl both on the same day.
7. Don't sweat the small stuff. There are things less important than NaNoWriMo. And one of them is 'work'.
8. Writing 50 words in 3 minutes is easy. Writing 50k words in 30 days is difficult.
9. It is okay to be down by 12k words. Just be sure you are still in the second week of the month.
10. You don't have to be perfect; you only have to enjoy.
Looking forward na ako sa susunod na taon! Sana, sumali rin kayo.
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Tuesday, November 30, 2010
Monday, November 29, 2010
NaNoWriMo 2010 - Day 29
"I won! I won!"
Umabot ako ng 50,248 words sa nobelang aking isinusulat, although hindi pa talaga s'ya tapos. Mga mahigit two-thirds na ng nobela ang aking nasusulat, o, to be exact nasa 41 / 57th na ako.
Ngayon, may bragging rights na ako para makapagyabang na nakapagsulat ako ng isang nobela.
Ay, hindi pa nga pa pala. Kailangan ko pang isulat 'yung 16 / 57th part.
Wednesday, November 24, 2010
NaNoWriMo 2010 - Day 24 ; Good News, Bad News
Bad News: Nag-overheat ang aking sasakyan.
Good News: Magagamit ko ulit ang aking Wheelers' Club. Sulit!
Bad News: Leave ako ngayon sa trabaho.
Good News: Leave ako ngayon sa trabaho.
Bad News: Sa Sta. Ana pa ang aking talyer.
Good News: Malapit ang talyer sa Robinson's Manila.
Bad News: Kailangang hintayin ko na maayos ang kotse dahil kailangan ko siya bukas.

Bad News: Hindi ko nakain ang aking baon dahil wala akong magamit na microwave oven sa mall.
Good News: May napaligaya ako dahil ipinamigay ko na lang ang aking baon.
Prayer: Sana, hindi sumakit ang kanilang tiyan.
Good News: May Netopia sa mall.
Good News: Nakapagsulat ako ng 4,985 words.
Good News: Off ako ng less than two days na lang sa aking target.
Bad News: Gumastos ako ng P 192.
Good News: Natapos na ang pagpapaayos ng kotse.
Bad News: Natigil na ang aking pagsusulat.
Good News: Natigil na rin ang aking paggastos sa Netopia.
Over-all, kahit malaki-laki ang gastos ko, sa pagbigay ng tip sa drayber ng Wheeler's, sa pagkain ng pananghalian sa labas, sa paggamit ng PC sa Netopia, at sa pagpapaayos ng kotse, naging maganda ang takbo ng aking araw.
Prayer: Thank You, Lord, for this day!

Sunday, November 21, 2010
NaNoWriMo 2010 - Day 21
Total count as of today: 32,660
Waw! Mahigit pitong libong salita ang naisulat ko ngayong weekend. Nakahabol ako! Bago sumapit ang Sabado, nahuhuli ako ng limang araw, o mga 8,500 na salita. Nakakapanglumo. Kung minsan, iniisip ko kung kaya ko pang ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Ang sinasabi nga nila, mga sira lang ang ulo ang mga sumasali sa NaNoWriMo. At mga luko-luko ang nananatiling magsulat hanggang katapusan ng buwan.
Maganda nga lang ang support system, lalo na kung sasali ka sa isang region. Siyempre, sa Philippine region ako kasapi.
Merong dalawang Municipal Liasons o MLs, na siyang tumutulong sa mga Pinoy Wrimos makatapos ng kanilang mga nobela. Mahirap din ang trabaho nila bilang MLs. Nagususlat na sila ng kani-kanilang nobela, nag-pla-plano pa ng mga parties, write-ins,at kung ano-ano pang pakulo na kanila ring pinupuntahan, nagpapadala ng mga emails sa mga miyembro ng rehiyon, nagsusulat at sumasagot sa forum, at meron ding mga pa-contest para lang makatulong sa ibang mga kasali na makapagsulat ng marami. Galing nila!
Kaya, hats off ako sa kanila: sina Tina at Liana.
Salamat sa inyong dalawa. Kun'di dahil sa inyo, baka nag-give up na ako noong isang linggo pa.

Sunday, November 14, 2010
NaNoWriMo 2010 - Day 14
I am down by 12,000 words. Sobrang dami!
Ang hirap kasi 'yung alam mong may piyesta opisyal, 'yung isang araw na walang pasok. Magpapabaya ka kasi alam mo namang may panahon ka upang makahabol.
Kaso, sobrang dami na ang araw na hindi ako nakakapagsulat.
Kaya, ngayon, iniisip ko na makakapagsulat ako ng 5,000 words itong Sunday, dalawang libo bukas, at walong libo sa Martes.
Iniisip ng mabuti, 'yung vivid at realistic. Isama pa ang lahat ng senses habang ini-imagine ko 'yung dami ng salitang aking isusulat ngayon at sa mga susunod na araw.
"Law of Attraction," 'ika nga.
Ang kaso, hindi pala epektib ang Law na ito kung wala ka ring gagawin.
Hindi awtomatikong magkakaroon ako ng labing-apat na salita kung hindi ko ito isusulat. Dapat umaksyon din ako.
Yup, at least, may natututunan ako sa kalokohang kong ito.

Sunday, November 7, 2010
NaNoWriMo 2010 - Day 07
Total word count as of Day 07: 11,290.
Yes!!!
Halos apat na libong salita rin ang naisulat ko ngayon. Kahit papano, medyo nakahabol ako. Kulang pa ako ng mga anim na raang salita para sa aking target, pero okay na rin. At least, hindi masyado akong malayo.
Akala ko talaga bibigay na ako. Mga alas-otso na rin ako nagsimulang magsulat. Alas-onse na.
Masyado akong busy this week. Kaya, malamang, puyatan ito araw-araw.
Para na naman akong nasa-college nito, ah.

Saturday, November 6, 2010
NaNoWriMo 2010 - Day 06
Patay, nanganganib na ang nobela ko.
Kahapon, wala akong naisulat.
Ngayon, tatlong daang salita lamang.
Kapag hindi ako nakapagsulat ng limang libong salita bukas, mahuhuli na talaga ako.
Tagos, sisingit pa itong blog na ito.
Yari!!!!

Wednesday, November 3, 2010
NaNoWriMo 2010 - Day 03
Alam ko na. Para madaling mag-compute ng target number of words, ang aking i-e-aim ay makapagsulat ng 1,700 words per day. Mas madali 'yun kesa ang isipin ko'y makapagsulat ako ng 1,666.67 words per day. Paano ko naman gagawin 'yun? Siguro, ang huling isusulat ko sa isang araw o writing session ay "import" sa halip na "important" , o kaya'y "te" sa halip na "ten".
Bitin lagi, pero dapat 2/3 lang ng salita ang aking isusulat. Ibig sabihin, ang huling salitang isusulat ko ay may bilang ng titik na divisible by 3. Kung hindi, mas mahirap makuha 'yung 0.67 words.
Halimbawa, ano ang 67% ng salitang "antagonized". Hindi lang alanganin ang bilang ng letra ng salitang iyon, ang hirap pang magbilang, kasi napakahaba. Buti sana kung ang huling salitang isusulat ko ay "me". Alanganin pa rin, pero, ngayon, mas madali na'ng magbilang.
Kaya, kung gagamitin ko 'yung bilang na 1,700, matapos ang tatlong araw, dapat ay nakapagsulat ako ng 1,700 words per day x 3 days = 5,100 words.
The good news, nakaka-mahigit 5,200 na salita na ang naisusulat ko.
Kaya't 44,800 na lang ang kailangan kong isulat sa loob ng dalawampu't pitong araw na nalalabi sa buwan ng Nobiyembre.
Kaya ko kaya ito?
Kakayanin ko! Todo na ito!!!!

Monday, November 1, 2010
NaNoWriMo 2010 - Day 01
Sabi nila sira ulo lang ang mga sumasali sa NaNoWriMo. Mahigit isang taon din akong naghintay para makasali, at, ngayon, 'eto, kasali na ako.
Ang ibig sabihin ng NaNoWriMo ay National Novel Writing Month. Tuwing buwan ng Nobiyembre ginaganap ang "pagligsahang" ito. Sa loob ng tatlumpung araw, ang mga kasali ay kailangang makapagsulat ng isang nobela na binubuo ng limam-pung libong (50k) salita. Kung ito'y iyong magagawa, ikaw ay "mananalo" ng isang certificate at web badge. Aba, bragging rights din 'yun.
Upang manalo, kailangang ko'ng magsulat ng 1,667 words per day.
Buti na lang at piyesta opisyal ngayon, kaya't may isang araw ako para magsulat.
2290 words ang aking naisulat.
Hah! Lamang pa ako!
Kaso, paano 'pag may pasok na sa opisina?
Abangan na lang ang susunod na kabanata.

Subscribe to:
Posts (Atom)