Itong taong 2009, marami ring mga Pinoy ang gumawa ng practical jokes, hindi lang itong araw ng Niños Inocentes, kun'di sa buong taon na rin. At ito ang aking Top Ten Pinoy Pranksters sa taong 2009:
- Ondoy/Pepeng (na ang naging biktima ay ang milyong-milyong kataong nalubog sa baha) - Babasain ko lang ang mga ito.
- Mt. Mayon (na naging biktima ang mga tao ng Albay) - 'Di lang Super Lolo ang pasasabugin ko ngayong taon.
- Big Three Oil Companies (na naging biktima ang mga taong may sasakyan, sumasakay, o...well, buong 'Pinas pala) - Sige, kung hindi n'yo kami papagayang kumita ng limpak-limpak na salapi, magkaka-ubusan ng gasolina.
- Erap (na ang binibiktima ay ang mga mahihirap na sumusuporta pa rin sa kanya) - Erap para sa mahihirap.
- Willie Revillame (na ang naging biktima ay ang kanyang sarili) - Nagsasaya kami dito...!
- COMELEC Chairman Jose Melo (na ang naging biktima ay ang party list Ang Ladlad) - 'Wiz ko tyfe ang mga bading!
- COMELEC (na naging biktima sina Grace Pandaca, Joselito Mendoza, at, maaaring, si Fr. Ed Panlilio) - Yari ka!
- Hayden Kho (na ang naging biktima ay ang mga babaeng kinukunan n'ya ng video habang sila ay nakikipag-sex) - Niyayari kita!
- Datu Andal Ampatuan, Jr. (na ang naging biktima ay...kilala n'yo na) - Magpapaputok ako sa mga ito para magulat.
- GMA (na ang naging biktima ay ang bansang Pilipinas, at ang balak biktimahin ay ang ikalawang distrito ng Pampanga, at, pagkatapos ay bibiktimahin muli ang bansang Pilipinas) - Nasa dugo ko pala ang public service.
No comments:
Post a Comment