Alam ko na. Para madaling mag-compute ng target number of words, ang aking i-e-aim ay makapagsulat ng 1,700 words per day. Mas madali 'yun kesa ang isipin ko'y makapagsulat ako ng 1,666.67 words per day. Paano ko naman gagawin 'yun? Siguro, ang huling isusulat ko sa isang araw o writing session ay "import" sa halip na "important" , o kaya'y "te" sa halip na "ten".
Bitin lagi, pero dapat 2/3 lang ng salita ang aking isusulat. Ibig sabihin, ang huling salitang isusulat ko ay may bilang ng titik na divisible by 3. Kung hindi, mas mahirap makuha 'yung 0.67 words.
Halimbawa, ano ang 67% ng salitang "antagonized". Hindi lang alanganin ang bilang ng letra ng salitang iyon, ang hirap pang magbilang, kasi napakahaba. Buti sana kung ang huling salitang isusulat ko ay "me". Alanganin pa rin, pero, ngayon, mas madali na'ng magbilang.
Kaya, kung gagamitin ko 'yung bilang na 1,700, matapos ang tatlong araw, dapat ay nakapagsulat ako ng 1,700 words per day x 3 days = 5,100 words.
The good news, nakaka-mahigit 5,200 na salita na ang naisusulat ko.
Kaya't 44,800 na lang ang kailangan kong isulat sa loob ng dalawampu't pitong araw na nalalabi sa buwan ng Nobiyembre.
Kaya ko kaya ito?
Kakayanin ko! Todo na ito!!!!
No comments:
Post a Comment