Nag-attend kami ng anticipated Mass kahapon, kaso, biglang umulan ng malakas. Kaya, marahil, hindi na-kumpleto ang choir; ang second voice lang ang dumating.
Super distracted si Bunso. Nainis din ako. Gusto ko na sanang lapitan s'ya para maki-usap na tumula na lang s'ya.
Naisip ko nga na baka akalain ng mga kapit-bahay na nagtayo ng karaoke bar ang simbahan.
Pero, bakit ko naman s'ya pipigilan? Buti pa nga ang taong ito, nagseserbisyo sa Diyos -- ibinabahagi n'ya ang kanyang talento.
Okay, hindi n'ya talent ang pagkanta. Hindi 'yun isa sa dalawang talentong ibinigay sa kanya ng Diyos. Pero hindi naman s'ya 'yung aliping ibinaon sa lupa ang talentong kanyang natanggap. Sa halip, dinaragdagan pa n'ya ang mga ito.
Marahil, kung nasa karaoke bar ang taong ito, at kumanta s'ya ng "Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba", papalakpakan s'ya ng mga tao. Pero sa simbahan, halos lahat ay napapailing.
Pero, palagay ko, sa mga oras na 'yun, pinapalakpakan s'ya ng Diyos.
Cholesterol-filled stories to kill the old self, and, hopefully, give birth to a better one.
Sunday, August 31, 2014
Saturday, June 21, 2014
Faith
Unang araw ni Bunso sa college noong nakaraang Lunes. Noong Martes naman ang una n'yang araw umuwi mag-isa. Commute.
Okay lang naman kasi nag-practice naman kami noong bakasyon. Apat na paraan upang makauwi s'ya, depende sa oras at sitwasyon.
Kung maaga pa, sa Magallanes s'ya sasakay.
Kung oras na ng labasan sa mga opisina, dun naman s'ya sa Cinema Square.
Kung medyo late na, sabay na lang sa Ate n'ya.
At kung sobra nang late, pasundo na lang s'ya sa akin.
Kaya naman halos mag-panic si Misis nang makatanggap s'ya ng tawag mula kay Bunso:
Bunso: Nanay, I'm lost.
Nanay: Ha? Nasaan ka na?
Bunso: Ayala.
Wala nga sa na-practice namin 'yun. Actually, ayaw ni Misis dun kumuha ng sakay papauwi si Bunso. 'Di namin akalain dun s'ya mapapadpad.
Sa madali't sabi, nakauwi din si Bunso, safe and sound.
Sa bahay, habang nagkukuwentuhan, ganito ang naging usapan:
Nanay: Ano'ng ginawa mo?
Bunso: Just what you said, magtanong sa security guard.
Nanay: Hindi ka nag-panic?
Bunso: Hindi. Alam ko namang susunduin ako ni Tatay sa SM.
"Patay!" naisip-isip ko. Ginawa na naman akong driver.
Marahil, 'yan talaga ang papel ko sa buhay. Kaya nga ako natutong magmaneho para ipag-drive ang aking pamilya.
Pero, on second thought, naisip-isip ko rin. Sobra ang pagtitiwala ni Bunso sa akin. Nakakataba rin ng puso. Isipin mo, kahit hindi ako ang una n'yang tinawagan, if everything fails, "nand'yan si Tatay".
Ang tawag dun "fatith".
Naisip ko tuloy, bakit hindi ganoon ka-strong ang faith ko sa Tatay ko sa Itaas.
"Kayo na masasama ay marunong magbigay ng mga mabuting kaloob sa inyong mga anak. Kung ginagawa ninyo ito, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na Kaniyang ibibigay ang Banal na Espiritu sa kanila na humihingi sa Kaniya?" - Lucas 11:13
"Out of the mouth of babes", kahit hindi na baby si Bunso.
Talagang dapat nang magtiwala na ng lubusan.
Todo na 'to!

Friday, February 14, 2014
What Is Love?
NOTE: Unang napakinggan ko ito sa radyo, DWLL - The Mellow Touch, noong second year High School ako. Madalas, pinapasok ito sa intro ng kantang Colour My World ng Chicago o sa interlude ng If I Should Love Again ni Barry Manilow. Mula noon, inaabang-abangan ko s'ya upang ma-transcribe ko sa papel. Nabuo ko noong fifth year College na ako. Ang kaso, nawala ang aking kopya. Buti na lang at may Internet, kaya, ilang search lang nahanap ko na s'ya. Galing pala ito sa isang recording ng isang Amerikanong DJ, si Tom Clay.
Happy Valentine's Day sa lahat!
Is there really such a thing? Is... is love selfish, just a need fulfilled... someone to fulfill your need?
Love... is when, well, it's when you really don't care about yourself as much as you do the other person. In other words, it's not so much for the pleasure she gives to you, it's because you have someone to give pleasure to... someone that, that needs you. Maybe that's love... unselfish love.
Happy Valentine's Day sa lahat!
What is love?
Is there really such a thing? Is... is love selfish, just a need fulfilled... someone to fulfill your need?
I think I know what love is. I can see you all now, waiting for the answer... right?
Love... is when, well, it's when you really don't care about yourself as much as you do the other person. In other words, it's not so much for the pleasure she gives to you, it's because you have someone to give pleasure to... someone that, that needs you. Maybe that's love... unselfish love.
It's like... when you're weary, and... and feeling small, right? When tears are in her eyes, and you would dry them all.
That's love.
Sunday, February 9, 2014
The "More Humble" Purchase (New Year's Resolution - Part 3)
Hinahanap ko sa Facebook 'yung isang post ng kaibigan, na sinasabi n'ya ang tatlong criteria bago n'ya bilhin ang isang bagay. Hindi ko na makita ang isinulat n'ya, pero ito ang naaalala ko:
1. Kailangan ko ba ito?
2. Afford ko ba ito?
3. Gusto ba ng Diyos na bilhin ko ito?
Madalas ay "oo" ang sagot natin sa dalawang unang tanong.
"Oo, kailangan ko 'yung bagong iPhone 5. Mahina na kasi ang baterya ng aking Samsung Galaxy Note."
"Oo, kailangan kong bumili ng Fortuner. Tumataas na ang pagbaha sa mga dinadaanan ko."
"Oo, kailangan ko 'yung mas malaking TV. 'Yung HD. Para mas magandang manood ng Got To Believe."
At ngayong uso na ang Buy Now, Pay Three Months Later, at meron pang 0% interest for twelve months, mai-isip nating kayang-kaya natin ang mga nais nating bilhin.
'Yung ikatlong tanong ang mahirap sagutin.
Paano nga ba natin malalaman kung nais ng Diyos mapasa-atin ang isang bagay?
Meron ba tayong maririnig na boses na nagsasabing, "Bilhin mo yan! Bilhin mo yan!"?
Lagi naman nating naririnig 'yung boses na 'yan. Hindi nga lang galing sa Diyos.
Siguro.
Nabasa ko ang "listahan" ng New Year's Resolution ni Pope Francis. Marahil, sa halip na hintayin ko ang bulong ng Diyos, susundin ko na lang ang winika ng Papa: Kung may bibilhin ako, pipiliin ko ang "more humble" purchase.
Kaya kung ang pinagpipilian ko ay iPhone o Samsung, bibilhin ko 'yung MyPhone. May TV pa.
Kung iniisip kong bumili ng Fortuner o Tucson ("too-son" daw ang pronounciation), bibili ako ng Lancer, second hand, 1992 model. May Wheeler's naman, kaya hindi problema ang pagtirik.
At kung pino-problema kung saan ako kakain, sa Vikings o sa Marriott, kakain ako sa bahay. Mas masarap pa.
Sa simpleng criteria (criterium?) lang na 'yan, malalaman ko na kung bibilhin o pagkakagastusan ang isang bagay o hindi.
At hindi ako malalayo sa kasagutan sa ikatlong tanong.

Sunday, February 2, 2014
New Year's Resolution 2014 (Part 2)
Asar na asar si Senyorita Roces, guro ng Spanish 1 , sa kanyang estudyanteng si Pedro. Paano naman, panay ang daldal ni Pedro sa kanyang katabi, hindi nakikinig sa mga lessons.
Minsan, tinawag ng titser ang binata.
"Pedro!"
"Si, Senyora?"
Nagpanting ang tenga ng guro. Ilang beses ba n'yang uulit-ulitin na ang dapat na tawag sa kanya ay "senyorita" at hindi "senyora"? Hindi na nakapagpigil kaya't nasigawan n'ya si Pedro.
"Tonto!"
Walang kakurap-kurap na sumagot si Pedro.
"Tonto. Tontas, tonta, tontamos, tontais, tontan!"
------
May tatlumpung taon na rin n'ung huli akong nag-aral ng Espanyol. Hindi pa na-re-repeal ang Spanish Law, kaya't required naming kunin 'yun.
Sayang din naman, kasi, noong huling semester ko na, hindi ko na kailangang mag-translate sa aking utak kapag nagbabasa sa Spanish.
Kelan lang, napanood ko sa TV na upang makaiwas sa dementia, kailangan ng utak ang mag-exercise. At ang isang mahusay na paraan ay ang matutuo ng bagong wika.
Okay, okay, hindi naman talagang bago sa akin ang Kastila.
Una'y dalawang taon ko itong napag-aralan, kahit na matagal na.
Ikalawa nama'y marahil mahigit sa limampung porsiyento ng mga salita sa Pilipino ay galing sa Espanyol.
At anong kalokohan naman itong mag-aaral ng bagong wika? Eh, Inggles nga lang palpak na ako.
Pero, ayaw kong tumanda -- este, mas tumanda -- ng ulyanin.
Makakalimutin na nga ako. Madalas, hindi ko maaalala kung nakapagdasal na kami bago kumain. Nalilimutan ko na ang pangalan ng mga kaibigan, kamag-anak, at kakilala.
Pero, ang mga kaaway, hinding-hindi ko malilimutan.
Nalalayo ako.
Hindi ko tatawaging New Year's Resolution, nguni't isang objective ito: pag-aaralan kong muli ang wikang Kastila, hindi naman upang makapagsalita, kun'di upang makapagbasa.
Upang mabasa't maintindihan ang mga paborito kong Latin songs.
Upang mabasa ko ang mga tula sa MRT.
At, ang ultimate, upang mabasa ko ang Noli at Fili sa orihinal na Kastila.
'Pag hindi pa naman na-stretch at na-exercise ang utak ko, yo no se lo que se!

Monday, January 13, 2014
Malas
Dapat, mag-ingat ang mga tao ngayon, ang pinakamalas na araw sa ating henerasyon. Mauulit lang ito sa susunod na sandaang taon.
Samahan mo pa ng oras ngayon, limang beses na kamalasan 'yan.
Buti na lang at hindi pumatak sa Biyernes, kun'di'y hindi na ako babangon sa higaan.
Bakit nga ba malas ang numerong trese? Kasi, si Kristo at ang Kanyang apostoles ay may bilang na trese? At malas din ang Biyernes dahil 'yun ang araw ng Kanyang kamatayan?
At kaya ba malas ang magpa-Kodak ng tatlo, na mapapahamak daw ang nasa gitna, ay dahil si Kristo ay ipinako sa krus sa gitna ng dalawang kriminal?
Kung ganoon, maswerte ang nasa kanan (nasa kaliwa, kung titignan mo sa camera, cellphone, o tablet). At least, mapupunta 'yun sa paraiso.
Patay nga lang din s'ya.
Hindi man ako nag-pu-feng shui, naniniwala pa rin ako sa mga "malas" at "swerte". Meron talagang mga pagkakataong may mga pahirap na dumarating sa ating buhay, kahit wala tayong kasalanan. Ang sinasabi ko na lang, "Ganoon, eh. Malas ko lang."
Pero, ang paniniwala ko, hinahayaan ng D'yos na mangyari sa akin ito dahil meron S'yang plano.
Hindi ito isang wishful thinking oblind faith
. Kasi, pagkatapos ng ilang taon, kung babalikan ko ang nangyaring kamalasan sa akin, parang mas bumuti pa ang buhay ko dahil sa mga pangyayaring iyon.
'Ika nga ni Babbie Mason:
"God is too wise to be mistaken.
God is too good to be unkind.
So when you don't understand,
When you don't see His plan,
When you can't trace His hand,
Trust His Heart.
"
Ganoon din ang sinabi ng aking Lolo Kiko:
"Datapuwa't sino ang tatakok kaya
sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila?
Walang nangyayari sa balat ng lupa,
'Di may kagalingang Iyong ninanasa."
Abutan man ako ng malas, o abutan man ng s'werte ngayong araw na ito, basta ang alam ko'y kasama ko ang Diyos.

Hindi ito isang wishful thinking o

Thursday, January 9, 2014
Tutoring and Bonding Time
Nanaginip ako kagabi na nasa isa raw akong maliit na grupo ng mga kalalakihan. Ang isa sa amin ay may hawak na banduria, tumutugtog ng "Show Me A Smile" ng APO, at ang isa ay may hawak na gitara, accompaniment ng banduria. Kasama din namin si Jim Paredes.
Amateurish ang pagtugtog, masyadong mabilis, at walang feelings, 'ika nga.
Biglang tumayo at umalis si Jim, kasama ang isa pang lalaki. Tapos, nandun na silang dalawa sa isang stage, si Jim ay may dalang banduria at ang kasama naman n'ya'y may gitara.
Tumugtog si Jim ng ilang nota ng "Show Me A Smile" at huminto. Maganda s'yempre ang kanyang pagtugtog. Napaka-professional. Mabagal, at kahit na maikli lang ang kanyang tinugtog, damang-dama mo ang feelings ng kanta.
Huminto si Jim dahil nais n'yang sumunod sa kanya ang unang nag-ba-banduria. Hindi nagmamayabang o naiinis ang taga-APO, sa halip ay parang matiyagang tinuturuan n'ya 'yung mama.
Nang hindi sumunod ang tinuturuan, tumugtog naman ang kasama ni Jim. Napakaganda rin ng pagtugtog n'ya.
Tapos, nagising na ako.
Pinag-trip-an ko naman ang panaginip ko. Sabi ko, "Dear God, ano ang ibig sabihin ng panaginig kong ito?"
Biglang naalala ko: kagabi'y tinuruan ko si Bunso sa Math, limits ang pinag-aaralan nila.
Ako ang tutor ni Bunso, sa Math, Science, English, Pilipino, Art, at halos sa lahat na ng subjects.
Madalas nag-aaway kami. Nagbabangayan. Makailan beses ko na s'yang napalo. May mga pagkakataon na inihahagis ko ang kanyang libro, pero hindi naman sa kanya. Minsan, pinupunit ko pa ang kanyang ginawa, na sabi naman n'yang ayaw na ayaw n'yang ginagawa ko 'yun.
Ilan taon na rin akong nagtuturo sa kanya, mula pa nang bigyan siya ng homework ng titser, halos sampung taon na ang nakakaraan. Pero, mas madalas na kami'y nagkakasigawan kesa nagkakaturuan.
Kung naman hindi s'ya inaantok, madali n'yang naiintindihan ang topic, at kung magkagayon, mabilis ang aming pag-aaral. At sa mga pagkakataong ito, nagkukuwento s'ya sa akin, tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa school, tungkol sa mga kaibigan, at tungkol sa kanyang mga pangarap.
Naisip ko tuloy na nagiging bonding time na rin namin ang paggawa ng homework.
Tapos, naisip ko rin na malapit nang magtapos ng high school si Bunso. Marahil, pagdating ng College, mangilan-ngilan na lang ang pagkakataong matulungan ko s'ya.
At kung hindi na s'ya magpaturo, magkakaroon pa kaya s'ya ng oras sa akin upang magkwento?
Naalala ko tuloy 'yung aking panaginip. Matiyagang nagturo si Jim dahil gusto n'yang matuto 'yung aming kasamahan.
Dapat, ganoon din ang aking ginawa kay Bunso. Hindi dapat naging mabilis ang pag-init ng aking ulo. Mas nakinig pa dapat ako. Mas naging matiyaga pa sana ako.
Marahil, mga isa o dalawang taon na lang kaming magtuturuan. Mabilis lumipas 'yun. Sana, maraming oras pa na kami ay mag-"bonding". Pero, pipilitin ko na laging masaya ang mga oras naming magkasama.
At nang sa ganoon, hindi lang sa kanta ang "Show Me A Smile".
Ngingiti kami t'wing maaalala namin ang mga panahong gumagawa kami ng homework.

Parang si Jim sa aking panaginip.
At nang sa ganoon, hindi lang sa kanta ang "Show Me A Smile".
Ngingiti kami t'wing maaalala namin ang mga panahong gumagawa kami ng homework.
Sunday, January 5, 2014
New Year's Resolution 2014 (Part 1)
Limang araw na ang nakakalipas since New Year, at ngayon pa lang ako gagawa ng aking New Year's Resolution. Huli man daw at magaling, huli pa rin.
Pero, bago ako gumawa ng listahan, tinignan ko muna: Ano nga ba talaga ang New Year's Resolution? At saan pa ako maghahanap kun'di sa pinaka-authoritative na source of information: ang Wikipedia.
Sabi doon, ang New Year's Resolution ay isang pangako para sa self-improvement o "something slightly nice."
Sa totoo lang, hindi ko masyadong naintindihan 'yung "something slightly nice".
Pero ang talagang totoo, hindi ko s'ya nainitindihan.
Marami na rin akong nababasang mga New Year's Resolution, kung minsan umaabot ng dalawampung pangako. May iba pa nga d'yan, nag-re-recommend ng New Year's Resolution para sa ibang tao, lalong-lalo na para sa Presidente o para sa mga artista.
Ang success rate naman ay hindi lalampas ng 25%.
Kaya hindi ako gagawa ng sampung resolutions sa taong ito. Isa nga lang, napapako pa. Tatlo na lang ang aking gagawin. Mag-succeed man ako sa isa, mas mataas na ang success rate ko sa average.
Ang una kong kong ipinapangako ay mag-po-post ako dito at least twice a month. Magsusulat ako sa una't ikatlong linggo ng buwan.
Ngayon, para matupad ko agad ang aking unang resolution, itututuloy ko ang topic na 'to sa ibang post.
Kaya, abangan ang susunod na kabanata.
Nawa'y maging blessed ang taong 2014 sa inyo.

Subscribe to:
Posts (Atom)