Sabi nila sira ulo lang ang mga sumasali sa NaNoWriMo. Mahigit isang taon din akong naghintay para makasali, at, ngayon, 'eto, kasali na ako.
Ang ibig sabihin ng NaNoWriMo ay National Novel Writing Month. Tuwing buwan ng Nobiyembre ginaganap ang "pagligsahang" ito. Sa loob ng tatlumpung araw, ang mga kasali ay kailangang makapagsulat ng isang nobela na binubuo ng limam-pung libong (50k) salita. Kung ito'y iyong magagawa, ikaw ay "mananalo" ng isang certificate at web badge. Aba, bragging rights din 'yun.
Upang manalo, kailangang ko'ng magsulat ng 1,667 words per day.
Buti na lang at piyesta opisyal ngayon, kaya't may isang araw ako para magsulat.
2290 words ang aking naisulat.
Hah! Lamang pa ako!
Kaso, paano 'pag may pasok na sa opisina?
Abangan na lang ang susunod na kabanata.
No comments:
Post a Comment